Chapter 20.4

3.2K 52 0
                                    

DAHAN-DAHANG iminulat ni Arrhea ang mga mata nang maramdaman ang marahang paghaplos sa buhok niya. Naka-subsob siya sa gilid ng kama ni Raffy at agad na napaangat ng ulo para makita itong nakatitig sa kanya.
Napatayo siya, agad na bumilis ang kabog ng puso niya nang makita ang pag-ngiti nito. “Raffy,” sambit niya, tumulo na ang mga luha mula sa mga mata niya. Gusto niyang yakapin ito pero natatakot siyang baka masaktan ito. Hinawakan niya na lang ang kamay nito. “Thank God, gising ka na,” napahikbi siya.
“Ssshhh… don’t cry,” he shushed her, mahina pa rin ang boses nito.
Sinunod niya ito at tinuyo ng mga daliri ang mga luha. “May masakit pa ba sa’yo?” tanong niya.
Marahan itong umiling. “Anong itsura ko?” pinilit nitong ngumiti. “Marami bang nasunog sa akin?”
Mabilis siyang umiling at ngumiti. “Sabi ni Matthew gagaling din agad ang burn marks mo,” sumulyap siya sa binti nito. “May pilay ka sa binti pero gagaling din naman daw agad iyon at makaka-lakad ka na ulit,” marahan niyang hinaplos ang mukha nito. “Tatawagin ko lang si Matthew para matingnan ka, hmm? Babalik ako,” pagkatapos ay lumakad na siya palabas para tawagin si Matthew. Tatawagan niya ang lahat mamaya para sabihin ang magandang balita.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon