MARAHANG binuksan ni Arrhea ang pinto ng apartment niya para papasukin ang manager niya. Alam niyang ang unang gagawin nito ay ang pagalitan siya. Hindi kasi niya sinulpot ang drama photo shoot na naka-schedule ngayong araw. Hindi niya rin sinasagot ang tawag nito sa kanya. Wala na siyang pakialam sa kung anong dahilan ang ibinigay nito sa direktor ng drama nila.
“What do you think you’re doing, Arrhea?” bungad na tanong nito sa kanya. “Why didn’t you show up for the photo shoot? And you’re not even picking up my calls!” nasa mukha nito ang matinding galit. Alam niyang sobra itong nahirapan ngayong araw sa pag-aayos ng problemang ginawa niya.
Pero sobrang pagod na siya para makipag-usap. Pagod na para mag-isip. Napakasakit pa rin para sa kanya ng mga pangyayari at hindi rin naman maiintindihan ng mga ito ang nararamdaman niya. Nanghihina siyang bumalik sa pagkakahiga sa sariling kama.
“Have you totally gone crazy?” patuloy nito at sumunod sa kanya. “You don’t know how mad Director Song was because of what you’ve done. You should have called, at least, to apologize, or what? You delayed everything, didn’t you know that?”
Naiinis niyang itinaklob ang unan sa mukha para hindi na marinig ang mga sinasabi nito.
“Is this what you really want, Arrhea?” kinuha nito ang unan sa mukha niya. “You want to ruin your own career? Just because of that… that guy?!” nasa tono na nito ang matinding pagkainis. Ni minsan ay hindi niya pa nakikita ang ganitong inis at galit mula dito.
Tiningnan niya ito, may luha sa mga mata. Hindi niya maiwasan iyon, ang nais niya lang gawin ay umiyak ng umiyak ng umiyak. “I-I’m sorry, Da Seul-ah,” hikbi niya.
Ilang beses itong bumuntong-hininga para kalmahin ang sarili bago umupo sa gilid ng kama niya. “I know how hurt you are, but… Arrhea, please… please think straight. Don’t do this to yourself… don’t just give up.”
“I love him so much…” suminghot siya. “So much…”
“I know,” tumango-tango pa ito. “Calm down. You don’t want to ruin your whole life just for him, right? You don’t want us to be worried about you. Please, get back to your senses. Please.”
Pero patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Wala na siyang narinig na salita mula dito. Baka binibigyan siya nito ng pagkakataong kumalma.
Ilang minuto pa siyang patuloy lang sa pag-iyak hanggang sa maramdaman niyang bahagya namang nabawasan ang bigat sa puso niya. Sinubukan niyang umupo at sumandal sa headboard.
“I’m sorry,” bulong niya. Hindi niya alam kung narinig nito iyon. “It must have been hard for you.”
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. “It is.”
Napatingin siya dito. “I’m so sorry. I’ll apologize to Director Song and to every staffs and casts.” Kailangan niyang gawin iyon, ayaw niya namang mapahiya ang agency nila dahil sa ginawa niya.
“Be thankful that Mr. Choi is out of the country right now,” anito. “We need to fix everything before he comes back.”
“He’s not here?” nagtatakang tanong niya dito, pero bahagya naman siyang nakahinga ng maluwag sa kaalamang wala ito dito dahil siguradong mas lalo lang mada-dagdagan ang sama ng loob niya sa magiging reaksiyon nito sa ginawa niya.
“Yeah, he’s in Japan,” sagot nito. Ilang sandali lang ay tumayo ito para lang patuloy na mag-sermon sa kanya. “Promise me this, Arrhea. Promise me that you’ll never ever do this again. No matter how tired or hurt you are, you have to remain professional when it comes to your work. You’re an actress, you can’t just fool around. You’re a public figure and there are lots of eyes watching over you. You know very well how things work in the entertainment industry. One simple mistake and you’re done. Do you understand?”
Tumango lang siya. Alam niya iyon. Malinaw na malinaw.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romance"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...