CHAPTER 105

465 11 1
                                    

Still Cont'

Tumingin si Jennie sa Orasan niya at 12nn na ng makita niya ang Oras.

JENNIE: Nasaan na ba yung babaeng yun? Tsss. Sabi niya aagahan niya punta?! Eh aalis na ko lahat lahat wala pa din tss.. matawagan na nga!

Kinuha ni Jennie ang Phone niya at tinawagan si Lisa, Si Lisa ngayon ay nasa Garden ng Hospital at nakaupo siya kung saan sila kumain noon ni Jennie. Nagulat naman siya ng biglang magring ang phone niya at nakita niyang si Jennie ang tumatawag kaya sinagot niya agad ito..

LISA: Hello? ( mahina at malungkot na sabi niya )

JENNIE: Yah!! Sabi mo maaga ka pupunta dito?! Anong Oras na! Wala ka pa din!!.. nagbabayad na si Mama ng Payment at maya maya Aalis na kami!! Nasaan ka na ba?!!!

LISA: Jennie Sorry hindi ako makakarating ( mahina at malungkot pa din niyang sabi )

JENNIE: Eh bakit hindi ka makakarating?!! Nagpromise ka diba?!!

LISA: Sorry talaga jennie, masama kasi pakiramdam ko. Ang totoo kasi hindi talaga ako natulog kanina sa sobrang saya ko na lalabas ka na ngayon. Kaya siguro masama pakiramdam ko gawa nun, Sorry talaga jennie. Pwede naman tayo magkita Next time. Kung may Oras ka. Tsaka pasukan na din pala next week kaya mageenroll ako mamaya.. pasensya na talaga.

Nalungkot naman at nagalala si Jennie sa sinabi ni Lisa kaya kumalma ito ng salita.

JENNIE: Ganun ba?. Osya magpahinga ka na muna diyan, para may lakas ka mamaya at mageenroll ka pa.. uminom ka din ng gamot ahh?. Wag mo pabayaan sarili mo. Tsaka----- ( hindi niya natapos ang sasabihin niya ng magsalita si Kai )

KAI: Jennie, tara na??...

Tumango ito kay Kai at ngumiti, kumirot naman ang puso ni Lisa sa narinig niyang boses.

JENNIE: Ah sige susunod nalang ako dun mauna ka na.

KAI: Okay sige, sunod ka agad..

JENNIE: Okay ( nakangiting sabi nito at sabay kinausap ulit si Lisa ) .. Ah Lisa aalis na kami.. ibababa ko na tong phone..

LISA: Sige lang Jennie, Ingat kayo sa byahe...

JENNIE: Uminom ka ng gamot ah.. Sige na Bye. mwuah! ( end call )

Nang ibaba na ni Jennie ang Call ay hindi maiwasan ni Lisa na maging malungkot nang sobra at nagdecide na nga siyang lumabas sa Hospital. At maya maya ay kasunod na lumabas din sila Jennie sa Hospital at inalalayan na ni Kai ang mag ina na sumakay sa Car at ihahatid na niya sa bahay nila. Ang hindi alam ni Jennie ay nagtatago lang si Lisa sa may puno na hawak pa rin yung gift niya para dito at nakatingin lang sa kanila na masayang masaya na kasama si Kai. Simula ng araw na yun ay nagdecide si Lisa na mag laylo muna kay Jennie, pero ittext pa din niya ito at kakausapin kaso nga lang iiwasan muna niya yung maging sobrang sweet kay Jennie. Pagkalayo ng kotse nila ay umalis na din si Lisa at nagpunta na sa Campus upang magenroll at dumaretso na ito pauwi.

Nang makarating na si Lisa sa Unit niya ay nagtaka naman ang Uncle niya na bakit maaga ito umuwi at malungkot ang mukha..

UNCLE: Oh Lisa?. Ang aga mo ata? Tsaka bakit ganyan mukha mo may Problema ba?.

LISA: Hindi ko po naabutan si Jennie Uncle, nakaalis na po sila agad.( pagsisinungaling nito ) kaya sa Campus na ko dumaretso at nagenroll nalang ako, next week na pasukan Uncle.

UNCLE: Ahh ganun ba?.. kumain ka na ba? Pinagtabi kita nandyan sa lamesa. Kumain ka na..

LISA: Wala po ako gana Uncle, mamaya ko nalang po kakainin. Iidlip po muna ako. Wala pa po akong tulog simula kahapon..

UNCLE: Eh bakit hindi ka naman natulog?!! Papatayin mo ba sarili mo?!

LISA: Ayoko po muna pagusapan yan Uncle, tulog na po muna ako. sige po.

Agad na ngang nagtungo si Lisa sa Room niya at dali dali na bumagsak ang katawan niya sa kama nang oras ding yun ay nakatulog na agad si Lisa..

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon