CHAPTER 121

471 12 0
                                    

( FAST FORWARD )

Nandto na si Lisa at Jennie sa Lugar ng pagtuturuan ni Lisa, kaya habang wala pa sila Cheang ay inumpisahan na ni Lisa na turuan ng Self defense si Jennie, syempre ang lagay nilang dalawa ay hirap na hirap si Lisa na turuan si Jennie nang self defense kaya maya't maya nagtatalo ang dalawa..

LISA: Jennie ano ba yan! Ang hirap mong turuan! Kailan ka pa niyan matututo??.. tss

JENNIE: Pahinga na muna tayo Lisa! Pagod na pagod na ko! Sakit na ng katawan ko!.. tss

LISA: Hindi!! Hindi tayo titigil hanggang hindi ka natututo! Walang pahinga! Tayo ka diyan!!

JENNIE: AISH!! Grabe ka talaga sakin!!..( agad naman nang tumayo si Jennie ) walang bang water break?!!

LISA: Wala!!

JENNIE: AAAIIIIISSSHHHH!!! GRABE TALAGA SIYA!!!!...

Agad naman na ulit tinuruan ni Lisa si Jennie at sa pagkakataon na ito ay naout of balance si jennie at napahawak siya kay Lisa kay ang ending ay magkapatong na naman silang dalawa at magkatitigan, agad naman na may lumabas na flashback sa memory ni Jennie na naalala niya dun sa school nung first meet nila ni Lisa pero hindi niya matandaan kung saan ito. Nadistract naman agad silang dalawa nang biglang pumalakpak si Chaeng habang papalapit sa kanila ,bigla namang tumayo si Lisa at inalalayan din si Jennie patayo..

CHAENG: Woahhh hindi ko alam na Kdrama scene pala ang pupuntahan namin dito hindi training ng Self Defense.. hindi mo naman kami nainform Lisa...

LISA: Ah mali iniisip niyo Senior.. naout of balance lang si Jennie kaya natumba kami.. nahihirapan kasi siya ee.. ( sabay kamot nito sa ulo )

CHAENG: Ahh ganun ba?... Well hindi ka naman ata marunong magturo ng self defense, kaya nahihirapan si Miss Beautiful. Dba Jisoo?..( sabay taas ng isang kilay )

JISOO: Ahh Oo nga Lisa, hindi pa nga pala nasasabi ni Chaeng sayo na Professional siya sa mga ganyan..

LISA: Ahh?? Totoo ba Senior?...

CHAENG: Kung makikita mo lang Lisa kung paano ako gumalaw, tutulo laway mo sa pagkamangha sakin... ( pagmamayabang nito ).... Umalis ka muna diyan.. ( sabay hawi niya kay Lisa kaya napunta si Lisa sa gilid ) .... Ako na bahala magturo kay Jennie ng Professional Moves ko... Watch me Lisa....

LISA: Ahh sigurado ka Senior??..

NagOkay Sign lang si Chaeng kay Lisa...

JISOO: Wag kang magalala Lisa, magaling yan si Chaeng... ( sabay kindat ni Jisoo kay Lisa )

LISA: Okay Sige Senior...

CHAENG: Ready ka na ba Jennie?...

JENNIE: Ahmmmm sigurado ka bang marunong ka?..

CHAENG: kakasabi ko lang kay Lisa dba? PROFESSIONAL ako... kaya Ready ka na ba??..

JENNIE: Hmmmm Sige Ready na ako..

CHAENG: Okay ito ang gawin mo, tuturuan kita kung paano umilag sa suntok o kaya sa sipa..

Tumatango lang si Jennie sa sinasabi ni Chaeng..

CHAENG: Okay ito na, sipain mo ako kahit saan.. tapos iilagan ko yun..

JENNIE: Ah Seryoso ka?....

LISA: Senior?? Nababaliw ka na ba?..

CHAENG: Professional ako kaya wag niyo ako alalahanin.. Sige na Jennie sipain mo na ko kung saan mo gusto.. at i---- ( hindi na natapos ni Chaeng ang Sasabihin niya ng paikot na sinipa siya ni Jennie sa may bandang puwet nito )

LISA&JISOO: AAAAWWWWWW............( with matching action na nasaktan )

Sabay lapit naman ni Jennie kay Chaeng na ngayon ay tinatanong kung okay lang si Chaeng.. hindi makapagsalita si Chaeng sa sobrang sakit kaya sumigaw nalang ito ng malakas na kinabingi ng 3....

A: 😒 Professional pala ahh....

Ngayon ay nasa isang Kainan sila para dun na magLunch, at habang si Chaeng ay iniinda pa din ang sakit ng sipa ni Jennie.. Kinausap ngayon ni Chaeng si Jennie na sarap na sarap sa pagkain ngayon.

CHAENG: Yah! Hindi mo naman sinabi sakin na Black Belter ka pala sa Taekwando!... Grabe ka lulumpuhin mo ko...

JENNIE: Hindi naman kasi kayo nagtatanong... ( habang puno ang bibig sa pagkain )

LISA: Jennie ubusin mo muna laman ng bibig mo bago ka magsalita..

JENNIE: Sorry Love... Okay po..

LISA: Grabe Black belter ka pala, ( habang pailing iling ito ) kaya ganun ka nalang makipaglaban sa mga multo noon.. kaya pala mahusay ka...

JENNIE: Bata palang ako inenroll na ko nila Mama dun.. kaya matagal din ako sa mundo ng taekwando...

LISA: Hmmm I see, hindi naman talaga mapagkakaila Jennie. Kasi mahusay kang makipaglaban.. pero bakit pinahirapan mo pa ko kanina??..

JENNIE: Hehehe, nagpapalambing kasi ako sayo..  hehehehhe

CHAENG&JISOO: Ayunnnn!

CHAENG: Nadamay pa ko sa lambing na yan. Muntik na kong malumpo....

JENNIE: Hehe Sorry na Senior.. hmmm

CHAENG: May magagawa pa ba ako nangyari na... Napilay na ko kaya okay lang yun...tss

LISA: Hayaan mo na Senior, gusto mo pantayin ko na? Hahahaha

CHAENG: Isa ka pa! Tssk! Napilay na nga ko ng Girlfriend mo!.. bilisan niyo na kumain diyan.. para makapagpahinga na tayo. Makauwi na.. sakit nang katawan ko ngayon....

Wala na ngang nagawa sila Lisa kundi sumunod kay Chaeng at nagdesisyon na umuwi...

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon