Chapter 16.4

3.1K 54 0
                                    

AWTOMATIKONG napangiti si Arrhea pagkarinig sa sinabi nito. Gusto niyang pumunta sa lugar nito at manatili ng buong gabi kasama ito. “Okay,” masayang pagpayag niya. “Gusto ko ring makita ang ilaw ng buong lungsod. Ang sabi mo napaka-ganda noon.”
Tumango ito, hindi nito naitago ang kislap sa mga mata dahil sa pagpayag niya.
Marahan niyang ibinaba ang mga kamay papunta sa necktie na suot nito at inayos iyon. Tumingala siya at malalim na tinitigan ang mga mata nito. Nakikita niya sa mga mata nito ang gusto nito.
Marahan nitong ibinaba ang ulo para halikan siya pero naantala iyon ng pagkatok mula sa pinto. Mabilis siyang kumalas dito at bahagyang umatras palayo. Pagkabukas ng pinto ay nakita niyang pumasok doon ang secretary nitong si Andrew kasunod ang galit na galit na si Brianna.
Nakita niya pa ang pagyuko ni Andrew bilang paghingi ng paumanhin bago ito muling lumabas.
Dumiretso si Brianna kay Raffy, punong-puno ng galit ang mukha nito. “You’re not answering my calls!” sigaw nito.
Muntik niya ng maipa-ikot ang mga mata. Kung maka-akto ito ay parang pagmamay-ari nito si Raffy.
Tinalikuran lang ito ni Raffy at bumalik sa upuan nito. “I told you to stop wasting your time on me,” sagot nito nang hindi tumitingin kay Brianna.
“No!” bulyaw ni Brianna at ipinadyak pa ang paa. “I told you I like you. And I will have you no matter what,” deklara nito. Kung makapag-salita ito ay parang spoiled brat na nakukuha ang lahat ng gusto.
Napaismid siya. Kanina niya pa gustong sabunutan ang babaeng ito, nagpipigil lang siya.
Lumingon si Brianna sa kanya, mukhang ngayon lang siya nito napansin. “What is she doing here?” mataray na tanong nito. Nakita pa niya ang pag-ismid nito at pag-iling. “Seducing her boss to gain more projects and to be more famous?” walang-palyang dagdag na pang-iinsulto nito.
Nagpanting ang tainga niya sa sinabi nito. Gusto niyang sagutin ito pero nagpigil lang siya. Hindi siya papatol sa mga katulad nito, ayaw niyang magpakababa.
Pero mukhang hindi rin nagustuhan ni Raffy ang narinig kaya bigla itong napatayo, nasa mukha ang matinding galit. “Get out of my office now, Brianna!” sigaw nito, nagdadala ng pang-hihilakbot ang boses nito sa lahat ng nakakarinig.
Bahagyang natigilan si Brianna, pagkatapos ay taas-noong lumakad patungo sa kanya. “I’m not yet done, bitch,” sabi pa nito sa kanya. “Wait and see. I will definitely have him,” pananakot pa nito bago nagpupuyos na nilisan ang opisina.
Pinakawalan niya ang kanina pang pinipigil na hininga pagkalabas nito. Ibinalik niya ang tingin kay Raffy, nasa mukha pa rin nito ang matinding galit. Lumapit siya dito at hinawakan ang kamay nito. Mukha namang bahagya na itong kumalma.
“Ayos ka lang?” tanong nito, hinahaplos ng isang kamay ang mukha niya.
Nginitian niya ito ng buong pagmamahal at tumango. “Hihintayin kita sa lounging area,” sabi niya at tumingkayad para mabilis itong halikan sa gilid ng mga labi. Pagkatapos ay nagpaalam na siya dito at lumabas ng opisina nito. Habang naglalakad ay nag-iisip na rin siya ng puwedeng idahilan para paunahin na ang manager niya sa pag-uwi. Kailangan niya ng kapani-paniwalang dahilan.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon