Third Person's PovSa mga Oras na ito ay nakauwi na si Lisa sa Unit niya kasama ang Uncle niya. At nakwento nga ni Lisa na buhay si Jennie at hindi pa ito patay, nagulat ang Uncle niya sa mga nalaman niya kay Lisa, lalo na yung hindi na siya matandaan ni Jennie na sobra niyang kinalungkot. Nakauwi na din pala sila Chaeng sa apartment nila sila din ay nagaalala kay Lisa dahil nga nawalang ng alaala si Jennie miski sila ay hindi na din nito kilala...
UNCLE: Mabuti na din na wala ng matandaan si Jennie Lisa, dahil para na din ito sa kaligtasan niya.
LISA: Ano po ang ibig niyong sabihin Uncle?
UNCLE: 5 years na naging multo si Jennie, 5 years din siyang naghirap sa labas.. kaya maganda sa kanya ay magsimula ulit na walang multo na Involved, hayaan mo siyang maging masaya ulit Lisa yung walang iniisip, maging isang normal ulit siyang tao at makasama ulit ang mga kaibigan niya. Iyan ang maganda mong gawin para kay Jennie, hayaan mo siya mabuhay ulit ng isang normal na tao.. para din sa kanya itong gagawin mo..
Napaisip naman si Lisa sa sinabi ng Uncle niya.. pero agad din naman niya itong binawi..
LISA: Pero Uncle.. mukang mas kailangan po ako ni Jennie ngayon.. Kung hindi man po niya ako matandaan, hahayaan ko lang po muna yun, basta mabantayan ko lang po siya ngayon.. ayoko na pong maulit yung nakaraan niya kung bakit siya na Coma, kung ano man po iyon...
UNCLE: Sige Lisa kung hindi naman kita mapagsasabihan, ikaw na ang bahala. Hindi ako galit sayo Lisa..ang gusto ko lang sana ay hayaan mo ng mabuhay ng Normal si Jennie kasama ang mga mahal niya sa buhay..
LISA: Pero Uncle Girlfriend ko po si Jennie... ( sabay malungkot itong nagpout )
Agad naman natawa ang Uncle ni Lisa at ginulo ang buhok nito...
UNCLE: Osya osya, ikaw na ang bahala.. Malaki ka na. Basta lagi ka lang maiingat ahh?...
Lumawak naman ang ngiti ni Lisa sa sinabi ng Uncle niya at sabay yakap nito sa kanya...
LISA: Salamat po Uncle!.. ( masaya niyang sabi habang nakayakap )
UNCLE: Okay na yun anak, Tara na kain na tayo.. lalamig tong mga binili natin.. uminom ka ng gamot pagtapos mong kumain ahh..
LISA: Opo Uncle.. tara na po....
UNCLE: Nga pala maaga akong aalis bukas dito, at may pupuntahan ako ng maaga..
LISA: Okay po Uncle, maaga naman po dadating sila Senior dito bukas..
UNCLE: Senior? Yung mga kasama mo kanina?...
Agad namang tumango si Lisa....
LISA: Opo......
UNCLE: Saan mo ba nakilala mga yun Lisa? At bakit sa dinami dami na pwede niyong trabaho ee yun pang ayoko ang trabaho niyo....?
LISA: Sa School po Uncle, dun din sila nagaaral, matanda sila ng isang taon sa akin sa school po.. pero wag na kayong magalala uncle dahil tapos na po yung trabaho namin.. kaya wala na kayong dapat ipagalala..
UNCLE: Mabuti naman kung ganun. Dahil baka mapahamak ka lang diyan lalo na pag napatapat ka sa malakas na Evil Spirit baka hindi lang pag sapi ang gawin niya sayo. Baka hindi mo na kayanin ang pwede pang mangyari..
LISA: Opo Uncle. Wag na po kayong magalala.. tara na po kain na tayo..
Agad na nga silang kumain ng Uncle niya, at maaga nagpahinga, dahil maaga aalis ang uncle ni Lisa at pupunta ito sa Papa ni Lisa, para magbalita.. hindi alam ni Lisa na lagi nadalaw ang Uncle niya sa Papa niya para kamustahin at ikwento ang mga ginagawa ni Lisa. Hindi pa din kasi nagpapakita ang Papa ni Lisa sa kanya dahil sa galit pa si Lisa dito at may pinagtataguan ang Papa niya...... kaya ang pagpunta lang ng Uncle ni Lisa sa Papa ni Lisa ang nagiging tulay para malaman ng Papa ni Lisa kung kamusta na ang anak niya...
BINABASA MO ANG
(JENLISA ) The Stranger Ghost
FanfictionPaano kung magtagpo kayo sa hindi niyo alam ang dahilan kung bakit. At ang mahirap dun magkaiba ang inyong mundo at alam mong hindi kayo pwede magsama dahil isa siyang Multo. Ano ang gagawin mo? Iiwasan mo ba siya o hayaan nalang ang sariling mag mu...