Chapter 4.3

2.8K 42 0
                                    

NAIINIS na sinuntok ni Raffy ang dingding ng sariling kuwarto. Kasalukuyang nag-uusap ngayon sa loob ng kuwarto ng fiancée niya ito at ang Daddy Ramon nito, katatapos lang nilang mag-away kaninang pagkarating nito dahil na rin sa kanya. Masyadong mainit ang ulo niya kaya napag-salitaan niya ng kung anu-ano si Ashlee, idagdag pa ang pagmamakaawa sa kanya ni Arrhea kaninang umaga.
Hindi niya na alam ang gagawin, ngayon pa na narinig ng ama ni Ashlee ang tungkol sa pinagta-talunan nilang pag-kansela sa kasal. Gulong-gulo na siya, hindi niya alam kung sino kina Ashlee o Arrhea ang pagbibigyan.
Humugot siya ng malalim na hininga. Tama, kasalanan niya ang lahat ng ito. Hindi niya alam na aabot sa ganito ang sitwasyon nila. Alam niyang walang kasalanan si Ashlee pero hindi niya napigilan ang sariling ibunton dito ang lahat ng galit kanina. Ano nang gagawin niya? Sigurado siyang hindi palalampasin ng Daddy Ramon nito ang pangyayaring ito. Kung maaari nga lang na ibalik niya ang oras, hindi na sana siya nag-desisyong pagpanggapin si Rafael bilang siya. No, kung maibabalik niya lang sana ang oras, hindi na lang sana siya pumayag na ma-engage kay Ashlee.
Akala niya ito ang makabubuti sa kanilang dalawa pero nagkamali siya. Pareho nila ngayong pinagsisisihan ang bagay na ito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon