CHAPTER 123

437 12 0
                                    

( FAST FORWARD )

Nakarating na si Jennie at Kai sa KU, ngunit nagtataka si Jennie kasi walang tao doon miski isa...

JENNIE: Ah kai? Bakit wala pa yung kausap mo?

KAI: Malelate daw siya ng punta Jennie, hintayin lang daw natin siya..

Tumango nalang si Jennie sa sinabi ni Kai..

KAI: Mabuti pa ilibot mo muna ako dito sa school mo dati para naman malaman ko tong lugar, habang naghihintay tayo.. magttext naman yun ee..

JENNIE: Ahh Sige gusto mo ba??..

KAI: Oo naman Jennie, kasi maganda din tong school na to ee. Tapos malaki pa.. mukang mayayaman pumapasok dito ahh hehehehe..

JENNIE: Hindi naman mayayaman, may sakto lang din na pumapasok dito.. hindi mayaman at hindi naman din mahirap.. osya tara na itour kita..

Tumango naman si Kai sa sinabi ni Jennie at nagstart na nga silang maglakad papasok sa school...

Magdidilim na din ng makalabas si Jennie at Kai sa School masyado kasi itong malaki kaya natagalan silang libutin ang school.. at napansin ni Jennie na wala pa din yung kausap ni kai..

JENNIE: Kai wala pa din ba??

KAI: Pasensya na Jennie ahh, OTW na daw siya kaso mga 30mns pa.. kaya gagabihin tayo dito.. may Garden ba tong school?

JENNIE: Oo meron banda dun yung garden.. ( sabay turo nito sa way )

KAI: Ah gusto mo ba dun nalang tayo maghintay kesa nakatayo tayo dito?...

JENNIE: Sige mabuti pa nga. Tara...

Agad na nga silang naglakad papunta sa Garden.. Habang nasa Garden sila ay dumako naman tayo kay Lisa na kanina pa naghihintay kay Jennie nang may natanggap siyang tawag...

LISA: Uncle??

Sinagot ni Lisa ang Tawag..

LISA: Oh uncle bakit po??..

UNCLE: Lisa hindi ako pinapatulog nang kunsensya ko dahil sa nangyari sa Papa mo..

Kinabahan si Lisa sa sinabi ng Uncle niya...

LISA: A-ano pong ibig niyong sabihin Uncle?.. kinakabahan ako sa mga sinasabi niyo...

UNCLE: Lisa wag kang magagalit sa akin..

LISA: Bakit po Uncle?.. ano pa ba iyon?..

UNCLE: Kilala ko ang pumatay sa papa mo...

Nanlaki ang Mata ni Lisa at napatulala sa sinabi ng Uncle niya...

LISA: A-ano po ba ang nangyayari uncle?.. bakit hindi niyo sinabi sakin?!

UNCLE: Dahil tinakot niya ko na baka patayin niya ko pagsinabi ko sayo. Kaya nilihim ko ito sayo, pero nakukunsensya na ko sa lahat.. kaya kailangan mo nang malaman kung sino ang taong pumatay sa Papa mo...

LISA: S-Sino Uncle?! ( madiin at may gigil niyang sabi habang pinipigilan niya ang galit niya )

UNCLE: Lisa ang pumatay sa Papa mo ay yung Evil Spirit na sumapi sayo noon na pumatay din sa Mama mo.. nakatakas siya noon diba? At sumapi siya sa isang katawan 5 yrs ago nang nakakalipas...hanggang ngayon ay ginagamit pa din nang demonyong spirito na yun ang katawan ng lalaki kakilala mo din......si Kai..

Nanlaki ang Mata ni Lisa at muntik na niyang mahulog ang phone na hawak niya, napaupo siya sa sa mga narinig niya sa Uncle niya at ngayon ay napabalikwas siya nang maalala niyang kasama ni Kai si Jennie ngayon..

LISA: SHIT!!!!

UNCLE: Oh bakit Lisa?!!!!

LISA: UNCLE SI JENNIE KASAMA NI KAI NGAYON!!!! NASA KIM's UNIVERSITY SILA NGAYON !!!

UNCLE: Oh ano pa ginagawa mo diyan LISA!! Umalis kana! Puntahan mo na agad si Jennie! Baka mapahamak siya!!! Susunod ako doon paalis na ko ngayon na..!!

LISA: SIGE UNCLE!!...

Mabilis na tumakbo papalabas si Lisa sa Unit at medyo malayo layo din ang KU sa Building na tinitirahan niya..

LISA: JENNIE!! Hinatayin mo ko!! ililigtas kita! Hayop ka talagang Demonyo ka!! Hinding hindi kita mapapatawad!!! ( kumaripas ng takbo si Lisa at agad na pumara ng taxi )

Noong oras ding iyon ay nakasakay na si Lisa sa Taxi ganun din ang Uncle niya ay nakasakay na din sa taxi at dala dala na ang bracelet na gagamitin nila sa pagpatay sa Evil Spirit na yun.. tumawag na din ng Pulis ang Uncle ni Lisa..

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon