CHAPTER 126

467 9 0
                                    

Still Cont'

Hinatid si Jennie sakay ng police car sa bahay nila kasama si Lisa, nakarating naman agad sila sa bahay ni Jennie at nakita nila na nasa labas ang Mama at Papa ni Jennie na nagaalala sa kanya.. binuksan ni Lisa ang Pinto at inalalayan si Jennie na lumabas, nagamot na din ang ilang sugat ni Jennie kaya medyo okay na ito.. sabay sinalubong sila ng mga magulang ni Jennie.. sa hindi inaasahan pangyayari ay pagkalapit na pagkalapit ng Mama at Papa ni Jennie kela Lisa ay sinampal ng Mama ni Jennie si Lisa, pero hindi niya ito ininda.

JENNIE: Mama! Bakit niyo po ginawa yun!? ( sabay tingin kay Lisa na nakatungo lang sa Mama ni Jennie )

J.MOTHER: Sinabi ko diba sayo na layuan mo na ang Anak ko?! Dahil na naman sayo napahamak na naman siya?!!

LISA: Sorry po.. ( still nakatungo pa din ito )

JENNIE: Mama ano bang pinagsasabi niyo?! Hindi masamang tao si Lisa!

J.MOTHER: Honey ipasok mo na si Jennie..kakausapin ko tong babaeng to na kami lang...

JENNIE: Pero Mama?!

J.MOTHER: Wag matigas ang Ulo jennie! Sige na Honey ipasok mo na si Jennie...

Hinila na nga ng papa niya si Jennie pero ayaw pumasok ni Jennie at nakatingin lang ito kay Lisa. Agad naman umangat ang ulo ni lisa at tumingin kay jennie, bago ito sumenyas na pumasok na siya at okay lang siya..kaya nun din oras na yun ay nagpahila na si Jennie sa Papa niya.. naiwan na ang Mama ni Jennie at si Lisa sa labas..

J.MOTHER: Tigilan mo na ang anak ko.. matagal ko nang sinasabi sayo.. dahil ayoko sayo para sa anak ko...

Hindi naman sumagot si Lisa at tumungo ulit ito..

J.MOTHER: Tsaka nga pala in 3 days. Aalis na kami dito at titira na muna kami sa New Zealand para hindi na din kayo magkita...

Nanlaki naman ang Mata ni Lisa sa narinig pero wala namang na siyang magagawa dahil magulang ni Jennie ang kaharap niya...

LISA: kung ganun po, may isang hiling nalang po sana  ako sa inyo.

J.MOTHER: Ano yun?...

LISA: Paki bigay nalang po ito kay Jennie.. ( sabay abot nung box na may kwintas sa mama ni Jennie )... maraming salamat po, aalis na po ako...

Malungkot na tumalikod si Lisa at sumakay na ulit sa police car para ihatid na siya sa Unit niya....pagkadating na pagkadating ni Lisa sa Unit niya ay umupo muna siya sa Sofa dahil hanggang ngayon ay naiisip pa din niya yung pagalis nila Jennie after 3 days.. pero kailangan niyang maging matapang sa nararamdaman niya dahil ayaw naman niyang maging bastos sa magulang ni Jennie..maya maya pa ay nagtext na si Jennie sa kanya..at binasa niya ito agad.

JENNIE: Sinabi na pala sayo ni Mama.. Sorry Lisa dapat sasabihin ko na talaga sayo ngayon, kaso nga nagkaroon tayo ng hindi inaasahan pangyayari..

LISA: Okay lang yun Jennie. Naiintindihan ko ang Mama mo. Wala naman akong magagawa kung ayaw niya talaga sakin.. kaya ilalayo ka na niya sakin.. pero mamimiss kita sobra..

JENNIE: Ano ka ba Lisa! 1 year lang kami dun magstay sa New Zealand, kasi sabi ko kay Mama. Sa myungsung ako papasok.. dun sa School mo..

LISA: Talaga?...

JENNIE: Oo pumayag naman si Mama na dun ako magaaral kasi nga diba Kaibigan ni Papa yung may ari nun... Pero parang ayoko umalis Lisa.. nalulungkot ako na maiwan ka dito magisa tsaka natatakot din ako na baka makahanap ka ng iba pag nasa NZ ako. Matagal din yung 1 year Lisa. Mamimiss kita sobra..

LISA: Ano ka ba Jennie. Para sa future mo naman to tsaka para sa atin, pag hindi ka sumama lalo tayong paghihiwalayin ng Mama mo.. isipin mo nalang na magkalapit pa din tayo pero busy lang tayo kaya hindi tayo nagkikita may Video call naman diba?..

JENNIE: Pero maiiwan ka dito magisa Lisa?.. yun ang ayokong mangyari yung malungkot ka..

LISA: Kakayanin ko lahat Jennie para sayo.. Kaya kong maghintay. Tsaka wag mong isipin na ipagpapalit kita kasi kuntento na ko na meron akong ikaw..

JENNIE: Promise?...

LISA: Promise Jennie. Wag kang magalala ikaw lang talaga.. Tsaka pag nandun ka na sa NZ magreview ka ng magreview para makapasa ka sa Entrance Exam sa Myungsung. Matagal din ang preparation mo ahh.. 1 year yun.. para pag nakapasok ka na dito lagi na talaga tayo magkasama..

JENNIE: Oo Lisa, pangako ko sayo na magaaral akong mabuti para makapasa ako sa Myungsung.. Pangarap kong makapagaral ulit tapos kasama ka na dun sa pangarap ko..

LISA: Salamat Jennie ahh?.. Mamimiss kita..

JENNIE: Aish. Ano ba yan. Akala ko ba kakayanin mo?.. ee mukang ngayon pa nga lang ganyan ka na.. paano ako aalis niyan?..

LISA: Sinabi ko lang ang reality Jennie, talagang mamimiss kita. Pero handa akong maghintay sayo.. Basta lagi mo akong iuupdate ahh?

JENNIE: Opo promise, Call ako sayo Lagi at Videocall tayo...Love sige na mauuna na ko.. ngayon pa lang natapos magluto si Mama. Kakain na kami bago magpapahinga na po..

LISA: Sige po Love.. kain ka ng madami ah? Pahinga ka na agad after.. I Love you..

JENNIE: Okay Love. i love you too.. bye po..

Agad na ngang binaba ni Lisa ang phone niya at nagdecide na siyang matulog na dahil sobrang napagod siya sa mga nangyari kanina. At wala na siyang ganang kumain..

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon