CHAPTER 84

474 13 0
                                    

Cont'

Maya maya ay naalimpungatan na si Lisa na ikinagulat ni Jisoo..

JISOO: Oh Lisa! Okay ka na ba? Kamusta pakiramdam mo?...

LISA: Bakit ako nandito sa Hospital Senior?... Ayoko dito...( Tatayo na sana siya ng ihiga ulit siya ni Jisoo )

JISOO: No Lisa.. sabi ni Doc. Wag ka muna daw tumayo dahil mataas pa lagnat mo at baka daw magcollapse ka... Humiga ka muna diyan. Magpahinga ka...

Hindi naman na nagreklamo si Lisa kay jisoo at humiga nalang ito ulit...

LISA: Ah nasan po pala si Senior Chaeng??...

JISOO: Inaasikaso yung babayaran dito sa Hospital tsaka yung sa gamot mo.. mamaya nandito na yun...

Tumango nalang si Lisa bilang pag sang ayon kay Jisoo....

JISOO: Ah Lisa saglit lang.. pupuntahan ko na si Chaeng. Para sabihin na gising ka na..

LISA: Sige Senior.... Okay lang ako dito..

Agad na ngang lumabas si Jisoo para puntahan si Chaeng. Pero ang hindi alam ni Jisoo na kaya pala pumayag si Lisa na puntahan niya si Chaeng ay tatakas ito. Ayaw kasi ni Lisa sa Hospital talaga. Gawa ng Trauma niya dahil nga sa Mama niya. Kaya kung maaari ay ayaw niyang makakita ng Hospital. Kaya dahan dahan siyang naglakad at humanap ng tiyempo para makaalis.....

Dumako naman tayo kay Jennie na ngayon ay nasa Cheongdan Hospital din at nasa isang room doon sa Hospital kung nasaan din ang Mama niya... nakatayo siya sa harap ng kama at pinagmamasdan ang taong nakahiga doon. At hindi siya makapaniwala sa mga nakikita niya.....

Tumutulo ngayon ang luha ni Jennie sa mga pangyayari...

JENNIE: Buhay ako?.... Hindi talaga ako patay... 5 years akong Coma...? Pero bakit wala akong matandaan sa Nangyari sakin..? ( still hindi pa din siya makapaniwala sa nangyayari )

Habang nakatingin pa din si Jennie sa sarili niyang katawan ay biglang pumasok ang Papa niya sa room at may pagaalala sa mukha..

J.FATHER: Honey?... kamusta na si Jennie?... pasensya na at tinapos ko pa yung Paper works ko sa opisina...

J.MOTHER: Okay na siya Honey, kanina kasi bumabagal ang heartbeat niya hindi siya stable, kaya tinawagan ako ng doctor niya at pinabalik dito agad.. Pero ngayon okay na ulit siya Honey. Bumalik na ulit sa ayos ang Heartbeat niya...

J.FATHER: Salamat naman sa Diyos at okay na siya... wag ka ng mag alala Honey magiging okay din ang lahat.. Maghintay lang tayo.. kahit maubos na ng maubos ang gamit natin sa bahay para sa pambayad dito sa Hospital at kahit magkanda kuba kuba na ko sa Trabaho sa Opisina, Okay lang yun Honey basta Okay ang anak natin...

Niyakap naman agad ng Papa ni Jennie ang Mama niya para patahanin...

JENNIE: Mama! Papa! Huhuhuhu.. Nandito po ako!... ( iyak na ng iyak si Jennie )....

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon