CHAPTER 72

484 11 2
                                    

Cont'

Nilayo ni Lisa ang Cp niya sa kanyang Tenga, dahil sa lakas ng Sigaw ni Seulgi sa kanya....

LISA: Yah! Bakit ka ba naninigaw?!

SEULGI: Anong Oras na?!

Tumingin si Lisa sa Relo niya.....

LISA: 6pm bakit ba?!!

SEULGI: Yun na nga Lisa!! NASAAN KA NA BA?!!! Hindi ka naman mahanap sa School! Kaya umuna na kami dito!! Nandito na kaming lahat sa Bar!!

Agad naman napasapo si Lisa sa Noo niya na ikinagulat ni Jennie..

JENNIE: Oh! Lisa bakit?!

LISA: Nakalimutan ko yung lakad ngayon diba nagyaya nga si Irene...( sabi niya kay jennie bago bumalik sa kausap niya sa Cp ) Nakalimutan ko, Pero pupunta na ko jan ngayon.. pasensya na...

SEULGI: Yah! bilisan mo!! OORDER NA KAMI!..

LISA: Oo na!! Bibilisan ko! Mga hayok sa alak!..Sige na Bye....

Nagmadali na nga maglakad si Lisa at Jennie.. at agad namang sumakay ng Taxi papunta sa Bar...

JENNIE: Masyado naman silang Excited tss...( habang nakacross arm ito )

LISA: Oo nga ee, hayaan mo na.. minsan lang naman to..

JENNIE: Hoy Lisa!

Agad namang napatingin si Lisa ..

JENNIE: Ayokong maglalasing ahh?!! Konti lang inumin mo..! Sinasabi ko sayo, pag ikaw nalasing mamaya... Nakoooo!

LISA: Opo Misis, hindi ako maglalasing.... Promise!

JENNIE: ( namula ang mukha dahil tiwanag siyang Misis ni Lisa ) G-good! Promise yan ahh....

Agad namang tumango si Lisa sa sinabi ni Jennie habang nakangiti ito... mga ilang minuto din ang byahe nila ng nakadating na sila sa Bar na paborito nilang puntahan at maririnig mo na nga sa labas ang lakas ng Tugtugan sa Loob...

JENNIE: ( nakingiti ng abot langit ) Iba talaga pakiramdam pag naririnig ko yung tugtog nila! Napapasayaw talaga ako!!

LISA: Yah! Ayokong pasaway na naman ahh? Baka hindi na naman kita makita mamaya.. at nandun ka na naman sa Dance Floor.. at parang kiti kiti na sumasayaw dun.. tss

JENNIE: Anong sabi mo?!!.. ( humarap ito kay Lisa ng galit ang mukha ) ...mukha na ba kong kiti kiti?!!

Napatigil naman sa pagsasalita si Lisa ng makita niya yung mukha ni Jennie na galit na nakatingin dito. Kaya dinepensahan niya yung sinabi niya..

LISA: A-ah h-hindi naman yun ang ibig kong sabihin hehehe, Sabi ko lang wag ka ng magpasaway sa loob heheh ( sabay kamot sa ulo )

JENNIE: Ayusin ko mga sinasabi mo Lisa! Nakooo..

LISA: A-ah e-eh maayos naman sinabi ko ahh.. Galit ka agad hehehe.. Tara na pasok na tayo Misis...hinihintay na nila ko..

Nawala naman ang galit ni Jennie sa mukha ng marinig na naman niya yung "Misis" at ngumiti ito kay Lisa ng parang walang nangyari...

JENNIE: Okay tara! ( biglang gummy smile , at nauna na kay Lisa maglakad papasok sa loob )

Napailing nalang si Lisa sa ginawa ni Jennie habang nakatingin kay Jennie..

LISA: Iba na tama nito.. ( pabulong nito sa sarili )

At tuluyan na nga silang pumasok sa Loob ng Bar at hinanap ang mga Kaibigan niya sa Loob...

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon