CHAPTER 94

460 8 0
                                    

( Kinabukasan )

Maaga nagising si Lisa dahil sa aayusin pa niya ang mga damit at gamit ni Jennie na dadalhin niya sa Hospital, before Lunch na niya naisipan pumunta para sakto din sa dala niyang pagkain na niluto niya.. at masayang naglinis muna siya nang buong Unit niya..nang matapos na si Lisa sa paglilinis niya sa unit niya ay nagpahinga muna siya saglit bago siya maligo at magprepare na para sa pag punta niya sa Hospital...

( FAST FORWARD )

Masayang naglalakad papasok si Lisa ng Hospital habang dala dala ang mga damit, gamit at Lunch na ibibigay niya kay Jennie nang makita niyang naglalakad papalabas si Kai..

LISA: Oh kai?! ( masayang sabi niya ) ano ginagawa mo dito?.. may binisita ka?...

KAI: Ah Oo lisa, Pinuntahan ko si Tito.. may tito kasi ako ditong Doctor, tsaka may binisita na din ako na isang pasyente ni Tito.. ( masayang tugon ni kai ) Oh ikaw bakit ka nandito?, may bibisitahin ka din ba?..

LISA: Ah hehehehe Oo, may special na tao akong pupuntahan dito.. pasyente din.. dadalhan ko siya ng Lunch ( tinaas naman niya ang Lunch box ) tsaka ibibigay ko sa kanya tong mga gamit niya... ( sabay taas naman ng mga gamit na ibibigay )..

KAI: Oh buti naman kung ganun Lisa. Masaya akong marinig yan sayo.. Sana soon makilala ko naman yung tao na yan na nagpapangiti sa kaibigan ko ngayon... ( masayang tugon ni Kai, bago niya tapikin ang balikat ni Lisa ) Osya Lisa, mauuna na ko ahh. May kailangan pa kasi akong asikasuhin...

LISA: Oo sige kai, mag iingat ka sa byahe...( nakangiti niyang sabi )

KAI: Sige Lisa salamat.. ( sabi niya habang nakangiti din at papalayo na siya kay Lisa )

Agad naman din pumasok si Lisa at masayang nagtungo sa Room ni Jennie...

( FLASHBACK )

Habang papunta palang si Lisa sa Hospital ng mga Oras na to ay binisita ni Kai ang Tito niya at sabay silang nagtungo sa Room nila Jennie..

J.MOTHER: Oh Doc? Napapunta ata kayo ngayon?. May kailangan po ba ulit na pirmahan?..

DOC: Ah wala naman po Mrs. Kim, gusto ko lang po sabihin na mas mapapaaga ang labas ni Miss Jennie Kim dahil sa nakikita kong improvement niya sa paglalakad..( masayang tugon nito )

J.MOTHER: Ay magandang balita yan Doc!. Salamat naman po at mas maaga makakalabas ang anak ko..

DOC: Bali dapat po ay mag stay pa siya ng 2 weeks dito, pero sa improvement niya ay bibigyan ko nalang siya ng 1 week for the therapy... then pwede na po siya makalabas...

J.MOTHER: Salamat ng Marami Doc.! Makakahinga na ako ng Maluwag...

JENNIE: Salamat po Doc. Sa magandang balita ( masayang sabi ni Jennie at sabay yakap sa Mama niya )

DOC: No problem po iyon Mrs. Kim and Jennie, Bali po pala, kaya ko din pinapunta ang pamangkin kong si Kai dito ay para sabihan na siya na po ang magaassist sa inyo sa pag labas ni Jennie dito sa Hospital...

J.MOTHER: Nakoo Doc. Nakakahiya naman po sa batang ito. ( sabay tingin kay kai )

KAI: Walang po Problema Mrs. Kim, My pleasure po na asikasuhin kayo.. ( masayang sagot ni kai at sabay tingin kay Jennie )

Agad naman ngumiti si Jennie kay kai..

JENNIE: Salamat kai..

KAI: Wala yun Jennie.. ako na ang bahala mag hatid sa inyo sa bahay niyo, para safe kayo ...

J.MOTHER: napakabait naman talaga ng bata ito, Salamat iho ahh?..

KAI: Hehehe wala po iyon...

DOC: Osya Mrs.Kim, kami po ay aalis na din ni Kai, dahil po may pupuntahan pa siyang meeting..

J.MOTHER: Ah okay po Doc. Maraming salamat sa magandang balita, Maraming salamat din sayo iho..

KAI: Sige po mauna na po kami, Bye Jennie..

JENNIE: Bye, Salamat ulit kai sayo din Doc.

Agad na ngang lumabas ang mag Tito at nagpaalam na si Kai na aalis na siya dahil sa nagmamadali na siya sa meeting niya...

( END FLASHBACK )

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon