NAGISING si Arrhea sa marahang paghaplos ng isang kamay sa mukha niya. Iminulat niya ang mga mata at agad na nasalubong ang guwapong mukha ni Raffy. Nakatitig ito sa kanya na para bang wala ng bukas.
“May masakit pa ba sa’yo?” tanong nito sa nag-aalalang tono, bumaba na ang kamay nito sa likod niya.
Ngumiti siya at niyakap ito ng mahigpit. She still couldn’t get over the feeling of joy and satisfaction from what happened last night.
“Nilalamig ka?” patuloy na tanong nito at mas lalo siyang niyakap ng mahigpit.
Umiling siya at nilanghap ang kakaibang panlalaking amoy nito. Napaka-bango nito, hinding-hindi siya magsasawang langhapin ang amoy nito. Nakatatak na iyon sa puso at isip niya. Marahan niyang itinaas ang ulo at tiningnan ito. Nakatitig pa rin ito sa kanya.
“I missed you,” bulong niya, alam niyang namumula na ang mukha niya. Totoong sobra-sobra ang pagka-miss niya dito. Napakatagal din nilang nag-iwasan.
“I love you,” ganting bulong nito, pinaglandas ang kamay sa ilang hibla ng buhok niya. “You are so beautiful,” lumunok pa ito.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi nang muling makita ang desire sa mga mata nito. Awtomatikong pumikit ang mga mata niya nang marahang bumaba ang ulo nito para salubungin ang mga labi niya ng mga labi nito. Mabilis siyang tumugon halik nito, malugod na ibinibigay ang lahat ng gusto nito.
Pero napatigil sila nang marinig ang pagtunog ng cell phone nito. Nag-aalangan pa niyang inilayo ang mukha dito at hinanap ang cell phone. Mukhang walang balak pa itong sagutin iyon kaya bahagya niya itong itinulak palayo, “May tumatawag sa’yo,” sabi niya. “Baka importante ‘yon.”
Maingat siyang tumayo at pinulot ang pantalon nito sa sahig. Tahimik siyang napaungol, nakakaramdam pa rin siya ng sakit pero hindi niya gustong makita nito iyon. Ayaw niyang mag-alala pa ito.
Nakasunod lang ang tingin nito sa kanya hanggang sa makuha niya ang cell phone sa bulsa ng pantalon at muling humiga sa tabi nito. Tiningnan niya kung sino ang caller at biglang nakaramdam ng inis nang makita ang pangalan ni Brianna sa screen. Mukhang nagtaka ito sa biglaang pagbabago ng itsura niya kaya kinuha nito ang cell phone sa kanya at tiningnan iyon. Nagpakita rin ng iritasyon ang mukha nito.
Tumingin ito sa kanya. “Gusto mo bang sagutin ko?” tanong nito.
“Hindi,” mabilis na tugon niya. Inagaw niya ang cell phone dito at inilagay iyon sa gild ng kama. “Anong kailangan niya sa’yo ng agang-aga?” nasa boses niya pa rin ang pagkainis.
“Hindi ko alam,” bulong nito at sinimulang halikan ang leeg niya.
Marahan niya itong itinulak palayo. “Talaga?” hindi siya kumbinsido sa sagot nito. “Dine-date mo siya, hindi ba? Hinalikan mo pa nga siya kahapon sa conference room,” nagtatampong paalala niya dito. Muli na naman niyang naramdaman ang hapdi sa puso niya sa pagka-alala sa nangyari.
Direkta itong tumitig sa mga mata niya. “Hindi ko siya dine-date, siya lang ang lapit ng lapit sa akin. Hindi ko siya maitulak palayo ng mga oras na iyon dahil akala ko ay magagamit ko siya para makalimutan ka. Pero hindi iyon nangyari. At oo, hinalikan ko siya kahapon,” huminto ito ng ilang sandali, pinag-lalaruan ng mga daliri ang buhok niya. “Hindi ko naman intensiyon na gawin iyon. Nakita lang kita doon at naisip na gawin iyon. I’m stupid to even think of making you jealous at that time, pero tumalikod ka lang kaya naisip kong hindi iyon gumana.”
Tiningnan niya ito ng masama. Pinagse-selos siya nito? “I was jealous!” sigaw niya dito. Hindi ba nito alam kung gaano kasakit sa kanya ang nakita? “I hate you,” tinalikuran niya ito at nagmukmok.
Agad naman siya nitong niyakap mula sa likod at isinubsob ang mukha sa buhok niya. “I’m sorry,” sincere naman ito. “Nasaktan din naman ako,” dagdag pa nito.
Lumabi siya at pinatawad ito. Paano siya mananatiling galit sa lalaking ito? Muli siyang humarap dito at ginantihan ang yakap nito. “Huwag mo na uling gagawin iyon, ha?” utos niya dito. Ngumiti naman ito at tumango.
“Anong oras magsisimula ang schedule mo ngayong araw?” tanong nito.
Napaisip siya. “Eight-thirty?” naalala niya.
Tumango-tango ito. “Dapat na akong umalis.”
Tumingin siya sa bedside table bago muling bumaling dito. “Six forty-five pa lang,” aniya. Hindi niya pa gustong umalis ito.
Tumawa ito. “Hanggang anong oras ako puwedeng manatili dito?”
Inilapit niya ang mukha dito, nilalanghap ang mabango at mainit nitong hininga. “Eight twenty-five?” her voice was teasing.
Sabay pa silang napatawa.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romance"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...