Chapter 6.4

2.9K 43 0
                                    

HINDI niya alam kung bakit naririto siya ngayon, hindi niya alam kung bakit pumayag siyang dumalo sa kasalang ito. Ikinuyom niya ang mga kamao, kung hindi lang dahil sa Papa niya ay hinding-hindi siya pupunta dito. Tumingin siya sa labas ng bintana ng sasakyan, kanina pa siya nakaupo lang doon at wala pang balak lumabas. Hindi niya alam kung kaya niyang saksihan ang pagpapakasal ng nag-iisang lalaking minahal niya. Bakit ba siya pumunta dito? Dapat ay nagdahilan na lang siya na hindi siya puwedeng umalis sa South Korea, pero alam niyang hindi maniniwala ang mga ito dahil alam ng mga ito na nagba-bakasyon siya ngayon.
Ipinikit niya ang mga mata at pinilit kalmahin ang sarili. Nagulat pa siya nang biglang bumukas ang pinto ng sasakyan at dumungaw ang kapatid niyang si Jino.
“You’re not going in?” tanong nito. “It’s starting already.”
“Uhm…” napalunok siya. Hindi maaaring malaman nito ang nararamdaman niya ngayon. “I’m going,” pinilit niyang ngitian ito. “Go ahead. I’ll just fix my hair,” pagdadahilan niya pa at kunwaring inayos ang buhok.
Iiling-iling pa itong lumakad palayo at muling pumasok sa loob ng simbahan.
Napabuntong-hininga sita. Wala siya dapat dito. Magmumukha lang siyang kawawa.
Matapos ang ilang sandali ay napag-desisyunan niyang lumabas na ng sasakyan. Tumayo siya sa tabi niyon at tumingin sa simbahang nasa harap, naririnig niya na ang pagsisimula ng ceremony sa loob.
Hindi niya kaya. Hindi niya kayang pumasok sa loob at i-celebrate ang kasal nito tulad ng iba. Kaya sa halip na pumasok sa simbahan ay lumakad siya palayo doon at dumiretso sa isang park hindi kalayuan sa lugar na iyon. Naupo siya sa pinakatagong lugar – sa isang wooden bench sa likod ng isang malaking puno ng acacia.
Tiningnan niya ang relo. Four-thirty pa lang ng hapon. Hindi niya alam kung gaano siya tatagal sa lugar na iyon, kailangan niya lang maghintay hanggang matapos ang kasal. Magda-dahilan na lang siya na masama ang pakiramdam kaya hindi siya makakapunta sa reception.
Tinitigan niya ang magagandang dahon ng acacia sa ibabaw niya. Kaakit-akit din ang mga bulaklak niyon. Napangiti siya nang maramdaman ang simoy ng hangin sa balat niya. Na-miss niya ang panahon dito, ang mga lugar at pagkain. Na-miss niya ang Pilipinas, pero dahil sa nandito ito kaya iniiwasan niya ng bumalik sa lugar na iyon.
Ipinikit niya ang mga mata at sumandal sa bench. Gusto niyang matulog – iyon lang ang tanging paraan para patigilin ang isipan niyang isipin ito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon