Chapter 5.5

2.9K 47 1
                                    

NAPATAYO si Arrhea mula sa kinauupuang sofa nang makita kung sino ang pumasok sa pinto ng bahay ng pamilya niya sa Seoul. “Kuya,” bati niya sa kapatid at niyakap ito. “Napadalaw ka?”
“May kinausap kasi akong kliyente dito sa Seoul,” sagot ng Kuya Justin niya na naupo agad sa sofa. “Nandito sina Papa?” dugtong na tanong nito.
Umupo siya sa tabi nito. “Wala, inilibas nila si Jino. Magtatagal ka ba dito?”
Umiling ito at sandaling ipinikit ang mga mata. “Hindi, aalis din ako mamaya. Kailangang kong bumalik sa Pilipinas, marami pa akong dapat asikasuhin doon. Gusto lang kitang kumustahin,” nagmulat ito ng mga mata at tumingin sa kanya. “I heard na na-involve ka sa isang car accident noon sa Pilipinas. Bakit hindi mo sinabi sa akin?” may bumahid na galit na sa mga mata nito.
Iniiwas niya ang tingin dito at sumandal sa sofa. “Ang tagal na noon,” sagot niya. “Maayos na naman ako.”
“Hindi ba puwedeng pakawalan mo na siya?” biglaang tanong nito.
Muli siyang napatingin dito.
“Rafael?” pagpapatuloy nito. “Narinig kong in love siya sa fiancée ni Raffy na nawawala. Just let him go, Arrhea. Ayokong makitang nasasaktan ka, pero wala naman akong magagawa dahil kaibigan ko siya at may sarili siyang desisyon.”
Nagsimula na namang mamuo ang luha sa mga mata niya. Halos limang buwan na ang lumipas simula ng umalis siya sa Pilipinas nang matutunan niyang tapos na ang lahat para sa kanya, pero hanggang ngayon ay masakit pa rin ang lahat. Kahit na anong gawin niyang pag-iwas ay hindi pa rin mawala ang sakit na iyon.
Naramdaman niya ang marahang paghapit sa kanya ng Kuya niya para yakapin siya. “Hindi siya para sa’yo, Arrhea… Hindi ba puwedeng tanggapin mo na lang ‘yon?” bulong nito sa malumanay na tinig.
Isinubsob niya ang mukha sa balikat nito. His brother was the only one whom she could talk to since their mother died. “Mahal na mahal ko siya, Kuya,” bulong niya sa pagitan ng paghikbi. “Alam mo naman iyon, hindi ba?”
“Alam ko,” marahan nitong hinaplos ang buhok niya. “Pero hindi siya para sa’yo. Kapag patuloy mo lang na ipinag-pilitan ang sarili mo sa bagay na hindi para sa’yo, mas lalo ka lang masasaktan.”
Bahagya siyang lumayo dito at pinunasan ang mga luha sa mukha. Marahan siyang tumango. “Alam ko,” tugon niya. “Pero paano ko siya makakalimutan? Minahal ko na siya simula noong mga bata pa kami. Paano ko—”
“Hush,” pagpapatahan nito. “Just let him go, Arrhea. Gusto mo pa bang nasasaktan ka palagi? Kapatid kita at ayokong makita kang patuloy na nagmamahal sa taong hindi ka naman gusto. Gusto kong mapunta ka sa taong mamahalin at aalagaan ka.”
Umiling siya. “Si Rafael ang gusto ko, Kuya. Hindi ko na kayang maghanap pa ng ibang mas hihigit pa sa kanya.”
Nakita niya ang pagbuntong-hininga nito at pag-iling. “I didn’t know you were this stubborn, Arrhea,” sabi nito.
Tinitigan niya ang kapatid. Nakita niya ang kaseryosohan sa mukha nito. Palagi naman itong ganito, pero ni minsan ay hindi ito pumalyang maging isang mapag-mahal at ma-alagang kapatid para sa kanya. Napaka-suwerte niya na nandito ito.
Marahan nitong pinunasan ang mga luha sa mukha niya. “You’ll never find the right person if you never let go of the wrong one, Arrhea. You’ll just keep on being hurt loving that wrong one and at the same time wasting your time to be happy with the right one. Kailangan mong matutong mag-move-on.”
Ngumiti siya at muling niyakap ito. “Susubukan ko,” wika niya. Kung kaya niya, matagal niya na sanang ginawa. “Huwag ka ng mag-alala sa akin, Kuya,” pinilit niyang maging masigla. Ayaw niya ng mag-alala pa ito sa kanya, sigurado siyang napakarami din nitong inaalala.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon