MAHIGIT dalawang oras din ang lumipas bago nakatanggap ng break si Arrhea mula sa photographer nila. Isinandal niya ang likod sa sandalan ng silya at kinuha ang isang bote ng malamig na tubig sa manager niya. Ah, pagod na pagod na siya. Hindi naman ganoon kadaling mag-pose sa harap ng camera sa loob ng higit dalawang oras. Ilang beses din siyang nagpalit ng damit, mabuti na lang at magaganda at komportable ang mga designs ni Stacey.
Tumingin siya sa paligid, lumulubog na ang araw. Isang modelo na kasama niya sa agency ang nakasalang na ngayon sa pictorial. Ang ilan sa mga modelo ay nagpapahinga, ang iba ay nag-uusap at ibinubuhos ang oras sa dagat. Gusto niya ring mag-langoy pero pagod na talaga siya.
Agad niyang natanaw si Raffy na naglalakad pabalik sa set, mukhang nagpunta lang ito sandali sa sasakyan nito dahil may hawak na itong isang folder. Napailing siya, hanggang dito ba naman ay trabaho pa rin ang gingawa nito?
Napansin niya ang ilang mga modelo – lalo na ang mga American models na galing sa New York na sunod ang tingin dito. Umupo ito sa isang bench malapit sa inuupuan niya. Tumingin ito sa kanya at aktong magsasalita ng biglang may sumigaw.
“Someone’s drowning!” narinig nilang sigaw ng isang babae.
Agad na nagsipag-takbuhan ang mga taong naroroon sa dalampasigan. Tumayo siya at natanaw ang isang modelong nalulunod.
“Oh no,” akmang tatakbo na siya para tulungan ito nang hilahin ni Raffy ang braso niya. Napatingin siya dito.
“Dito ka lang,” utos nito at tumakbo patungo sa dagat. Kahit nakasuot pa ito ng business suit ay walang alintana itong lumusong sa dagat. Ilang sandali lang ay naabot na nito ang modelo at naglalangoy na pabalik sa dalampasigan.
Lumakad siya palapit sa mga ito. Ilang tao na rin ang nakaumpok doon. Napansin niyang isa ang modelo sa mga American models na mula sa New York. Nag-alala siya nang mapansing hindi pa rin ito gumagalaw. Raffy started pumping the model’s chest.
She suddenly stopped on her tracks when she saw Raffy bent down and did a mouth-to-mouth resuscitation on her. Maging ang ilang mga tao doon ay alam niyang nagulat din.
Hindi niya alam kung bakit tinalikuran niya ang mga ito at lumayo sa lugar na iyon. Dumiretso siya sa loob ng cottage niya at nanatili doon. Something was wrong with her. Marahas siyang napailing. No, nothing’s wrong with me. Pagod na pagod lang talaga siya at kailangan niyang magpahinga.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romans"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...