Chapter 18.4

3K 61 0
                                    

PAGKAPASOK nila sa apartment niya ay agad niyang tinanggal ang suot na jacket at isinabit iyon sa coat hanger na malapit sa pinto. Ganoon din naman ang ginawa ni Raffy sa suot nitong coat.
“Bakit mo ginawa ‘yon?” tanong nito habang tinatanggal ang glove sa kaliwang kamay nito. Tinanggal din nito ang nasa kamay niya. Tinutukoy siguro nito ang pag-amin niya sa relasyon nila sa publiko.
“Ayaw mo?” ganting-tanong niya.
He tucked some of her hair on her left ear, not taking his eyes off her. “Siyempre, masaya ako doon. Pero kapag may problemang dumating dahil doon, puwede kang manatili sandali sa Pilipinas. Mas marami kang offers doon at hindi mo na kailangang makinig sa mga usapan tungkol sa’yo. Tutulungan kitang—”
Hindi na nito natapos ang sasabihin nang hilahin niya ito paupo sa sofa. Umupo siya sa kandungan nito at sinimulang buksan ang butones ng polo nito. “I missed you,” bulong niya. Ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa maaaring mangyari sa career niya, ayaw niya ng i-entertain ang mga problemang iyon.
Lumambot ang mga mata nito at nagsimula ng maglandas ang kamay nito sa likod niya, making her shiver under his touch. Nasa ikatlong butones na siya nang biglang magbukas ang pinto at narinig nila ang pagsinghap ng manager niya.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi at napatingin dito. Hindi na rin siya umalis sa pagkakaupo sa kandungan ni Raffy. Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha ni Da Seul bago ito napayuko.
“I-I’m sorry,” nauutal na paghingi nito ng paumanhin.
Pareho silang napatawa ni Raffy sa nakikitang guilt sa mukha ng manager niya.
“Stop worrying about me, Da Seul,” sabi niya dito. “Take some rest. You still need to go with me in the Philippines for the filming. While we’re still here,” tumingin siya kay Raffy, mischievously. “Mr. President will take good care of me, right?”
Ngumiti si Raffy. “Yeah,” sumulyap ito kay Da Seul. “Thank you so much for looking after her, Da Seul.”
Tumango naman at ngumiti ang manager niya, mukhang tanggap na nito ang lahat-lahat. “I’m very happy for you, Arrhea. And for you too, Mr. Choi,” magalang pa itong yumuko. “Please take good care of her. She’s like a daughter to me.”
Muling ngumiti si Raffy at tumitig sa kanya. “I will. I promise.”

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon