CHAPTER 116

490 14 0
                                    

( FLASHBACK )

Bumalik tayo sa Oras na kung saan inihatid na ulit ni Lisa si Jennie sa kanila kung saan kiniss ni Jennie si Lisa bago ito tuluyang pumasok sa loob ng bahay nila, at sobrang kinikilig at masaya si Lisa.. Yung mga Oras na ganun si Lisa at Jennie, ay dumako naman tayo sa Papa ni Lisa na ngayon ay tumatakbo at takot na takot sa taong humahabol sa kanya, mga ilang minuto din sila naghahabulan at nacorner na nga ng taong humahabol sa knya ang Papa ni Lisa sa isang madilim na eskinita at napatumba ito..

UNKNOWN: Tagal mo din akong pinahirapan ahh, nagtago ka pa ulit. Akala mo naman hindi kita mahahanap ( nakangisi nitong sabi )

L.FATHER: Ma-maawa ka sakin! Huwag mo kong patayin.. ka-kailangan ako ng anak ko...!

UNKNOWN: Nasaan ang Bracelet?.. Ibigay mo na sakin...

L.FATHER: wa-wala sakin ang bracelet hindi ko alam kung nasaan...!

Agad namang sinakal ng lalaking ito ang papa ni lisa, na dahilan ng paghirap nito sa paghinga..

UNKNOWN: Pinagloloko mo ba ko?!!.. Alam kong nasayo ang Bracelet! Huwag mo nang itago sakin! Ilabas mo na!

L.FATHER: T-tinapon ko na y-yung b-bracelet.. h-hindi m-mo na m-mahahanap pa yun... ( nahihirapan siyang magsalita dahil sakal sakal siya nito )

UNKNOWN: Iniinis mo talaga ako ahh.. ( nakangisi ito at sabay bulong ) .. kung wala na sayo ang bracelet na kailangan ko. So wala ka ng silbi sakin.. at gagawin ko na yung tunay na mission ko sayo.. say goodbye na sa Earth ( nakangiti pa din nitong sabi )

L.FATHER: h-huwag m-maawa ka, L-lisa A-anak ko..........

Yan ang huling salita na sinabi ng Papa ni Lisa bago  siya malagutan ng hininga, dahil sa pinilipit nitong kriminal ang leeg ng papa ni Lisa at itinapon sa may gubat na hindi kalayuan.

( END FLASHBACK )

Nakarating na si Lisa at ang Uncle niya sa Funeral , at pumasok na sila sa Loob ng isang Room na kung saan may nakita si Lisa na isang taong nakahiga at nakataklob ng puting kumot ang buong katawan nito..nilapitan ito ni Lisa at binaba ang puting kumot sa may bandang mukha ,kitang-kita niya ang wala ng buhay nyang Ama napatikom naman ang mga kamao niya at nakaramdam ng sobrang kirot sa puso niya, pero kailangan niyang magmatigas. Kaya pinipigilan niyang pumatak ang mga luha niya, sa hindi na niya makayanan na makita ang Papa niya na walang buhay ay lumabas na siya sa Room at nakatulala pa din siyang umupo sa gilid ng pinto. Sumunod naman agad ang Uncle ni Lisa palabas nang may mga dumating na pulis. Para makausap sila Lisa. Pero hinarangan ito ng Uncle ni Lisa at siya na mismo ang humarap sa mga pulis. Dinala ng Uncle ni Lisa ang mga Pulis sa lugar na medyo malayo kay Lisa para hindi marinig ni Lisa ang pinaguusapan.. habang si Lisa ay Tulala pa din hanggang ngayon...

UNCLE: Ano daw ang balita sa Autopsy niya?

PULIS 1: Nakikita dito na sinakal ang biktima dahil sa mga marka nito sa Leeg at nakikita din dito na pinilipit ng suspect ang leeg ng biktima na yun ang naging dahilan ng pagkamatay nito..

UNCLE: May lead na ba kayo sa Suspect..?

PULIS 1: Yes po. Ayun po sa Fingerprint na nakita namin sa Biktima ay Same din siya ng Fingerprint ng suspect na pumatay sa 3 tao nitong mga nagdaang buwan..

nanlaki ang mga mata ng Uncle ni Lisa sa Narinig .

PULIS 2: kaso magaling magtago itong suspect dahil ang lahat ng CCTV sa lugar ng mga crime scene ay hindi lahat gumagana.. kaya hindi namin ito mahuli.. pero wag po kayo magalala gagawin po namin ang lahat ng amin makakaya..Maiwan na po namin kayo.

Tumango na lamang ang Uncle ni Lisa bilang pag sang ayon sa mga pulis at umalis na nga ang mga ito naiwan ng magisa ang Uncle ni Lisa.......Nakaramdam ng sobrang galit sa puso ang Uncle ni Lisa dahil alam niya na kung sino ang Suspect sa pagpatay sa Papa ni Lisa.

UNCLE: Walang hiya ka talaga! Demonyo ka na nga talaga! Matapos lang tong lamay ng Papa ng ni Lisa, magtutuos tayo! ( pagsasalita niya sa sarili niya, at agad nang bumalik kung nasaan si Lisa )..

Nakabalik na nga ang Uncle ni Lisa at niyaya niya muna si Lisa para kumain at mapagusapan nila about sa crimation dahil ganun sa korea pag namatay ka.. agad din namang tumugon si Lisa sa Uncle niya pero still tulala pa din ito na sumama sa Uncle niya...

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon