CHAPTER 52

517 8 4
                                    

Cont'

CHAENG: Sigurado ka bang ayaw mo talaga sumama???

LISA: Oo Senior, ayoko talaga. Hindi kasi ako interasado sa mga ganyang lakad...

Agad namang tumingin si Chaeng kay jisoo at nagets naman ni Jisoo ang ibig sabihin ni Chaeng...

JISOO: Ah eh.. ganun ba?...kung ganun.......... ( sabay tingin kunwari kay chaeng ) Tayong 3 nalang siguro nila Irene ang pumunta dun.. sa tingin mo Chaeng???...

Agad naman napabangon sa pagkakatungo si Jennie sa table ng marinig niya na sasama si Irene at nanlaki ang mata.....

CHAENG: Hmmmm Sige Lisa.. kung ayaw mo talaga... hindi ka namin pipilitin.. buti nalang pumirma dito si Irene.. na gusto niyang sumama...

JENNIE: ( pilit na kinukulbit ngayon si Lisa na tahimik lang ) A-ah L-lisa?... maganda nga sana na wag nalang tayong sumama... Kasi baka mapabayaan mo ang pagaaral mo. May Next time pa naman.. wag nalang tayong sumama sa Outing nila...

JISOO: Mukhang ayaw naman talaga ni Lisa, sige iseset ko na to...

JENNIE: Lisa wag na tayong sumama, mangingitim lang tayo dun kasi bababad lang naman tayo sa arawan, Tara na uwi na tayo.. ( akmang tatayo na si Jennie ng magsalita si Lisa )

LISA: Sandali!... ( sabay kuha ng Contract at pinirmahan )

Nagtinginan naman si Chaeng at Jisoo na abot tenga ang Ngiti.. habang si Jennie ngayon ay Nagseselos... ( TEKA?! Nagseselos na si Nini? Hahahahahaha Iba na to ah, Dati todo push ka kay lisa at irene ngayon todo harang na? Ano to Jennie?.. )

At agad namang kinuha ni chaeng ung kontrata na pinirmahan ni Lisa....

CHAENG: okay! ( habang inaayos ang papel ) so set na ang lahat.. by next week ahh!! 8am sunduin ka namin dun lisa sa unit mo..

LISA: Okay sige Senior ( sabay tayo sa upuan ) Aalis na din ako...

CHAENG: Okay sige Lisa ingat ka sa pag uwi....

At tuluyan na ngang umalis si lisa ng unit nila chaeng at naglakad na ito palabas, habang naglalakad sila ay nagsalita si Jennie..

JENNIE: BAKIT MO PINIRMAHAN?! Akala ko ba ayaw mo sumama?!! ( Inis na sabi nito )

LISA: Hmmmm... bakit naman hindi? Mukhang masaya naman dun sa pupuntahan ee.. ( Kalmadong sabi ni lisa habang nakatingin kay Jennie )..

JENNIE: Sus! Nandun lang si Irene kaya ka sumama! ( pabulong niyang sabi )

LISA: Huh?. Ano?.. may sinasabi ka ba? ( habang nakatingin kay Jennie )

JENNIE: WALAAAAA!!!!! Diyan ka na nga!..

LISA: Aba't!! YAH!! Sandali!!! Bakit ang init ng ulo mo!! Hintayin mo ko!!...

Patakbo ngang sinundan ni Lisa si Jennie hanggang sa maabutan niya to, nakasakay na din sila sa Taxi ngayon at nakarating na sa destination nila..At hindi pa din pinapansin ni Jennie si Lisa. Pagdating ng bahay ay  agad namang nagluto si Lisa ng Dinner nila, at pagkaluto ay agad din naman niyang hinain sa mesa...

LISA: YAH!! Hindi ka ba kakain?!... Anong inaarte mo diyan?

JENNIE: HINDI! Busog ako!! ( nakatalikod ito kay lisa habang nakaupo sa sofa )

LISA: Sigurado ka?! Sarap pa naman ng niluto ko ngayon Meat!....( pangaasar nito )

Bigla namang natakam si Jennie sa narinig at pasimpleng lumingon ito sa Mesa, at napansin agad ito ni Lisa kaya tumingin siya kay Jennie, agad naman binaling ni Jennie ang muka niya pabalik na kunwari ay galit pa din. kaya napangiti si Lisa sa inaasta niya.. Ilang minuto din tinatakam ni Lisa si Jennie dahil kumakain na ito. At si Jennie naman ay nakaupo pa din sa sofa, ng hindi na makayanan ni Jennie ang Gutom ay lumapit na siya kay Lisa at umupo..

LISA: ( habang ngumunguya ) Oh, akala ko busog ka??..

JENNIE: Nagugutom na ko.... ( nagpout na parang bata )

LISA: ( ngumiti lang ito ) Sige na kain kana... Oh.. ( inabot ang kanin )

JENNIE: Okay hihihihihi.... ( nawala ang galit sa mukha at naging maamong pusa na )

Natapos na din sila kumain at niligpit na ni Lisa ang pinagkainan at nag wash up lang siya saglit then nagpahinga, back to normal sa Sofa si Jennie ulit....

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon