CHAPTER 82

470 12 0
                                    

Third Person's Pov

Dumako naman tayo kay Jennie na ngayon ay malapit na sa Hospital na pupuntahan niya... Habang sila Lisa sa kabila ay nagsisimula palang uminom sa part na to. Si Jennie naman ay papunta sa Hospital na kung saan siya dinala ng mga magulang niya na nakita niya sa flashback niya, at para mahanap na din niya ang sagot sa lahat ng katanungan niya...

JENNIE: Right! ito na yung Hospital... ( habang nakatingala siya ngayon sa pangalan ng Hospital na nasa labas ) Cheongdan Hospital... haysssss.. Sana maging maayos na ang lahat ngayong gabi...

Habang naglalakad si Jennie para pumasok sa loob ng Hospital ay may nakita siyang Babaeng lumabas sa pinto na natatandaan niya yung mukha...

JENNIE: Mama??...

Sinundan lang ng tingin ni Jennie ang Mama niya na sasakay ngayon sa Taxi para umuwi... Dahil sa hindi naman siya nakikita ng Mama niya, minabuti niyang sundan nalang ang mama niya at sumakay din siya sa taxi.... Mga ilang minuto din ang byahe nila ay huminto na ang Taxi at nagbayad na ang mama niya then bumaba na ito sa Taxi..... nakatingin ngayon si Jennie sa bahay na nasa harap niya..

JENNIE: Ito siguro ang bahay namin...?

Agad din namang sumunod si Jennie sa loob ng bahay..at nakita niyang wala masyadong gamit ang bahay...

JENNIE: Bakit walang kagamit gamit ang bahay na to??.. ( agad niyang nilingon ang mama niya na nakaupo ngayon sa sofa )

Umupo din si Jennie sa sofa at tinignan ang mama niya na hawak hawak ang litrato niya...

J.MOTHER: Anak ko, Miss na miss na kita...( niyakap ang litrato ni Jennie habang tumutulo ang luha )

Biglang tumulo ang luha ni Jennie dahil sa nakikita niya ngayon.. Nasasaktan siya sa nakikita niya..

JENNIE: Mama wag ka ng umiyak... ( sinasabi niya ito ng tumutulo din ang luha niya ) nandito lang ako Mama..

Hinawakan ni Jennie ang puso niya dahil sa nasasaktan siya na nakikitang umiiyak ang Mama niya at wala pa itong magawa para patahanin ang Mama niya.. kaya lalo pa siyang nasasaktan sa mga pangyayari. Tapos hindi pa siya nakikita ng Mama niya..

JENNIE: Mama wag ka ng umiyak. Huhuhu... Nasaan po ba si Papa??.. bakit wala siya dito para patahanin ka..? Huhuhu.. ( iyak na ng iyak si Jennie )

Nagulat si Jennie ng magring ang Cp ng mama niya. At sinagot naman ito ng Mama niya agad...

J.MOTHER: Hello Doc?!! bakit? Anong nangyari?!!....... Sige Doc, babalik na ko diyan agad! Aalis na ko!

JENNIE: MAMA?! Ano pong nangyayari?! Bakit may Doctor na tumawag?! Anong nangyayari mama?!( natatarantang tanong ni Jennie pero hindi naman siya naririnig ng mama niya )

Mabilis na kinuha ng mama niya ang susi ng bahay at mabilis na tumakbo papalabas at agad na pumara ng taxi. Kinakabahan si Jennie sa nakikita niya kaya tumakbo din siya para sundan ang Mama niya sumakay din siya sa taxi kung saan nandun ang mama niya na pabalik ng hospital.......

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon