CHAPTER 83

464 14 0
                                    

( Kinabukasan )

Hindi namalayan nila Chaeng na sa sobrang kalasingan ay hindi na sila nakauwi ng Apartment nila at sa sala na sila nakatulog sa Unit ni Lisa, habang si Lisa ay nasa kwarto niya.. ng maalimpungatan si Chaeng dahil nakaramdam siya ng Uhaw ay agad naman siyang tumayo at pumunta sa Kitchen para uminom ng tubig...pagkatapos uminom ng tubig ay ginising na niya si Jisoo dahil nagugutom na siya...

CHAENG: Jisoo gising na nagugutom na ko... ( habang nilalaro ang tenga ni Jisoo )

JISOO: Yaaaahhh... inaantok pa ko... 5mins saglit lang...

CHAENG: Tss ano ba yan.. nagugutom na talaga ko.. kain nalang tayo sa labas nila Lisa.. Bangon ka na diyan.. Sige na.....

JISOO: Oo eto na babangon na ko.... wag mo ng lampirutin tenga ko.. tsss

Agad naman bumangon si Jisoo at umupo sa sofa, pero nakapikit pa din ito....

CHAENG: Saglit lang gigisingin ko na si Lisa... ( excited niyang sabi dahil nagugutom na siya )

Mabilis na nagtungo si Chaeng sa Kwarto ni Lisa, at nakita niya si Lisa na balot na balot ng kumot niya at parang nanginginig ito...agad naman siyang lumapit kay Lisa..

CHAENG; Lisa?!.. ( hinawakan ang noo ) Teka! Ang init mo!...... JISOO!!!!

Napabalikwas naman si Jisoo sa sigaw ni Chaeng at biglang takbo ito sa Room ni Lisa...

JISOO: Bakit?!! Anong nangyari?!...

CHAENG: Sobrang init ni Lisa! Dalhin natin sa Hospital!.. Dali..!! Buhatin natin!

Agad namang binuhat ng dalawa si Lisa at nagtulong sila para makalabas ng unit at maisakay si Lisa sa taxi, nag makasakay na sila ay nagmamadaling kinausap ni Jisoo ang driver....

JISOO: Manong sa malapit na Hospital tayo.....

CHAENG: Hindi wag Jisoo! Hongsan ang malapit na hospital dito.. hindi siya maasikaso agad... ( sabay tingin sa driver ) Manong sa Cheongdan Hospital tayo.. pakibilis lang po.. nanginginig na sa ginaw tong kaibigan namin....

DRIVER: Okay po Ma'am....

Mabilis na dinrive ng Driver ang taxi niya para mabilis silang makadating ng Cheongdan Hospital.. at pagkadating na pagkadating nila ay dineretso nila si Lisa sa Emergency Room.. Dahil nga sa sobrang panic ng dalawa... agad naman silang inasikaso ng mga Nurses doon at hiniga si Lisa sa isang bakanteng Higaan sa emergency room at chineck up ng Doctor....after check up-in ng Doctor si Lisa ay kinausap na ng Doctor sila Chaeng....

CHAENG: Doc? Kamusta po ang kaibigan namin?...

DOC: Wag na kayo mag alala at okay naman ang kaibigan niyo, na Over Fatigue lang siya kaya siya nagkaganyan.. Baka dahil sa Wala ng pahinga ang katawan niya at laging puyat. Hindi kinaya ng katawan niya. Pero okay na siya ngayon...

CHAENG: Haaaaaayyyyy.. Salamat naman Doc.. kinabahan po kami...

DOC: No worries na, okay na siya ngayon.wag niyo nalang muna siya patayuin ngayon baka mahilo siya at bumagsak, pagpahingahin niyo muna siya ngayon dahil ang taas pa ng lagnat niya ... Ah Sino pala pwede sumama sakin para sa record niya papipirmahin ko lang tsaka para sa reseta ng gamot niya??

CHAENG: Ako nalang po Doc...

DOC: Okay let's go....

CHAENG: Jisoo diyan ka muna ahh. Bantayan mo si Lisa.. baka magising.

Agad namang tumango si Jisoo, at umalis na nga si Chaeng at si Doc.....

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon