Chapter 19.4

2.9K 54 2
                                    

MARAHANG binuksan ni Arrhea ang mga mata at unang nakita niya ay ang mukha ng manager niya. Na-realize niyang nasa apartment niya siya sa Makati. Bigla siyang napabalikwas ng bangon nang maalala ang nangyari. “Where’s Raffy?” iyon ang unang tanong na nasa isip niya. “Where is he?!” sigaw niya.
Napayuko ito. “He’s still unconscious, Arrhea,” mahinang sagot nito. “He’s confined in Azcarraga Hospital and—”
Hindi niya na ito pinatapos sa pagsasalita at mabilis na tumayo. Hindi niya na rin pinansin ang pagtawag nito at dumiretso ng labas sa apartment niya. Mabilis siyang tumakbo sa sasakyan at pinatakbo iyon. Wala na siyang pakialam kung gaano kabilis ang pagpapa-takbo niya, ang mahalaga ay makarating agad siya kay Raffy.
Muli na namang tumulo ang mga luha niya pero agad niya din iyong pinunasan. Kailangan niyang maging matatag. Buhay ito at kailangan siya. Iyon ang dapat niyang isipin.
Pagkarating sa Azcarraga Hospital ay mabilis niyang tinakbo papasok sa loob at tinanong sa front desk ang room number ni Raffy. Pagkakuha ng impormasyon ay agad siyang tumungo doon.
Nadatnan niya sa labas ng kuwarto na kinalalagakan ni Raffy sina Michael at Rafael, pati na ang mga magulang nito. May ilang kausap din itong ilang pulis at mga imbestigador. Lumakad siya patungo dito, unti-unti ng nanghihina ang mga tuhod niya.
“Arrhea,” bati sa kanya ni Rafael, nasa tono nito ang pagod at pag-aalala. Napatingin siya sa Mama nito na inaalo pa rin ng Papa nito.
“K-Kumusta… na siya?” pumiyok pa siya. Pilit niyang pinipigilan ang sarili sa pag-iyak.
“Tinitingnan pa rin siya ni Matthew,” sagot ni Rafael. Muli itong tumingin sa isang lalaki na nasa tabi nito. “Ito nga pala si Detective Nathan Luther,” pakilala nito sa lalaki. “Siya ang may hawak sa insidenteng naganap.”
Tumingin siya sa lalaking tinawag nitong Nathan. “Sabihin mo sa akin ang nangyari,” utos niya. Detective ito, hindi ba? Alam niya na dapat ang dahilan ng pagsabog ngayon.
Napaka-seryoso ng mukha ng lalaki, parang wala lang dito ang naging tono ng boses niya. “It’s a time bomb,” pagsisimula nito.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Mukhang alam na iyon nina Rafael kaya wala ng reaksiyon ang mga ito. “A-A what?”
“A time bomb,” ulit ni Nathan. “May nakita kaming sunog na mga papel sa palibot niyon. Sa tingin ko isa iyong gift wrapper, ibig sabihin, nakalagay ang time bomb sa loob ng isang kahon.”
Namanhid ang buong katawan niya pagkarinig sa sinabi nito. Kahon? Gift wrapper? Bomb? “Sa… akin ‘yon,” wika niya, blanko at nangangatal.
Gulat na napatingin ang mga ito sa kanya.
Tumingin siya kay Rafael, hilam na sa luha ang mga mata niya. “Ipinadala iyon sa akin. Hindi ko alam— hindi ko—” bumigay na ang mga tuhod niya at tuluyan na siyang napaupo sa sahig at napahagulhol. “Hindi ko alam,” napailing siya. “Hindi…”
Lumuhod si Rafael sa harapan niya at hinawakan siya sa balikat. “Calm down, Arrhea,” sabi nito. “Calm down… tumingin ka sa akin.”
Sinunod niya ito.
“Sabihin mo,” pagpapatuloy nito. “Sinong nagpadala sa’yo noon?”
“Hindi ko alam,” patuloy pa rin siya sa paghikbi. “Mayroong… mayroong isang delivery boy—” humugot siya ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili. “Ang sabi niya— sabi niya— sabi niya pinadala lang iyon sa kanila. Walang pangalan ng sender sa card. Akala ko—” napatigil siya. Ang card! Mabilis niyang ipinasok ang isang kamay sa loob ng bulsa ng pantalon at inilabas ang card na naroroon. Ipinakita niya iyon kay Rafael. “Ito ‘yong card.”
Kinuha iyon ni Rafael at iniabot kay Nathan. “Ipa-fingerprint test mo ito,” utos nito.
Tumango naman si Nathan at muling tumingin sa kanya. “Naaalala mo pa ba ang itsura ng delivery boy?” tanong nito.
Mabilis siyang tumango at sinabi dito ang pagkaka-alala niyang itsura ng delivery boy at ang pangalan ng pinagta-trabahuhan nito. Agad naman iyong inilista ni Nathan sa hawak nitong notebook.
“I’ll call Thaddeus,” singit naman ni Michael. “Once you found that delivery boy, let Thaddeus talk to him. He knows what to do,” sabi nito sa mga pulis at kay Nathan.
May iniutos si Nathan sa mga pulis na kasama at agad namang umalis ang mga ito para sumunod. Maya-maya ay lumuhod ito sa harap niya at muling nagtanong. “May suspect ka bang naiisip, Ms. Aguirre?” nagpapakalma ang boses nito pero puno ng awtoridad.
Yumuko siya. Hindi niya magawang tumingin ng diretso sa mga mata nito, he was so intimidating. Pinag-isipan niyang mabuti ang tanong nito. Siyempre, mayroon siya. “Brianna…” she mumbled that witch’s name. Ito lang naman ang posibleng gumawa nito sa kanya. Sinabi niya dito ang lahat – ang lahat ng pagbabanta nito at ang dahilan kung bakit posibleng gawin nito iyon.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon