Chapter 4.1

3.1K 59 2
                                    

DAHAN-DAHANG iminulat ni Arrhea ang mga mata. Nakaramdam siya ng sakit sa buong katawan niya. Iginala niya ang paningin sa paligid at na-realize na nasa ospital siya. May nakakabit na dextrose sa kaliwang kamay niya at naka-bandage ang kabila niyang kamay. Maliban doon ay hindi niya na alam kung ano pa ang epekto ng aksidente sa kanya.
Napatingin siya sa may pinto nang bumukas iyon at pumasok si Rafael. Dumiretso ito sa gilid ng kama niya.
“Ayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong nito.
Pinilit niyang ngumiti. Ilang araw din niyang hindi ito nakikita. “I’m alright. I’m sorry for making you all worry.”
“Hindi mo dapat ginawa iyon, hindi ka dapat nag-maneho ng nakainom ka,” sumbat nito. “Alam mo ba na galit na galit si Raffy ngayon? Alam mo kung gaano kahalaga sa kanya ang negosyo niya, at ikaw na isa sa pinaka-magaling ay pinaka-matagal na talent ng agency niya ang magbibigay pa sa kanya ng ganitong problema? You know how much this small accident can ruin your image, and it’s your own fault. What’s happening to you, Arrhea? Hindi mo alam kung gaano kami nag-alala, pati na si Jino. Pasalamat ka at wala dito sa bansa ang Kuya at ang mga magulang mo.”
Iniiwas niya ang tingin dito. Muli na namang nangilid ang mga luha niya. Hindi ba nito alam kung bakit siya nagkakaganito? “I’m sorry,” sabi niya. “I didn’t mean to do it. Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari sa akin. I’m very hurt, Rafael. I don’t know what to think anymore,” tuluyan ng pumatak ang pinipigilan niyang luha. Pagod na pagod na siyang umiyak. Muli siyang tumingin dito, gusto niyang malaman nito kung gaano kasakit sa kanya ang lahat.
Iniwasan nito ang tingin niya. “Get some rest, and then go back to work. Hindi ka sanay dito sa Pilipinas,” pagkasabi niyon ay tinalikuran na siya nito, pero agad niyang nahawakan ang kamay nito.
“C-Can’t you just try? I know how much you love Ashlee… since we were young, kitang-kita ko na sa mga mata mo ang nararamdaman mo para sa kanya,” pagmamakaawa niya sa pagitan ng pag-iyak. “Can’t you just try?” hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay nito. Kung kailangang bumangon siya at lumuhod sa harapan nito ngayon para lang mahalin din siya nito ay gagawin niya. “I love you… minahal kita ng kasing tagal ng pagmamahal mo kay Ashlee. It’s hurting me to see you in pain ng dahil sa kanya, but it’s hurting me more to see you with her.”
Tahimik ito ng ilang sandali. “You know I can’t, Arrhea. I’ve tried so many times na ituon sa iba ang nararamdaman ko, but I can’t,” sabi nito. “I don’t want to hurt you, Arrhea. I don’t want to see you cry because of me. You deserve someone else, someone better.”
“N-No, no… Rafael, I don’t want anyone else. Rafael, please,” tuluyan na siyang napahagulhol. “Please…”
Hinawakan nito ang kamay niya at marahang kinalas ang pagkakahawak niya sa kamay nito. “I’m sorry,” bulong nito.
She was stunned for a second; did he just push her away? Sobra-sobra na ang sakit na ipinararamdam nito sa kanya. Aktong lalakad na ito palayo nang muli siyang magsalita.
“She’s getting married, Rafael,” buong pait na paalala niya dito. “Pagmamay-ari na siya ni Raffy, no matter how much you love each other, you’re still deceiving people! At sarili mo pang kakambal! Wake up! She can never be yours!”
Napatiim-bagang ito. “I know that. Hindi mo na kailangang ipamukha sa akin,” muli itong humarap sa kanya. “That’s why I’ll do everything to make things right for us. No matter what you say, no matter what they say, I will still fight for her.”
Umiling siya. “Rafael, you can’t—” hindi niya na naituloy ang sasabihin nang makitang bumukas ang pinto. Napatingin siya kay Raffy nang pumasok ito sa loob.
“Pasensiya na kung na-istorbo ko kayo, ilang beses akong kumatok, hindi niyo lang siguro narinig,” anito. Tumingin ito kay Rafael. “Puwede ko ba siyang makausap sandali, Rafael?”
Tumango na lang si Rafael at lumabas na ng kuwarto. Tinuyo niya ang mga luha. Hindi siya tumitingin dito hanggang sa makalapit ito sa gilid ng kama niya.
“Nababaliw ka na ba talaga, Aguirre?” panimula nito. Alam niyang galit ito, base na sa paraan nito ng pagsasalita.
“I’m sorry,” paghingi niya ng paumanhin. Alam niyang malaking gulo ang mangyayari kung sakaling lumabas sa media ang pangyayaring ito.
“Pasalamat ka na ang lumabas lang na reports sa South Korea ay nagkaroon ka ng isang minor car accident. Sa susunod na gawin mo pa ito, hindi ko na alam kung matutulungan pa kita,” sumbat nito. “I clearly told all my talents to draw a line between their work and their personal life.”
Kasalanan mo ito, gusto niyang isigaw dito. Kung binantayan mo lang sana ng ayos ang fiancée mo, hindi ito mangyayari. Kinagat niya ang pang-ibabang labi, pilit niyang pinipigilan ang sariling umiyak sa harapan nito.
“Wala akong pakialam sa kung anong nangyari sa pagitan ninyo ng kapatid ko, Arrhea,” pagpapatuloy nito. “Bumalik ka na sa South Korea at mag-trabaho uli.”
Umismid siya. Alam niya kung gaano kahalaga dito ang negosyo nito pero hindi niya akalaing ganito kasama ang pag-uugali nito dahil lang doon. Kaya siguro ito ipinag-palit ng fiancée nito dahil sa ugali nitong iyon. Walang-puso at makasarili itong tao.
Muli siyang napatingin sa may pinto nang pumasok doon ang kapatid na si Jino.
“Noona!” mabilis itong lumapit sa kanya, nasa mata ang pag-aalala. “Are you okay?”
Nginitian niya ito. “I’m sorry. I’m okay.”
Tumango naman ito. Sinabi niya ditong puntahan ang manager niya at magpahatid na pauwi. Sumunod naman ito at sinabing bibisitahin na lang siya bukas.
Pagkalabas nito ay tumingin siya kay Raffy. “P-Puwede mo ba akong tulungan?” nag-aalangang tanong niya dito.
Tumingin ito sa kanya pero hindi sumagot.
“Gusto kong kumain,” pagpapatuloy niya. Kanina pa kasi masakit ang sikmura niya. “Tulungan mo akong maglakad kahit hanggang sa cafeteria lang.”
“Papadalhan na lang kita ng makakain dito,” anito.
Umiling siya. “Gusto ko ring maglakad-lakad. Ayokong manatili dito sa kuwarto ko.”
Bumuntong-hininga na lang ito at tinulungan siyang tumayo. Nakahawak siya sa stand ng dextrose niya habang inaalalayan naman siya nito. Ilang sandali lang ay nakapasok na sila sa loob ng elevator.
Pinindot nito ang button para sa ikalawang palapag kung saan naroroon ang cafeteria ng ospital na iyon. Wala silang naging imikan hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator sa pangalawang palapag.
Nagulat pa siya sa bumungad na tagpo sa kanila sa labas ng elevator na iyon. It was Rafael and Ashlee standing out there and kissing each other. Mukhang hindi pa napansin ng mga ito na bumukas na ang elevator. Pigil niya ang hininga hanggang sa muling magsara ang pinto ng elevator. Dumaloy na naman ang luha sa mukha niya, tumingin siya kay Raffy na nasa tabi niya. Walang emosyon ang mukha nito, alam niyang nakita din nito ang nakita niya.
Pinunasan niya ang mga luha at pinindot ang button paakyat sa rooftop ng ospital. Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa kanila hanggang sa muling bumukas ang pinto ng elevator sa rooftop. Mabagal siyang lumakad palabas, hila niya pa rin ang stand ng dextrose niya.
Kahit hinang-hina na siya ay pinilit niya pa ring lumakad palapit sa railings ng rooftop na iyon. Nakikita niya na ang magandang view ng mga ilaw ng lungsod. Masarap din ang simoy ng malamig na hangin pero pareho lamang iyong hindi nakatulong sa pagtanggal ng sakit sa puso niya. Puwede bang tumalon na lang siya sa lugar na ito para makalimutan na ang lahat ng sakit na nararamdaman?
Tuluyan ng pumatak ang pinipigil niyang luha. Pagod na pagod na siyang umiyak, pagod na pagod na siyang masaktan. Naramdaman niya ang pagtabi sa kanya ni Raffy. Inilipat niya ang tingin dito.
“Nakita mo ba ‘yon?” tanong niya dito. Hindi ito sumagot kaya nagpatuloy lang siya. “Nakita mo, hindi ba? Pinag-tataksilan ka ng fiancée mo kasama ang mismong kakambal mo.”
Tumingin ito sa kanya. She saw pure coldness in his eyes. Wala na ba itong pakialam sa kung ano man ang nangyayari sa paligid nito?
“Kasalanan mo ang lahat ng ito,” pagpapatuloy niya. “Kung hindi mo pinag-panggap si Rafael noon, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Kasalanan mo ito!” naiinis siyang humarap dito at pinagpupukpok ang dibdib nito ng kamay niyang may nakakabit na dextrose. Patuloy lang sa pagbagsak ang mga luha niya. “Bastard! Kasalanan mo ito!”
Hinuli nito ang kamay niya pero pilit niya itong binabawi dito. “I’m sorry,” bulong nito.
Tumigil siya sa pagpukpok dito, tuluyan ng naubos ang lahat ng lakas niya. “Kasalanan mo ito,” patuloy niya, bahagya na lang marinig ang boses niya. “Hindi niya na ako magagawang mahalin dahil sa’yo. Kasalanan mo ito.”
“Alam ko,” anito. “I’m so sorry.”
Nanghihina niyang isinubsob ang mukha sa dibdib nito at doon humagulhol ng pag-iyak. Maya-maya ay naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya, ang isang kamay nito ay marahang humahagod sa likod niya. Gusto niya ng mawala ang lahat ng sakit na nararamdaman, gusto niya ng magpahinga sa lahat ng ito.
“Mahal na mahal ko siya,” bulong niya at naramdaman ang sariling tuluyang nawalan ng malay sa mga bisig nito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon