CHAPTER 78

456 12 0
                                    

( 3 Month Later )

Tatlong buwan na din ang nakalipas ng mawala si Jennie, at simula noon ay hindi na ito nagpakita pa muli kay Lisa.. bumalik si Jennie sa dati niyang gawain na galang multo, at nakikipagkita lang sa kanyang kaibigan na multo sa restaurant.....habang si Lisa naman ay Hindi pa din tanggap hanggang ngayon na wala na si Jennie at hindi na babalik.. bumalik din ang ugali ni Lisa na masungit at gabi gabi na itong lasing, hindi ito maawat ni Chaeng at Jisoo na laging nasa tabi niya at inaalagaan siya...........

Jennie's Pov

JENNIE: Nasan na ba si Unnie? 2 weeks na siyang hindi napunta dito sa Restaurant?.. hmmmmmmm.. siguro may bago na namang biktima yun tsss..

Ang hindi alam ni Jennie ay wala na ang kaibigan niyang multo dahil nakita na ng kaibigan niyang multo yung matagal na niyang hinahanap na Baby niya kuno.. at ang hindi alam nung Kaibigan ni Jennie na multo ay yung tao palang hinahanap nya at tinatawag niyang baby ay yung tao na matagal ng sinusundan ng uncle ni lisa para imbestigahan at nakakakita din pala ito ng multo kaya ang nangyari ay pinatay nung taong yun ang kaluluwang kaibigan ni Jennie at naglaho na ito na parang abo.. kaya hindi na ito nakikita ni Jennie..

JENNIE: Tssss! Bahala na nga si Unnie... masyado siyang nagfofocus sa mga biktima niya, hayaan ko na nga siya.. makaalis na nga...! ( sabay namang alis na ni Jennie sa restuarant na tinatambayan nila )

Habang naglalakad at nagmumuni muni si Jennie ay nakakita siya ng isang Bagong bukas na amusement park at masaya siyang pumasok sa loob... Habang nililibot ni Jennie ang amusement park ay nakaramdam siya ng sakit sa ulo at natumba siya, nakikita na naman niya ang Past niya...

( FLASHBACK )

J.MOTHER: Anak lumaban ka! Nandito kami ng Papa mo!.. wag mo kaming iwan Jennie! Lumaban ka!...

Nakikita ni Jennie ang sarili niya na duguan at ang magulang niyang umiiyak habang ipapasok na siya sa OR...At sa hindi kalayuan ay may nakita siyang isang pangalan na malinaw na sa paningin niya ito ay ang pangalan ng Hospital kung san siya dinala.. ( CHEONGDAN HOSPITAL ) pagkabasa niya sa pangalan ng Hospital ay nagbalik ang kanyang Ulirat...

( END FLASHBACK )

JENNIE: Cheongdan Hospital? ( habang hinihingal pa ito ) at yung babaeng yun ang Mama ko? At Papa ko naman ang nasa tabi niya... kailangan ko mahanap ang Cheongdan Hospital na yun.. baka nandun ang kasagutan sa pagkamatay ko alam kong may record ako doon... Kailangan ko ng mahanap yun sa lalong madaling panahon para makatawid na ako....

Agad namang lumabas si Jennie sa Amusement Park at naghanap ng malapit na Comp.Shop para isearch ang Cheongdan Hospital kung saan ito makikita....Nang makakita na siya ng Comp. Shop ay pumasok na siya dito at nakatayo lang muna siya dahil naghihintay siya na may magCR na Costumer at dun sa Ginagamit na Computer ng Costumer na yun dun siya magsesearch... At sinwerte nga si Jennie dahil may tumayo na costumer at iniwang bukas ang Computer tsaka na siya umupo at nagsearch doon..

JENNIE: Ito nakita ko na!!.. ( habang binabasa ang Address ng Hospital ) Kailangan ko tong mapuntahan ngayon...

Agad na ngang tumayo si Jennie at umalis na siya Comp.Shop.. para puntahan ang Hospital na nakita niya sa Flashback niya.....

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon