CHAPTER 125

466 11 0
                                    

Still Cont'

LISA: Subukan mo lang KAI! Hinding hindi kita mapapatawad!!! ( galit na galit na sabi ni Lisa )

JENNIE: L-Lisa t-tulungan m-mo ko...( hirap na siya huminga dahil sa sakal ni Kai, na ngayon ay itim na itim na ang mga mata )

Agad namang hinagis ni Kai si Jennie sa Gilid at humarap kay Lisa..

KAI: Well! Hindi na pala ako mahihirapang hanapin ka ngayon Lisa.. Hahahahah magic nandito ka na din.. sabay ko na kayong papatayin...

JENNIE: SIYA BA?! Siya ba yung sinasabi mong Kundisyon?!! Kaya ka sumapi?!! Si Lisa ba?!!

Tumingin naman si Kai ng dahan dahan kay Jennie..

KAI: Well kahit papano naman ay may Utak ka din pala Ms. Kim... Oo si Lisa yung matagal ko nang gustong patayin.. ako din ang pumatay sa Ama ni Lisa at sa Ina ni Lisa.. hahahahahahaha

Nagulat si Jennie sa sinabi ni Kai at napatakip siya nang bibig...

LISA: HAYOP KA!!!!! ( tumakbo si Lisa para suntukin si Kai kaso mabilis itong umilag, kaya napasubsob si Lisa sa bermuda ng Garden )

JENNIE: LISA!!!....

LISA: Okay lang ako Jennie! ( sabay tingin kay Kai ) Demonyo ka talaga! Hinding hindi kita mapapatawad!!

Naglaban na nga si Kai at Lisa. Kaso ay hindi ito kaya ni Lisa na magisa kaya nabugbog si Lisa ng husto ni kai, agad namang tumulong si Jennie kaso dahil nga sa Dalawa sila sa katawan ni Kai ay hindi nila kinaya ito at tumalsik silang dalawa... Susugurin na sana ni Kai si Lisa para patayin na ng may isang hindi mapaliwanag na Ilaw ang sumilaw kay Kai kaya nanghina ito at napaupo..

KAI: A-ano ito! Bakit nanghihina ako?!!

Tumingin naman si Jennie at Lisa sa gawing may umiilaw at nakita nila na ang uncle ito ni Lisa..

LISA: Uncle?!..

UNCLE: Puntahan mo na si Jennie dali! Ako na bahala dito!!

Tumango naman si Lisa at pinuntahan si Jennie.. sabay yapos naman ni Jennie kay Lisa dahil sa madami na ding galos si Jennie ay hindi na din niya nakayanang tumayo pa...

UNCLE: Masyado ka nang madaming napinsala! Kailangan mo nang mawala!

Nasisinagan pa din si Kai nang ilaw na galing sa espada nang Uncle niya na nakatutok sa buwan. Kaya yung sinag ng buwan ay nagrereflect sa espada ng uncle ni Lisa na dahilan ng pagkahina ni Kai.. ngunit ginamit nang evil spirit ang kaniyang natitirang lakas para maagaw ang espada na hawak ng uncle ni Lisa, kaya nagdisappear ito at biglang nagappear agad sa harap ng Uncle ni Lisa at sabay agaw ng espada, ngunit hindi ito binitawan ng Uncle ni Lisa.. matagal din silang nagaagawan sa espada nang biglang tumusok ang espada na ikinatigil nilang dalawa. Bigla naman tumakbo si Lisa papunta sa likod ni Kai at hinawakan ito!

UNCLE: J-jennie yung B-Bracelet! K-kunin mo sa bag ko.. at Isuot mo sa kanya..

LISA: Jennie! Please pakikuha nung bracelet at ihagis mo nalang sakin ako na ang magsusuot!

Natatakot pa din si Jennie pero tumakbo din ito papunta sa bracelet at agad na inihagis niya ito kay Lisa..

KAI: WAAAAAGGGG!!!!!!

Biglang namang sinuot ni Lisa ang bracelet kay Kai, at binitawan nila ito dahil sa nangingisay na si Kai at unti unting lumalabas sa katawan niya ang Evil Spirit na 5 yrs din siyang ginamit... at maya maya pa ay tuluyan nang nasunog at maging abo ang Evil spirit na ito.. agad namang tumakbo si Lisa at Jennie sa Uncle ni Lisa na ngayon ay nakahiga at walang malay...

LISA: Uncle! Gumising ka! ( habang umiiyak ito ) pati ba naman ikaw iiwan mo ako Uncle!! ( At tumungo si Lisa sa dibdib ng Uncle niya habang iyak ng iyak ) uncle gumising ka ! Ikaw nalang ang meron ako ngayon! Uncle!

UNCLE: U-umalis ka sa Dibdib ko hindi ako makahinga! !

LISA: Uncle?... Buhay ka! ( sabay yakap ni Lisa dito )

UNCLE: Daplis lang ito Lisa. Hindi ako napuruhan ng espada ko.. ( napatingin naman ito kay kai na walang malay ngayon ) Tss tss tss kawawang bata ito. Ginamit siya nang spirito na yun nang walang kalaban laban.. ( pailing iling ito habang tinatayo siya ni Lisa )

Pagkatayo ng Uncle ni Lisa ay sabay dating  na ng mga pulis.. A: Syempre ganyan naman sa mga movies, tapos na yung Scene tsaka magdadatingan ang mga pulis 🤦🏻‍♀️..... at agad na nga nilang hinuli si Kai na ngayon ay tulala at mahinang mahina......

LISA: Para saakin Uncle walang kasalanan si Kai..kawawa naman..

UNCLE: Oo nga Lisa para sa atin, inosente siya.. pero nandito tayo sa mundo natin mundo ng mga buhay.. sa mata ng mga tao. Siya pa din ang may sala.. kaya dapat niyang pagbayaran lahat ng mga buhay na pinatay niya. Kahit hindi naman talaga siya ang pumatay..

Dinala na nga ng mga pulis si Kai sa police Car nila at pinasok sa Loob.. sa bintana ng sasakyan ay nakatitig si Kai kela Lisa na walang imik at walang emosyon, bago ito tuluyan dinala sa Station at para ikulong...

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon