CHAPTER 62

508 10 1
                                    

Still Cont'

Habang nasa byahe sila Lisa ay nagsalita na ulit si Jisoo about sa Spirit na target ngayon kung ano ang Story ng pagkamatay at bakit nanggugulo ito..

JISOO: So Ito na. ( sabay tingin sa laptop ) ayun sa may ari nung bodega ay mahigit 5 yrs ng nanggugulo yung multo doon, wala naman daw siyang matandaan na may namatay doon dahil sariling bodega naman daw niya iyon. Minsan lang daw magpakita iyon ( multo ) dati at hindi naman daw nanggugulo, pero itong mga dumaang buwan ay napapadalas na daw ito tapos hindi lang siya nagpapakita kundi nanggugulo na sa mga tao sa paligid lalo na yung mga nakatira malapit sa bodega. Kaya natatakot na ang mga kapitbahay niya... walang magawa yung may ari dahil wala namang pagkakakilanlan yung multo, kaya nung nakita niya yung site natin ay hindi na siya nagdalawang isip humingi ng tulong satin...

LISA: Hmmmmm???? Pero paano kaya siya napunta doon sa bodega? Kung wala naman kamong namatay doon..?? Nakakapagtataka ...

CHAENG: Yun din ang pinagtataka ng may ari kasi wala namang daw namatay dun at siya ang may ari nung bodega..

JISOO: Siguro........( nagisip ng mahaba ) walang bahay yung multo nung nabubuhay pa siya? Kaya nagstay siya dun sa bodega? Sa tingin mo? ( sabay tingin kay Lisa )

CHAENG: Yah!! Manahimik ka nalang kung wala kang sasabihing maganda! Hampas ko sayo tong manibela!..

Sabay tumawa naman si Lisa at Jennie...

JISOO: Ito naman.... nagsusuggest lang yung tao...masyado kang HB... hmmmmm ( sabay close ng laptop at umupo nalang ng ayos )

CHAENG: Suggest??! Yung Suggestion mo walang kwenta! Kaya manahimik ka na.. Okay?!

JISOO: Hmmmp! Oo na mananahimik na! Sungit nito.. ( habang nakapout at nakasimangot )

Si Lisa at Jennie naman ay hindi mapigilan ang tawa.....Isang Oras din ang byahe nila nung nakarating sila sa sinasabing Lugar.. at bumaba sila sa sasakyan.. kasunod na ng paglabas ng may ari sa kanyang bahay at patakbong lumapit sa knila.....

OWNER: Buti nandito na kayo, kanina ko pa kayo hinihintay..

CHAENG: Wag po kayong magalala dahil ngayon din pong araw na ito ay mawawala na po ang inyong pangamba dahil nandito na po ang... ( sabay talikod nito na para bang nagkkwento ng telenovela ) .....pinaka magaling na spiritista sa buong mundo at - ( hindi na natapos ni Chaeng ang sasabihin ng kinulbit na siya ni jisoo )

JISOO: Ahh Chaeng, tama na ahh.. wala ng nakikinig sayo nandun na oh ... ( pagawat kay Chaeng dahil nakaalis na sila Lisa at wala ng nakikinig sa kanya )

CHAENG: A-ah??? Wala na pala sila.... tss, sayang acting ko..

JISOO: So Tara na.. ( pag-aya ni Jisoo at akmang lalakad na ng pigilan ni Chaeng )...... Hmmmmm? Bakit??

CHAENG: Matapang ka?!!...

JISOO: Huh? ( hindi nagets ni jisoo ang sinabi nito )

CHAENG: Sasama ka sa kanila sa loob??! Aba matapang ka nga.. ( at nagets naman na ito ni Jisoo )

JISOO: Ay!!! Oo nga pala! Hindi ako matapang.... HAHAHA ( sabay kamot sa ulo ).... TARA!!! ( sabay hila kay Chaeng )

CHAENG: Yah! Saglit! Saan tayo pupunta?!!

JISOO: Kain tayong Ice Cream kaya na nila yan.. HAHAHAHA tara!...

CHAENG: ( kinilig si Chaeng sa ginawa nito, minsan lang kasi magyaya ee, tapos ngayon lang hinawakan kamay niya ) a-ah o-oo nga.. sige gusto ko ice cream a-ang init ee....( with matching paypay ng palad sa sarili, suusss! Palusot mo din kinikilig ka lang kaya ka naiinitan! )

JISOO: Anong mainit?.. ang lamig nga ngayon.. baliw ka?.. ice cream parlor lang kasi malapit dito kaya dun tayo pupunta...( habang naglalakad at hawak kamay ni Jisoo )

CHAENG: a-ah oo pala! Hehehee malamig nga pala ngayon nalimutan ko... hehehehehe

Nakarating na nga sila sa bilihan ng ice cream at nagstay muna sila dun habang busy sila lisa..

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon