Chapter 17.3

3K 52 0
                                    

ANG pagdiriwang ng Pasko sa lugar nina Rafael at Ashlee ay isa sa mga hindi maka-kalimutang sandali sa buhay ni Arrhea. Iyon ang isa sa pinaka-magandang Paskong naranasan niya, hindi niya alam na magiging ganoon siya kasaya kasama ang mga ito, lalo na si Raffy.
Bukas ay babalik na naman siya sa South Korea para naman magpakita sa pamilya niya doon. Pagkatapos ay babalik ulit siya dito sa Pilipinas para naman masimulan ang bago niyang drama project dito.
Napatingin siya sa may pinto nang makarinig ng katok mula doon. Lumapit siya doon at nagulat pa nang mapag-buksan ang kapatid niyang si Justin. Hindi ito nagpakita sa kanya nitong mga nakaraang araw kahit na narinig niyang nasa Pilipinas ito.
“Kuya,” bati niya dito at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. Nang makapasok ito ay nagpatuloy siya. “Napadalaw ka?”
Naupo ito sa sofa na naroroon at sumunod naman siya dito. “Narinig ko kahapon kay Rafael na nandito ka daw. Bakit hindi mo ako tinawagan?”
“Akala ko alam mo na,” sagot niya. “Saka hindi ko naman alam na magtatagal ka dito sa Pilipinas,” pagdadahilan pa niya.
Tumango na lang ito. “Alam ba ni Papa na nandito ka?”
“Oo, tinawagan ko sila bago ako umalis ng South Korea.”
“I see,” bumuntong-hininga ito. “Kailan ka—” napatigil ito nang makarinig sila ng tunog ng cell phone.
Sa kanya iyon. Mabilis niyang inabot ang handbag na nasa mesa at hinanap doon ang cell phone. Nasa pinaka-ilalim pa iyon kaya nailabas niya pa ang ibang laman sa loob ng bag. Saktong tumigil ang pagtunog niyon nang makita niya. Nakalagay doon ang isang missed call mula sa manager niya.
Pagbalik niya ng tingin kay Justin ay nakita niyang may hawak na itong isang susi galing sa mga gamit na inilabas niya. Natigilan siya nang mapansing susi iyon ng private suite ni Raffy sa society ng mga ito.
“Bakit mayroon ka nito?” tumingin ito sa kanya. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita niya ang nakakatakot na anyo ng mukha nito.
Agad siyang napayuko at napipilan. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin.
“Susi ito para sa mga miyembro ng The Breakers Corazon Sociedad lang. Bakit hawak mo ito, Arrhea?!” tumaas na ang boses nito.
Sobrang takot na ang nararamdaman niya. Ni minsan ay hindi nagpakita ng galit ang Kuya niya sa harapan niya. Anong gagawin niya?
Narinig pa niya ang pagbuntong-hininga nito. “Sino ang may-ari ng susing ito?” tanong nito, nahimigan niya ang pagbabanta sa boses nito.
Bigla siyang napaangat ng ulo. Hindi puwedeng malaman nito kung kanino iyon, siguradong hindi nito palalampasin ang bagay na ito. Hindi niya alam kung ano ang puwede nitong gawin kay Raffy kung sakali. “K-Kuya, p-pinahabilin lang naman sa akin ‘yan,” nauutal na wika niya. “Hindi ko nga alam kung anong susi—”
Hindi na nito pinatapos ang pagsasalita niya at mabilis na tumayo. Umalis ito ng walang sabi-sabi. Natigilan siya ng ilang segundo, bakit ito umalis? Ano ang—?
Saka niya lang napansin na dala nito ang susi ng suite ni Raffy. Huli na para habulin ito, sigurado siyang nakaalis na ito. At alam niya kung saan ito pupunta.
Mabilis siyang kumilos at kinuha ang cell phone para tawagan si Raffy. Ilang saglit bago nito iyon sinagot.
“Yes, baby?” anito sa kabilang linya.
“Raffy,” sambit niya. Kinakabahan na siya ng mga oras na iyon. “Nasaan ka?”
“Nasa society ako ngayon, kausap ko si Matthew kanina. Bakit?”
Nanlaki ang mga mata niya. Bakit ito nandoon? “Raffy, makinig ka sa akin. Kailangan mong umalis diyan ngayon,” utos niya. Siguradong ilang sandali lang ay makakarating na din si Justin doon. Hindi ganoong kalayo ang apartment niya sa Society Hotel.
“Bakit? Anong nangyari?” may pag-aalala na sa tono nito.
“Nakita ni Kuya Justin ang susi na ibinigay mo sa akin,” pagpapaliwanag niya. “Papunta na siya diyan para alamin kung kaninong susi iyon. Hindi puwedeng makita ka niya diyan, hindi ko alam kung ano ang puwede niyang gawin sa’yo. Galit na galit siya.”
“I see,” tugon nito. “Pupunta ako diyan.”
“Huwag,” hindi niya pagsang-ayon. “Mag-e-empake na ako. Bumalik na muna tayo sa Seoul. Doon na tayo mag-usap.”
“Okay,” pagsang-ayon nito. “Sigurado kang ayos ka lang?”
“Yeah, hihintayin kita doon,” sagot niya at tinapos na ang tawag. Pagkatapos ay mabilis na siyang nag-empake ng gamit.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon