CHAPTER 50

579 10 0
                                    

Cont'

Pumunta naman tayo kay Jennie at Lisa na nasa Classroom na din ngayon...

JENNIE: Lisa.. ( malungkot na sabi nito habang naka higa ang mukha sa table ng school ) hindi tayo nagbreakfast kanina.. nagugutom na ko...

LISA: ( Agad namang napatingin si Lisa kay Jennie at nakita niyang malungkot ito ) Baka kasi malate ako kaya hindi na ko nakapagluto kanina.. ( hanggang sa pinisil ni Lisa yung pisngi ni Jennie at nagulat ito )

JENNIE: ( napatayo at hawak ang pisngi ) Ah.? Ano yun?. May dumi ba ko sa mukha?...

LISA: Wala.. Ang Cute mo kasi pag nagugutom ka..( Nakangiti na sabi ni Lisa )

Nakaramdam naman si Jennie ng kaba at biglang namula ang kanyang Mukha...

LISA: Oh?.. May sakit ka ba?.. namumula ka..( pagaalalang tanong ni Lisa ) Hayaan mo mamayang Lunch, kumain ka ng madami hanggang sa kaya mo.. bibilhan kita ng mga gusto mong kainin, alam mong ayokong nagugutom ka ee ( nakangiting sabi ni Jennie )

Kinikilig si Jennie sa narinig at hindi naman niya alam kung bakit siya Kinilig sa sinabi ni Lisa at bigla nalang bumilis tibok ng Puso nya.. at tinignan niya ulit si Lisa na Focus na sa pag aaral, kaya bumalik ulit siya sa pagkakahiga sa Table habang nakatitig siya kay Lisa at sa hindi niya maintindihan ay napapangiti siya habang pinagmamasdan si Lisa...

Natapos na ang Morning Class ni Lisa at Lunch na, so Bumili lang si Lisa ng mga gusto kainin ni Jennie at nagpunta na sila sa Garden para dun kumain..

LISA: Ang dami nito Jen, kaya mo ba tong ubusin?...

JENNIE: Hindi lang ako kakain nitong lahat, Hati tayo.. ( nakagummy smile si pusa ) tutulungan mo ko dba?..

LISA: ( napangiti nalang si Lisa sa Kakyutan ni Jennie ) Hmmm, Sige hati tayo.. kumain ka ng madami para may energy ka lagi.. panget kasi pag matamlay ka ... hindi ako sanay..

JENNIE: ( tumango ito bilang pag sang ayon kay Lisa na nakangiti ) Kakain ako ng madami, Promise! ( with matching kinikilig pa )

LISA: Good ( sabay himas sa ulo ni Jennie ) Sige na kain ka lang...

At kumain na nga si Jennie ng kumain.. at pinagmamasdan lang siya ni Lisa...

LISA: Nga pala mamaya pupunta tayo kela Senior.. May sasabihin daw siya sakin ee..

JENNIE: ( ngumunguya ) talaga? Ano kaya sasabihin nila? May trabaho ba ulit tayo?..

LISA: Wala Siguro. Mukhang hindi yun ang sasabihin nila sakin. Ewan ko lang kung ano... Sige na kumain ka lang diyan. Para may energy ka mamaya...

Nagpatuloy naman si Jennie sa pagkain hanggang sa mabusog na ito.. Nagring na din ang Bell ng school hudyat ng magstart na ulit ang klase nila ng Afternoon Class, kaya bumalik na sila sa Room ni Lisa at umupo.. mga ilang oras din ang lumipas ay nagring na ulit ung bell ng school hudyat na Uwian na nila.. kaya inayos na ni Lisa ang mga gamit niya at tumayo na din ito para lumabas na ng School...

LISA: Tara Jen?....... ( pagyaya niya kay Lisa )

JENNIE: Hmmmmm ( tumango ito bilang pagsang ayon kay Lisa at yumakap na sa braso nito ) Tara....

Umalis na nga sila ng School at dumaretso na sa unit na inuupahan nila Chaeng......

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon