Chapter 5.2

2.7K 39 0
                                    

MARAHANG ini-hakbang ni Arrhea ang mga paa papasok sa loob ng bahay ng mga Choi sa Ayala. Pagkapasok niya sa loob ng living area ng mga ito ay agad niyang nakita doon si Raffy na nakatayo malapit sa telepono. Hindi niya na napagtuunan ng pansin ito nang makita niya si Rafael na nakaupo at nakasandal sa dingding hindi kalayuan sa mga ito. Nakataklob sa mukha nito ang mga kamay.
Nasasaktan ang puso niya habang nakatingin dito. Mukhang pagod na pagod ito, magulo ang ayos ng buhok nito at mukhang ilang araw ng hindi napapalitan ang suot na damit. Kinagat niya ang labi para pigilin ang pag-iyak. Ano nang nangyari dito?
Pagbalik niya ng tingin sa kinatatayuan ni Raffy ay nakita niyang nakatingin na ito sa kanya. May pagkagulat na sa mga mata nito, siyempre, hindi nito inaasahang makita siya doon. Hindi niya na ito pinansin at tumakbo palapit kay Rafael.
“Rafael,” tawag niya sa pangalan nito. Tumingin ito sa kanya, kitang-kita niya ang paghihirap sa mga mata nito at maging siya ay nahihirapan sa nakikitang ayos nito. Hinaplos niya ang mukha nito. “You look terrible,” bulong niya at hinigit ito para yakapin. Gusto niyang ibigay ang lahat ng comfort na kailangan nito, hindi niya gustong makita itong nasasaktan at nahihirapan.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon