MABILIS na tumakbo si Arrhea papunta sa isang bench na malapit sa kanila at agad na humiga doon. Itinaklob niya ang kanang braso sa mga mata at pinilit lumanghap ng sariwang hangin. Nahihilo pa rin siya at pakiramdam niya at masusuka na siya.
“Ayos ka lang?” narinig niyang tanong ni Raffy na nakalapit na sa kanya. Hawak nito ang cap at scarf niya. Katatapos lang nilang sumakay sa roller coaster doon at ipina-pangako niyang hinding-hindi na siya babalik pa ulit sa ride na iyon. Nakakatakot iyon.
Sumilip siya dito at nakita ang nag-aalala nitong mukha. Naiinis siya dahil parang wala man lang itong nararamdamang kahit ano, isipin pa na unang beses lang din nitong sumakay doon. “Bigyan mo lang ako ng ilang minuto,” sabi niya – naghahabol pa rin ng hininga. She felt nauseous, mariin niyang ipinikit ang mga mata.
Ilang sandali lang ay naramdaman niyang itinaklob nito sa mukha niya ang scarf na hawak. Aktong tatanggalin niya iyon nang magsalita ito.
“Nagsisimula ka ng mapansin ng mga tao,” sabi nito.
Humugot siya ng malalim na hininga at nanatiling nakatigil ng ilang saglit. Nang masigurong ayos na ang pakiramdam ay pinilit niyang umupo at ipinulupot ang scarf sa leeg. Iniabot sa kanya ni Raffy ang cap at isinuot niya naman iyon.
“Ayos ka na?” tanong ulit nito.
Tumango na lang siya. Nahihiya siya sa inakto niya kanina. Tumayo siya at naunang maglakad, sumunod lang ito sa kanya.
“Saan tayo pupunta?” tanong nito.
Hindi niya alam kung saan sunod na pupunta, wala pa siyang planong sumakay ulit sa panibagong ride. “Kumain muna tayo,” suhestiyon niya. Tumingin siya dito. “Gusto kong—” napatigil siya nang makita ang mga kamay nitong nakapasok sa loob ng bulsa ng coat na suot nito. “Bakit hindi ka nagsuot ng gloves?” puna niya dito.
Tumingin ito sa kanya. “Ayos lang ako,” sabi nito.
“Hindi ka ayos,” tumingin siya sa paligid at nakita ang isang souvenir shop malapit sa kanila. “Sundan mo ‘ko.”
Lumakad siya palapit sa shop na nakita at pumasok sa loob. Napangiti siya dahil lahat ng naroroon ay napaka-childish para sa panlasa nito. Lumapit siya sa gloves and scarf section, nakasunod lang ito sa kanya. Napakaraming cute na gloves na naroroon na iba’t ibang kulay at disenyo. Tinanggal niya ang suot na gloves at ipinasok sa bulsa. Gusto niyang bumili ng para sa sarili niya. Kinuha niya ang isang pair na kulay pink na may disenyong puso at sinuot iyon. “It’s so warm,” sambit niya.
Nagpatuloy siya sa paghahanap at nakakita ng isang pares na may Pororo na design – si Pororo ay isang sikat na cartoon character at lahat ng bata dito ay gustong-gusto ito. “Wah! Pororo!” tuwang-tuwang wika niya. Isa siya sa mga fans ni Pororo.
Tumingin siya kay Raffy at hinila ang mga kamay nito. Hinawakan niya ang kanang kamay nito at naramdaman niya ang pagkatigil nito. Napatingin ulit siya dito pero agad naman nitong iniiwas ang tingin sa kanya. Siya na mismo ang nagsuot ng Pororo gloves sa mga kamay nito. Inabot niya ang isang Pororo scarf at ipinulupot sa leeg nito. Tiningnan siya nito at nahuli siyang malawak na nakangiti.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” tanong nito.
Umatras siya at umaktong parang isang fashion stylist na sinusuri ito. “Bagay sa’yo,” komplimento niya, pinipigil ang sariling tumawa ng malakas.
Inilipat nito ang tingin sa gloves na suot. “Pororo?” sambit nito at napailing. “Bata ba ako para sa’yo?” tanong nito at aktong tatanggalin ang scarf sa leeg.
Agad niya itong napigilan. “Malamig sa labas. Kailangan mo ‘yan.”
“Pero bakit si Pororo?” he complained.
“Dahil gusto ko,” ngumiti siya. “Huwag kang mag-alala, ako ang magbabayad niyan… regalo,” pagkatapos ay hinila niya na ito palapit sa cashier.
“Sandali,” anito at hinila siya patungo sa sunglasses section. Ilang sandali itong namili bago kinuha ang isang hello kitty shades at isinuot iyon sa kanya.
Aktong tatanggalin niya iyon pero mabilis nitong nahawakan ang kamay niya. “Hindi ka nila makikilala diyan,” sabi nito.
Napanguso siya. “Ako din ang magbabayad nito?”
“Siyempre, ikaw ang nagdala sa akin dito,” iyon lang at ito na mismo ang humila sa kanya papunta sa cashier.
Pagkalabas nila ng shop ay niyaya niya ito sa isang cotton candy stand na naroroon.
Pahihirapan niya ito sa pamamagitan ng paggawa ng lahat ng pambatang gawain. Tahimik siyang napatawa nang makita ang mukha nito pagkalapit nila sa stand.
“Hindi pa ako gutom, ikaw na lang muna ang kumain,” pagdadahilan pa nito.
“Hindi puwede ‘yon, kailangan mong kumain nito,” pilit niya at um-order ng dalawang stick ng cotton candy. Iniabot niya dito ang isa. “Minsan lang tayong pumunta dito. Sige na, subukan mo.”
Bumuntong-hininga ito at kinuha ang cotton candy sa kanya. “Sige, pagkatapos nito, babalik tayo sa roller coaster.”
Tinanggal niya ang salamin sa mga mata at nanlalaki ang mga matang tiningnan ito. “N-No… Ayoko na ulit sumakay doon,” nauutal na wika niya.
“Bakit hindi, masaya nga,” nakangiti na ito..
Huh! Pinagtatawanan ba siya ng lalaking ito? How dare he?! Ipinadyak niya ang paa at tiningnan ito ng masama. “Uuwi na ‘ko,” pananakot pa niya.
Ngumiti ito. “Hindi ko alam na duwag ka pala, Arrhea,” napailing ito at tuluyan ng tumawa.
Hindi niya masyadong naintindihan ang sinabi nito. Bahagya siyang natigilan sa nakita, iyon ang unang pagkakataon na ngumiti ito sa kanya. Hindi niya alam na marunong din palang tumawa ang lalaking ito. Sa lahat ng taong nagdaan, ang tanging naaalala niya lang ay ang seryoso, kalmado at galit na mukha nito. Subalit ngayon ay tumatawa na ito at punong-puno ng kasiyahan ang mukha. He looked so different; there were deep dimples on his both cheeks just like Rafael. Paano naging mag-katulad na mag-katulad ang dalawang ito?
Ang ngiti nitong iyon at nagpa-mukha ditong mas mabait at mas guwapo. Wait, what? Bakit niya ba pinupuri ito ngayon? Para sa kaalaman niya, siya ang pinagtatawanan nito ngayon. Ibinalik niya ang sarili at inagaw ang cotton candy na kinakain nito.
“Bakit?” tanong nito, tinangka pa nitong kunin ulit iyon sa kanya.
“Huwag mo ng kainin ‘to,” naiinis na sabi niya. “Para hindi na rin tayo bumalik sa roller coaster,” tinalikuran niya na ito. Siya na ang kumain ng cotton candy nito pero naririnig pa rin niya ang tawa nito habang nakasunod sa kanya.
“Ihahatid na kita,” sabi nito nang makahabol sa kanya.
“Dapat lang.”
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romance"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...