KATATAPOS lang ng dinner na pinag-saluhan nila ng pamilya ni Rafael at ngayon nga ay nakatayo na silang dalawa sa labas ng gate ng mga ito. Naging maayos naman ang dinner, kahit hindi gaanong umiimik si Rafael ay alam niyang pinipilit lang nitong iwasang makipag-usap kay Ashlee dahil baka makilala nito ito.
“Umuwi ka na sa apartment mo, Arrhea,” wika nito. “Mag-iingat ka.”
Ngumiti siya. “Saan ka tutuloy ngayon?”
Sandaling napa-isip ito. “Siguro sa unit ko sa Makati. Bakit?”
Umiling siya. “Gusto mo bang samahan muna kita doon? Wala naman akong gagawin ngayong gabi.”
Tinatamad itong ngumiti. “Huwag na, magpahinga ka na. Siguradong napagod ka sa flight natin kanina. Gusto ko rin munang mapag-isa.”
Napayuko siya. “N-Napag-isipan mo na ba iyong tungkol sa sinabi ko sa’yo noon sa Banpo Bridge?” tanong niya dito. Pagtingin niya dito ay nag-iwas naman ito ng tingin sa kanya.
“Huwag muna nating pag-usapan iyon ngayon, Arrhea,” sagot nito.
Marahan siyang tumango. “Babalik ka pa rin ba sa South Korea?” Umaasa siyang babalik pa ito kasama siya.
Tumingin ito sa kanya. “Siyempre, kung wala naman akong gagawin dito, bakit hindi?”
Natuwa siya sa sinabi nito kaya hindi niya na napigilan ang sariling yakapin ito ng mahigpit. “Thank you,” sabi niya. “Tatawagan kita ‘pag nakauwi na ako.”
Bahagya siyang lumayo at tumingin dito. Kumunot ang noo niya nang makitang sa iba ito nakatingin. Sinundan niya ang tingin nito at nakita sina Raffy at Ashlee sa doorstep ng bahay ng mga ito. Hinahaplos ni Raffy ang mukha ng fiancée. Pagbaling niya kay Rafael ay nakita niya pa ang hindi matatawarang sakit sa mga mata nito.
Stop it, Rafael. Tigilan mo na ang katitingin sa kanya! Kaya ka nasasaktan ay dahil palagi ka na lang nakatingin sa kanya.
“Umuwi na tayo,” bulong niya.
Tumingin ito sa kanya at tumango. Malungkot siyang pumasok sa loob ng sariling kotse at sinundan ito ng tingin. Kailan ba ito titingin sa kanya? Isinubsob niya ang mukha sa mga palad. God, please… pagbigyan niyo naman ako. Siya lang ang hinihingi ko.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romance"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...