CHAPTER 43

539 13 1
                                    

Cont'

Sa kasalukuyan naman ay nandito na si Chaeng at Jisoo sa isang Bodega ng Condo at nagtatago..

JISOO: Sigurado ka bang ligtas tayo dito? ( natatakot na sabi niya )

CHAENG: Oo ligtas na tayo dito.. ( habang nakaupo at nagtatago sa gilid )

JISOO: Hindi ba tayo makikita dito nung multo?... natatakot ako ee..

CHAENG: Oo hindi tayo makikita dito malayo to sa Unit....

JISOO: Kaya na ba ni Lisa yun?....

CHAENG: Kayang kaya niya yun, ano ka ba! Siya lang naman lumalaban sa multo ee.. Manahimik ka nalang diyan. Baka may makarinig satin!

JISOO: Sigurado ka ahh?..

CHAENG: ( Agad na tinakpan ang bibig ni Jisoo ) manahimik ka na please wag ka ng magsalita! Naririndi ako sayo! Magtago nalang tayo dito! ( tumango naman si Jisoo bilang sang ayon niya kay Chaeng )....

At ngayon naman ay nakarating na sila sa Unit na kung san nandun yung multo at binigay na ng may ari kay Lisa ang susi....

OWNER: Osya ikaw na bahala jan ahh, Aalis na ko. ( natatakot na sabi nito )

LISA: Sige po ako na po ang bahala dito.. ( nagbow siya dito )

At umalis na nga yung may ari. Habang si Lisa ay nakatayo at nakatitig lang muna sa may pinto ng unit...

JENNIE: Basic naman niyo Lisa.. tss kaya natin Dalawa yan...

Tumingin lang sa kanya si Lisa at ngayon ay bubuksan na yung pinto pag kabukas nya ng pinto ay agad na bumungad sa kanya yung malaking lalaki na multo na galit na galit. At napaatras si lisa sa laki nito. Na kinagulat din ni Jennie..

JENNIE: A-ah a-ah l-Lisa??...( habang unti unting umaatras ) m-may naiwan pala ako dun sa sasakyan. Maiwan na kita! ( sabay lahi bigla ni Jennie )

LISA: T-Tekaaaaa, Je-..... Waaaaaaaaahhhhhhh!!!!!... ( hindi na natapos ni Lisa yung sasabihin nya ng hilahin na siya ng Multo sa loob sabay sarado ng Pinto, at inihagis si Lisa sa Gilid ng Unit ) OUCH!!!....

Hinimas himas ni lisa ung balakang nya kasi yun yung tumama nung bumagsak siya. At akmang susugurin ulit siya nung multo ng magsalita siya....

LISA: SANDALI!! ( napahinto naman yung multo sa sinabi ni Lisa, habang si lisa ay nakastop sign ang kamay ) AISH!! ouch!! Aray!!... ( unti unti itong tumatayo habang hawak yung Balakang )

Nang makatayo na si Lisa ay sinugod na ulit siya ng Multo at nakaiwas si Lisa doon. Pero hirap pa rin si Lisa kalabanin magisa yung multo at patuloy silang nagpapanambuno ng multo hanggang sa nagAppear na si Jennie at sinipa yung multo kaya tumalsik ito na mas kinagalit ng multo, at agad na nagtago si Jennie sa likod ni Lisa..

JENNIE: Galit na siya!.... ( habang nagtatago sa likod ni Lisa )

LISA: Dumating ka pa! Bugbog sarado na ko dito!... AISH!!

JENNIE: Sorry naman , nagulat kasi ako sa laki nung Multo ee....

LISA: Tara na tulungan mo na ko! Para matapos na to..

Agad namang nakita ni Jennie ang ilaw ulit sa bandang sikmura nung multo, siguro at sinaksak ito o kaya binaril...

JENNIE: AYUN!!! Sa may sikmura Lisa ! ( sabay turo nito sa may sikmura habang nasa likod pa din ni Lisa )

LISA: Okay sabay tayo.. ( Sabay tingin kay Jennie at nagets naman ni jennie agad ibig sabihin ni Lisa, kaya bumwelo na silang dalawa ) READY JENNIE!! TAKBO!!...

Agad na tumakbo yung dalawa papunta sa multo at sinuntok nila ang sikmura nito, at naglaho ang multo na parang abo.....

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon