Chapter 18.1

3K 59 0
                                    

NASA biyahe na si Arrhea patungo sa airport nang makatanggap siya ng tawag mula kay Raffy. Agad niya iyong sinagot. “Nasaan ka?” tanong niya.
“Nasaan ka?” balik tanong nito sa kabilang linya.
“Nasa biyahe na ako papunta sa airport,” sagot niya. “Gusto mo bang hintayin kita doon?”
“Hindi na, susunod na lang ako,” anito. “Nakausap ko na nga pala si Justin. Hindi ko na siya naiwasan kanina sa society.”
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. “A-Anong sinabi niya? S-Sinaktan ka ba niya? Nasaan ka? Pupuntahan kita,” sunod-sunod na tanong niya.
“Calm down, baby,” pagpapakalma nito. “Ayos lang ako. Nag-usap lang kami. Inamin ko sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko para sa’yo. Naintindihan niya naman ako kaya huwag ka ng mag-alala. Ayos na ang lahat.”
Maluwag siyang nakahinga. “Salamat naman,” bulong niya.
Tumawa ito. “I’ll see you soon, baby. Mag-iingat ka sa biyahe. I love you.”
Ngumiti siya. “I love you too.”

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon