Chapter 20.7

3.6K 62 1
                                    

HINANAP ni Arrhea ang asawa niya sa loob ng reception hall ng de Angelo Hotel, nakita niya itong nakikipag-usap kay Christopher Samaniego Jr. Ngumiti siya at tinitigan ang napaka-guwapo niyang asawa.
She was now Mrs. Arrhea Choi. Hindi niya alam na magkaka-totoo ang pangarap niyang maging apelyido ang Choi, pero hindi niya naisip na si Raffy ang magbibigay sa kanya noon. Napatawa na siya sa naisip.
Naagaw ang pansin niya nang lumapit sa kanya ang pamilyar na lalaki, si Thaddeus Arzadon. Nakasuot ito ng white linen suit at nakangiti sa kanya.
“Congratulations, beautiful bride,” bati nito. He was really handsome. “Talagang tuluyan ng nalalagas ang ‘breakers’, ah?”
Ngumiti siya. “Yeah, sino kaya ang susunod sa inyo?”
Ilang sandali itong napaisip. “Baka ako na,” anito at tumawa.
Napatawa din siya sa sinabi nito. Thaddeus Arzadon getting married?! Ni sa panaginip ay hindi niya naisip na mangyayari iyon. Ito na yata ang pinaka-malala sa lahat ng babaero sa mundo.
“Bakit? May masama ba sa sinabi ko?” napailing pa ito. “Bakit ba ang tingin niyong lahat sa akin ay napaka-babaero ko?”
“Bakit? Hindi ba?” ganting-tanong niya dito.
Napaisip ulit ito. “Slight lang naman, ah. Kumpara kay Christopher at Daniel, wala lang ang sa akin,” maya-maya ay bahagya itong lumapit sa kanya. “Alam mo, makakahanap din ako—” napatigil ito sa pagsasalita nang makita si Raffy sa tabi niya. Mabilis naman itong umagwat sa kanya.
She looked at Raffy beside her as he held her waist possessively. Ang tingin nito ay nagpaalis kay Thaddeus. Pagkaalis nito ay inilipat ni Raffy ang tingin sa kanya.
“Nakapag-paalam na ako sa mga guests kani-kanina lang,” sabi nito.
Nagtataka ang tinging ibinigay niya dito. Bakit nito gagawin iyon? Hindi pa tapos ang reception, ah?
“Umakyat na tayo sa suite natin, baby,” bulong nito sa tainga niya. His warm breath sent waves of electricity on her body.
“A-Ano? P-Pero—” magpo-protesta pa sana siya nang yumuko ito at pinangko siya. Impit siyang napasigaw sa ginawa nito.
“We’ll take our leave now, our dear guests,” anunsiyo nito sa lahat. Nagsimulang mamula ang buong mukha niya nang marinig ang palakpakan ng mga ito. Nahihiya talaga siya kaya isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. “Magkita-kita na lang ulit tayo,” dugtong nito bago tumawa, pagkatapos ay lumakad na ito palabas ng hall.
Pagkalabas nila sa reception hall at pagkapasok sa elevator ay hinampas niya ito sa balikat. Tumawa ito, nasa mga mata nito ang pagkasabik, kasiyahan at pagmamahal para sa kanya. Alam niyang ganoon din ang nakikita nito sa mga mata niya.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon