CHAPTER 80

483 11 1
                                    

Cont'

CHAENG: YAH! Lisa! Bumangon ka na jan! Alam kong gising ka na!..( nakacross arm ito at nakatayo sa harap ng kama ni Lisa )

LISA: Bakit ba kayo nandito???.... ( still nakataklob pa din ang unan sa mukha )

CHAENG: Malamang pinuntahan ka kasi nagaalala kami sayo! 3 days ka ng hindi lumalabas! Malay ba namin baka patay ka na!

LISA: Sana nga mamatay nalang ako.. Kesa ganito... ( malungkot niyang sabi )

Nalungkot naman si Chaeng sa sinabi ni Lisa, ramdam ni Chaeng ang sakit sa dibdib ni Lisa mula ng umalis si Jennie, kahit hindi sinabi ni Lisa kela Chaeng na sila na ni Jennie, ramdam ito ni Chaeng na may something silang dalawa, kaya ganyan nalang kalungkot si Lisa mula nung umalis si Jennie..

CHAENG: Wag ka ngang magsalita ng ganyan! Marami pang way Lisa! 3 months ka ng ganyan..! Isipin mo nalang na nasa mabuting kalagayan na si Jennie! At sa simula pa lang yun naman ang gusto niya diba? Ang maging maayos na ang lahat..at makatawid na siya.. ibigay natin ang matagal na niyang gusto Lisa! Wag mo siyang pahirapan... may pagkakataon pa Lisa! Hindi pwedeng habang buhay ka nalang ganyan! Ayaw ni Jennie na magkaganyan ka! Sige, isipin mo nalang pag nalaman ni Jennie na ganyan ginagawa mo simula ng umalis siya, matutuwa ba siya?! Diba hindi?! Hindi ka nakakatulong Lisa! Kaya bumango ka na diyan at kumain na tayo! May dala kaming pagkain! At lumabas muna tayo mamaya para makalanghap ka naman ng Fresh Air! Ang baho ng bahay mo ee! Amoy alak na ewan.!! Tara na bangon na!

Narealize naman ni Lisa na tama lahat ng sinabi ni Chaeng. Na matagal na ngang hiling ni Jennie ang maging maayos na at makatawid na, at ayaw din ni Jennie ng malungkot siya.. Kaya naalala niya yung sinabi ni Jennie sa kanya bago siya iwan nito ang " Gusto kong maging masaya ka " kaya agad namang tinanggal ni Lisa ang Unan sa mukha niya at umupo sa kama pero malungkot pa din ang mukha..

CHAENG: Oh ayan! Ganyan Lisa... ganyan dapat.. Wag mo ikulong si Jennie.. kasi mahihirapan siya sa ginagawa mo.. dapat maging masaya ka sa desisyon niya, dahil yun ang matagal na niyang hiling dba? Move on Ghorl!..ito ang gusto ni Jennie.. sundin mo nalang..

LISA: Tama ka nga siguro Senior..panahon na para magmove on, ayokong mahirapan si Jennie.. hayssss..

CHAENG: Good! Tama yan! Oh siya tara na kain na tayo...

Agad naman din silang lumabas ng kwarto at nagtungo sa kitchen, tapos na din ilagay ni Jisoo ang mga kalat sa sako at nakaupo nalang ito sa sofa...

CHAENG: Wow! Ang Linis na ahh.. hindi na dugyot tignan... Nice Work Jisoo..

JISOO: Suss! Ano ba yan Pleasure o pang aasar?! Hirap kaya ng ginawa ko kanina! Tss...

CHAENG: Wag ka ng magalit Baby, sayo nalang yung Chicken ko , tara na dito!

LISA: Baby????

Nagulat naman si Chaeng sa sinabi ni Lisa, at narealize din niya na sinabihan niya si Jisoo ng Baby..kaya dinepensahan niya agad ang sinabi niya.

CHAENG: A-ah e-eh Baby Damulag! Hehehe tama! Baby damulag kasi siya. Para siyang bata pag may Manok hehehehe..( sabay kamot sa ulo )

LISA: Aaaaaahhh okay... ( tumango tango lang ito dahil hindi niya din nagets )

JISOO: Tss..! Palusot pa... Tara na nga kain na tayo!

Sinamaan naman ng Tingin ni Chaeng si Jisoo na ikinatahimik ni Jisoo.. at kumain na nga silang Tatlo....

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon