Cont'
OWNER: Ito na yung bodega ( huminto sila sa isang pinto ) ... at ito ang susi kayo na bahala ng mga kasa--- ( naputol ang sinabi niya dahil nagtaka ito kasi wala yung dalawa )... Asan mga kasama mo? Bakit ikaw nalang magisa?.. akala ko kasunod natin sila...
LISA: A-ah wag po kayong magalala, nandyan lang po yun sa tabi tabi hehehe..
OWNER: Ah okay sige, so maiwan na kita dito iha.. ikaw na ang bahala..
LISA: Opo makakaasa po kayo...
Agad naman umalis ang may ari ng bodega at binuksan na nila Lisa ang pinto pagkatapos ay pumasok na ito agad din sumunod si Jennie sa Loob.. pagkapasok nila sa Loob ay agad nilang nakita yung multo na nakatalikod sa kanila , isa pala itong babae... at agad naman itong sinugod ni Lisa pero agad din itong naglaho...
LISA: ( napaatras ) a-ahhhh??.. nasaan na yun?
Paglingon niya ay nakita niya yung multo na nakatayo at nakatitig sa harap ni Jennie, habang si Jennie ay tulala lang na nakatitig sa multo..
LISA: Jennie!! Umalis ka jan!..... ( hindi pa din siya pinakinggan ni Jennie at nakatulala lang ito sa multong kaharap niya ) ......... HOY IKAW!!! LAYUAN MO SIYA!!! ( sigaw nito sa multo pero hindi din siya pinansin, matagal din magkatitig ang dalawa )
Ilang segundo din tinignan ni lisa yung dalawa...at ngayon ay Patakbo na si Lisa para sugurin ang multo ng awatin siya ni Jennie.....
JENNIE: HUWAG LISA!!! ( habang nakatayo pa din sa harap niya ang multo, at nilingon niya si Lisa pero hindi siya naalis sa pwesto niya )
LISA: Huh?! Ano pinagsasabi mo jennie?! Baka saktan ka niya!!
JENNIE: Hindi siya nananakit Lisa...! ( Bigla itong lumapit kay Lisa habang yung multo ay hindi gumagalaw sa pwesto niya )
LISA: Anong hindi nananakit?!! Eh nanggugulo nga siya diba?!!
JENNIE: Pumunta siya sa harap ko at umiiyak siya ng dugo, kinausap niya ko gamit ang Mata niya.. Humihingi siya ng Tulong Lisa, dahil nirape daw siya at dito siya binaon sa bodega ng walang nakakaalam..kaya siya nagiingay dito para may makapansin sa kanya at para makahingi siya ng tulong.. kaso lahat natatakot daw sa kanya.. tayo lang daw ang naglakas loob na pumasok dito, kaya nagkaroon daw siya ng pag asa na makikita na ang katawan niya at makakaakyat na siya. ( pagpapaliwanag ni Jennie kay Lisa )
LISA: A-ah k-kung ganun nasaan ang katawan niya? Saan dito binaon??..
Agad naman gumalaw ang kamay nung multo at tinuro ang kasuluksulukan ng bodega kung saan siya nilibing ng pumatay sa kanya at agad itong naglaho...Nang malaman na nila ang dahilan ng pagpapakita ng multo sa bodega ay agad naman sila nagtungo sa may ari at kinwento ang lahat, napaluhod ang may ari sa takot at kaba.. habang si Lisa ay tumawag na ng mga pulis para hukayin ang bangkay.. ilang oras din sila nagtagal doon at dumating na din ang mga pulis at nahukay na din ang bangkay, habang inaayos ng mga pulis ang krimen na nangyari.. si lisa at jennie ay nasa gilid lamang at nakatingin sa bodega ng biglang nagpakita sa kanila yung multo pero maayos na ang muka nito hindi na siya umiiyak ng dugo at nakangiti na din ito habang nakatingin sa kanila, nagwave naman si jennie ng kamay upang magbabye sa multo dahil alam niyang aakyat na ito... At ganun na nga ang nagyari naglaho na yung multo...
JENNIE: Okay na siya Lisa, masaya na siya at nakita na din ang Katawan niya... ( nakangiti nitong sabi habang nakatingin kay Lisa )
Tumango lang si Lisa habang nakatingin din kay Jennie....Sabay dating naman nung dalawa..
CHAENG: Yah.. Lisa! Akalain mo may nakabaon palang katawan sa Bodega kaya pala nagpapakita yung multo.. buti nalang sinabi sayo nung multo kung saan siya binaon nung walang pusong pumatay sa kanya..
LISA: Hmmmmm.. ( nakangiting sabi ni Lisa ) Masaya ako ngayon sa pangyayari na to.. Thank you din ( pasimpleng tingin niya kay jennie, at ngumiti naman si Jennie bago yumakap sa braso ni lisa )
CHAENG: Walang anuman hehehe..
LISA: Yah! Hindi ikaw kausap ko Senior...Tara na nga.. ( naglakad na nga si Lisa at jennie papunta sa sasakyan )
CHAENG: Hindi daw ako kausap niya? ( tanong niya kay Jisoo ) kung hindi ako sino?... ( nagtinginan silang dalawa at sabay sigaw )
CHAENG&JISOO: MULTOOOOOO!!!!!!.. ( karipas ng takbo )
A: Haaayy nakooo ano ba gagawin ko sa dalawang to! Nakapaduwag!
BINABASA MO ANG
(JENLISA ) The Stranger Ghost
FanfictionPaano kung magtagpo kayo sa hindi niyo alam ang dahilan kung bakit. At ang mahirap dun magkaiba ang inyong mundo at alam mong hindi kayo pwede magsama dahil isa siyang Multo. Ano ang gagawin mo? Iiwasan mo ba siya o hayaan nalang ang sariling mag mu...