Chapter 16.2

3.2K 52 0
                                    

MABILIS na tumakbo si Arrhea papunta sa kinapaparadahan ng van nila sa labas ng apartment building niya. Natatakluban na ng yelo ang buong paligid at nilalamig na agad siya ng ilang minutong pananatili sa labas.
Pagkapasok sa sasakyan ay komportable niyang ipinosisyon ang sarili sa upuang nakatapat sa heater. Kanina pa naroroon ang manager niya at nagbabasa na ng morning newspaper.
Nginitian niya ito. “Anything good on the news?” masiglang tanong niya dito. After-effect pa rin siguro iyon ng pangyayari nang nagdaang gabi at kaninang umaga.
Nagtataka itong napatingin sa kanya. “You seem to be in a good mood today, huh?” napangiti na rin ito. “Did you sleep well last night?” dugtong na tanong nito.
Lumawak ang pagka-ngiti niya, naalala ang pinaka-magandang pagtulog na nagawa niya. “Yep.”
Tumango na lang ito at ibinaba na ang hawak na diyaryo. Sinimulan na nitong paandarin ang sasakyan patungo sa location ng drama filming niya ngayong araw.
“Oh, by the way,” pagsisimula ulit ni Da Seul, hindi tinatanggal ang tingin sa daan. “Have you decided on what to do about your drama offer in the Philippines?”
“Yeah,” sagot niya habang tumatango. “I’ll accept it.”
Sandaling napasulyap ito sa kanya. “Really?”
“Hmm.”
Tumango-tango na lang ito.
Pagkatapos ay may naalala siya. “Oh, I remember,” wika niya. “I want to spend Christmas in the Philippines.”
Muli itong napasulyap sa kanya, may pagtataka na sa mga mata. “Why? You’re going there alone?” hindi makapaniwalang tanong nito.
“No, Justin will be there too,” pagsisinungaling niya. Alam niyang kapag sinabi niyang kasama niya doon ang Kuya niya ay papayag agad ito.
Hindi nga siya nagkamali nang agad itong tumango. “That’s nice,” komento pa nito. “It’s good that your brother’s giving more time for you.”
Bigla siyang nakaramdam ng guilt sa ginawang pagsisinungaling dito. Pero wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang gawin iyon.
“You can also spend Christmas with your family too,” dagdag niya para naman mabawasan ang guilt na nararamdaman. “Don’t worry about me and just enjoy your holiday vacation,” tulak niya.
Ngumiti na lang ito. Alam niyang gusto rin naman nitong makapag-pahinga at makasama ang sarili nitong pamilya.
Ilang sandali lang ay nakarating na sila sa filming site. Huling araw niya na ng filming ng araw na iyon, kaya kailangan niyang tiisin ang lamig at tapusin na lahat. Bago bumaba ay muli siyang nagtanong dito.
“Da Seul, can we go to the agency later?” tanong pa niya.
“Why?”
Nagkibit siya. “I just want to talk to Raffy about the… the drama offer in the Philippines,” pagdadahilan niya. Sana hindi nito mapansin ang excitement sa tono niya.
Tumango na lang ito at lumabas na ng sasakyan.
Ngumiti siya sa sarili at sinundan ito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon