Still Cont'
Natagalan si Lisa sa pagCCR dahil sa mahaba ang pila doon, at magbabayad pa siya ng bill kaya lalo siyang natagalan. Dun na kasi siya sa mismong counter magbabayad..kaso madaming costumer ng mga oras na yun kaya lalo siyang natagalan.. nang matapos na lahat ang gagawin niya ay lumapit na siya kay irene upang sabihin dito na aalis na sila at ihahatid na siya..
LISA: Tara Irene ihahatid na kita..
Tumingin lamang si Irene kay Lisa at tatayo na ito, kaya aalalayan na siya ni Lisa.. pero bago pa man mahawakan ni Lisa ang kamay ni Irene ay may humawak na agad sa kamay ni Lisa at nagulat si Lisa dito..
Nakahawak na si Jennie sa kamay ni Lisa kaya napigil ang pagalalay ni Lisa kay Irene, tinignan ni Lisa si Jennie na ngayon ay nakatingin kay Irene. At napatingin din naman si Irene kay Jennie.
IRENE: Oh ikaw pala yung tumawag? ( stiil lasing pa din ito )
LISA: T-tumawag ka?...
Tinignan naman ng Masama ni Jennie si Lisa na ikinatahimik ni Lisa..at sabay balik ng tingin ni Jennie kay irene..
JENNIE: May naghihintay na, na taxi sa labas. Kaya mo naman na sigurong lumakad magisa.. hindi mo na kailangan magpaalalay kay Lisa..
LISA: P-pero Jennie lasing siya, hindi niya kayang maglakad magisa.
Tumingin ulit ng masama si Jennie kay Lisa..
JENNIE: Ganun ba?!... ( sabay tingin sa mga waiter sa lugar ) .... ah excuse me??... ( lumapit naman agad ang 2 waiter ) pwede ba siyang pakialalayan hanggang labas? May taxi na kasi doon na naghihintay..
WAITER 1: Ah Sige po Ma'am kami na bahala, tara pre tulungan mo ko..
Tumingin ulit si Jennie kay Lisa..
JENNIE: Happy?! Tara na... ( habang magkaholding hands sila palabas at sumunod kela Irene )
Nang maipasok na ng mga waiter si Irene ay lumapit naman si Lisa sa Driver para sabihin kung anong Address ni Irene para maihatid ito..
LISA: Boss kayo na ang bahala ahh, Safe Drive lang. pakihatid ng maayos sa bahay nila.. Alam ko na ang Plate number mo..
Napatawa naman ang driver kay Lisa..
DRIVER: Sige po Ma'am, makakaasa po kayo.. ( sabay alis na ng Driver )
At bumalik na si Lisa sa tabi ni Jennie na ngayon ay nakacross arm at sa ibang dako nakatingin...
LISA: Jennie, Sorry hindi ko na nasabi sayo na pinuntahan ko si Irene.. Sorry talaga. Lasing na lasing kasi nung tumawag. Kaya nagmadali na ko pumunta...
JENNIE: Eh ano ba paki mo babaeng yun?! Bakit ka pa pumunta dito?! Bakit may gusto ka ba sa kanya?! Napalabas tuloy ako ng bahay ng wala sa Oras dahil sayo!! .kundi pa ko tumawag hindi ko pa malalaman!!!
LISA: Sorry na po kasi, may Problema kasi yung tao. Tsaka wala po akong gusto kay Irene. Nagalala lang ako kasi kaibigan ko din siya.. Broken Hearted kasi siya kaya siya naginum. Kailangan daw niya ng makakausap kaya tinawagan niya ko... Sorry na ( pagmamakaawa ni Lisa at yakap yakap si Jennie )
Nang marinig ni Jennie ang explanation ni Lisa ay nabawasan ang galit nito...
JENNIE: Totoo ba yang sinasabi mo?!...
LISA: Opo Love... ( nakapaout ito na parang bata habang nakayakap kay Jennie )
JENNIE: Osya sige, pagbibigyan kita ngayon. Pero ayoko nang maulit to..
LISA: Opo promise..
JENNIE: Good.. tara na hatid mo na ko..
LISA: Okay po Love..
Pumara na nga si Lisa ng Taxi at sumakay na sila. Pagkatapat ng taxi sa bahay nila Jennie ay bumaba muna si Lisa sa taxi..
LISA: Boss pahintay na din ako saglit ( sabi nito sa driver )
JENNIE: Sige na, sumakay ka na sa taxi baka gabihin ka pa masydo..
LISA: Bago ako sumakay, wala bang??... ( Sumesenyas ito ng kiss )
JENNIE: Hmmm nagpababy pa.. Sige na nga.. ( lumapit ito kay Lisa at akmang kikiss na ng... )
J.MOTHER: Jennie Anak, ikaw na ba yan?!...
naghiwalay naman agad ang dalawa sa gulat.. Napakagat nalang si Lisa sa labi sa panghihinayang...
LISA: Sayang.. ( bulong nito sa sarili )
JENNIE: Ah Lisa sige na, nandyan na pala si Mama.. papasok na ko sa loob..
LISA: Ah Sige Jennie pasok ka na. Hintayin kita makapasok.. ( nakalagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa )
Nang akmang bubuksan na ni Jennie ang pinto ay tumakbo ito pabalik kay Lisa at hinalikan si Lisa sa labi.. na ikinalaki ng mata ni Lisa..
JENNIE: Pasok na ko, Bye.. ( naggummy smile ito at dumaretso pasok na sa loob )
Naiwan naman kinikilig at namumula si Lisa na papasok na sa Taxi.. ( A: Oh ayan Baby may angal ka pa? Hmmm! )
LISA: Akala ko hindi makakapuntos.. YESS! ( with action 💪🏻 ) I Love You Jennie!.. ( sigaw nito na medyo mahina ).. tara na Boss alis na tayo...( masayang umalis si Lisa )
BINABASA MO ANG
(JENLISA ) The Stranger Ghost
FanfictionPaano kung magtagpo kayo sa hindi niyo alam ang dahilan kung bakit. At ang mahirap dun magkaiba ang inyong mundo at alam mong hindi kayo pwede magsama dahil isa siyang Multo. Ano ang gagawin mo? Iiwasan mo ba siya o hayaan nalang ang sariling mag mu...