“WHAT?” napatingin si Arrhea sa manager niya dahil sa ibinalita nito. “Ashlee’s missing?” hindi makapaniwalang tanong niya.
“Yeah,” sagot naman nito. “I heard that Mr. Choi and his family are working on finding her. So, you don’t have to worry about that,” pagkasabi noon ay dumiretso na ito sa kusina ng apartment niya sa Seoul.
Napatitig siya sa hawak na script pero wala doon ang isip niya. Kung nawawala si Ashlee, paano na si Rafael? Kumusta na kaya ito? Simula ng umalis siya sa Pilipinas ilang linggo na ang nakalipas ay wala na siyang naging balita dito. Ano na kaya ang nangyari sa mga ito? Kinuha niya ang cell phone sa mesang nasa harap. Tatawagan niya ba ito? Pero anong sasabihin niya?
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at sinarhan ang script na hawak. Tumayo siya at tumungo sa kusina.
“Da Seul-ah,” tawag niya sa manager na kasalukuyang nagtitimpla ng kape nito. Tumingin ito sa kanya.
“I’m going to the Philippines,” pagpapatuloy niya.
Itinigil nito ang ginagawa at humarap sa kanya. “You can’t,” tutol nito. “You know that you have a lot of schedules this month.”
“It won’t be long,” hirit pa niya. “Three days is enough,” yumuko siya. Hindi siya mapapalagay kapag hindi niya man lang nakita si Rafael kahit ilang araw lang.
Napabuntong-hininga ito. “Arrhea, Mr. Choi won’t—”
“Please,” pagmamakaawa niya. May mga luha na sa mga mata niya nang muli siyang tumingin sa manager. “I-I want to see him. I will talk to Raffy about my schedules and activities once I got there.”
Ilang sandali itong nag-isip, nasa mukha pa rin ang pagtutol pero dahil siguro sa nakikita nitong paghihirap sa mga mata niya ay napilitan na din itong pumayag.
Tumango ito. “Okay, but I’m going with you.”
Ngumiti siya at tumango. “Thank you.”
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romance"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...