Chapter 5.4

2.8K 51 2
                                    

PAGKAPASOK ni Arrhea sa loob ng van ay agad niyang nakita doon ang manager niya, inabutan kaagad siya nito ng isang cup ng mainit na kape. Pagod na pagod na siya ng mga oras na iyon, katatapos lang din kasing mag-shoot ng panibago niya na namang commercial endorsement.
Saktong anim na linggo na ang nakaraan simula ng bumalik siya sa Seoul para humanap ng kapayapaan ng utak. Halos araw-araw ay puno ang schedules niya kaya wala na talaga siyang panahon na magpahinga. Mas maayos na ang ganoon, dahil doon ay pansamantalang nawawala ang sakit na nararamdaman niya.
Marahan siyang humigop ng kape bago tumingin kay Da Seul.
Napabuntong-hininga ito, nasa mukha ang pag-aalala. “You know, Mr. Choi just came back this morning and he just worked up a storm. He wants everyone’s work to be as organized as possible and he clearly stated that he wants to talk to everyone,” napailing pa ito. “I think we’re really going to have a hard time this year. Our monster boss is definitely back,” napatawa pa ito.
Napatingin na lang siya sa labas ng bintana ng sasakyan. Nakabalik na pala ito, wala siyang pakialam doon. Simula ng araw na umalis siya sa Pilipinas ay wala na rin siyang balita sa mga pangyayari doon. Siguro dahil ayaw niya ng makarinig ng kung ano tungkol sa kanila. Ayaw niya nang i-involve ang sarili niya sa pamilya nito. Gusto niyang kalimutan na kilala niya pa ang mga ito. Sa ganoong paraan, baka makalimutan niya na rin ang sakit na nararamdaman.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon