Chapter 17.1

3.1K 65 0
                                    

ISINUBSOB ni Arrhea ang mukha sa matipunong dibdib ni Raffy at naramdaman ang paghigpit ng pagkakayakap nito. Tumingala siya at nakita itong nakatitig na naman sa kanya. They just had another wonderful moment and were too sated to move. Ngumiti siya at hinaplos ang labi nitong nasugatan. Hindi siya makapaniwalang nagawa niya iyon dito. Palagi na lang siyang nawawala tuwing inaangkin siya nito.
“Masakit ba?” tinutukoy niya ang sugat sa labi nito.
Kumunot ang noo nito. “Damn, baby. Ako dapat ang nagtatanong niya sa’yo,” bumaba ang tingin nito sa mga labi niya. “It’s swollen,” tukoy nito sa mga labi niya. Bumaba ang mga daliri nito sa leeg at balikat niya. “May ilang sugat ka dito,” dagdag pa nito. “I should have been gentler.”
Ngumiti siya. “Hindi naman masakit,” aniya, mas lalong idinikit ang katawan dito. Alam niyang hindi agad ito maniniwala kaya iniba niya na lang ang usapan. “Oo nga pala, I heard may magpapakasal na naman daw sa mga kabarkada mo.”
“Oh yeah, si Michael,” sagot nito. Tinutukoy ang Hollywood actor at ka-‘breakers’ nitong si Michael de Angelo. Magpapakasal ito sa fashion designer na si Stacey Stewart. Ikina-gulat niya rin nang mabalitaan iyon sa T.V.
“May kasal ka na namang pupuntahan,” tudyo niya pa. Mukhang paubos na talaga ang mga ‘breakers’ na single pa sa society ng mga ito, ah?
Tumango ito. “Gusto mo bang sumama sa akin? Sa Pilipinas sila magpapakasal dahil mahal na mahal ni Stacey ang bansang iyon. It will be a week before Christmas.”
“Kung ganoon, puwede na ba akong kumuha ng mas maagang bakasyon sa’yo, President?” biro niya. “Tapos na rin naman ang filming ng recent drama ko, puwede ko na bang makuha ang well-deserved vacation ko?”
Pumunta siya sa ibabaw nito at nakita ang naglalarong ngiti sa mga labi nito. “Of course, gusto ko kasama ka sa bakasyon ko, Mr. President,” tudyo niya pa. Gusto niya ang pakiramdam na nako-kontrol niya ito.
Tumawa ito. Napakasarap niyong pakinggan sa tainga. “I’ll grant your wish, my beautiful princess,” sagot nito sa magaspang na tono. He was hungry for her again, nararamdaman niya iyon.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon