CHAPTER 10

807 18 4
                                    

LISA's POV

LISA: Tama ba tong inakyatan ko? ( nagpalinga linga si Lisa habang naglalakad ng biglang may nakita siyang babae na nakatayo, pero nakatalikod ito ) teka?!

Huminto si Lisa at nagtago sa may Bintana, at sumisilip lang siya dun sa babaeng nakatalikod. Tinignan nya kung anong pangalan ng room na yun at tumingala siya..

LISA: Comp. Lab.. ahh ito yung nakita kong may ilaw kanina. At dahil yun dun sa Computer na bukas na ginagamit nung multong babae na yun.. Ikaw lang pala nagpapahirap dito sa school ahh.. ( habang nakatingin si lisa at nagsasalita ay biglang lumingon yung babaeng multo at nakita siya, biglang nagtago ulit si Lisa )

LISA: Shocks! Nakita ba nya ko?

JENNIE: Tama ba ko? Nakikita nya ko? First time tong mangyari may nakakakita sakin. ( at lumabas na nga si Jennie )

( habang si lisa ay nagtatago dahil mukang nakita siya nung multo ay muli itong sumilip kaso wala na dun yung babae. Nasan na yun? Hinanap nya sa buong room habang nakatingin sa bintana kaso wala talaga kaya tumalikod na sya, ng pagkatalikod nya nandun na sa harap nya ung babaeng multo, at nagulat siya)

LISA&JENNIE: Waaaaahhhh!! ( parehas silang nagulat )

JENNIE: nakikita mo ko? ( pagtatakang tanong nya kay Lisa )

LISA: hindi ba Obvious? Tsaka kaya ako nandito para paalisin ka dito sa school na to! Madami ka ng taong tinatakot! At hindi na nakakapagaral dahil sayo! Kaya umalis ka nalang dito kung ayaw mong masaktan!

JENNIE: Teka! h- ( hindi na natapos ni Jennie magsalita ng sinugod na siya ni Lisa at kinarate )

LISA: sabi ko umalis ka na dito kesa mabali pa buto mo! Yahhh! ( suntok dito, sipa doon, binalibag ,as in kinarate nya si Jennie ganun kasi ang Trabaho nya para mapaalis ang multo, hanggang sa Bumagsak si Jennie sa lapag ) wooooohh! Sabi na easy lang skin ang multo na to! Easy money! ( sabay punas ng pawis )

JENNIE: Grabe ka naman skin! Aray ko! ( sabay hawak sa Balakang na sumasakit at sa braso na sumasakit din )

LISA: Hoy! Wag kang magpanggap na nasasaktan dahil multo ka! Hindi nasasaktan ang multo! Madami na kong nakasagupa na multo ikaw lang yung gaknyan. Kaya hndi ako naniniwala sayo! Umalis ka na dito!

JENNIE: Grabe ka skin! Syempre babae pa din ako. Kahit multo ako! Nasasaktan din ako! ( habang hinihimas ang masakit sa knya )

LISA: Aba't nagpapaliwanag ka pa !! ( Susugurin ulit sana ni Lisa kaso biglang )

JENNIE: Aray! Aray! Ang sakit ng Puso ko! ( Best Drama Queen Goes to Ms. Kim ) hanggang sa kunwari nahimatay.

LISA: ahh?? Teka. Bakit ka nahimatay? ( natarantang tanong ni Lisa, at akmang lalapit na siya ng biglang sinundot ni Jennie ang Dalawang mata ni Lisa upang mapatayo siya sa sakit ) YAHH!! Aray!!

Ngayon ay sinipa ni Jennie sa Tiyan si Lisa at pinagsasabunutan. Ngayon ay si Jennie na ang Nagbalibag kay Lisa sa Sahig..

JENNIE: Masyado mo kong minamaliit ahh.. Ayan napala mo! Tska walang makakapagpaalis sakin dito dahil bubugbugin ko talaga!! At wag na wag ka ng babalik dito! Dahil hindi lang yan ang mapapala mo! Alis!!!

Habang papunta na si Lisa sa Elevator na nagdudugo yung labi at hawak hawak niya ang kanyang panga ay biglang may bumato sa knya ng Libro kaya napatingin siya sa likod nya at nakita niya si jennie na nakangisi sa kanya..

JENNIE: ano? Nagsisisi ka ng pumunta dito? Hahahahaha. Wag ka ng babalik ahh!

Inis na inis naman si Lisa at tinitigan lang ng masama si Jennie habang hawak pa din nya ang kanyang panga at may black eye din pala na isa..

LISA: May Araw ka din sakin! ( gigil na gigil na sabi nito, at akmang maglalakad na siya ulit ng ......)

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon