CHAPTER 77

459 12 1
                                    

Cont'

Habang masayang at magkahawak kamay silang nakatingin sa Dagat ay walang kaalam alam si Lisa na.......

JENNIE: Lisa Gusto ko ng maiinum. Tsaka kahit anong pwedeng kainin... ( Nakangiting sabi ni Jennie )

LISA: ( inalis ang kamay sa pagkakahawak sa kamay ni jennie ) Ah Sige, Bibili ako.... Sandali lang ako.. umupo ka muna jan... ( masayang at nakangiting sabi niya )

Tumango naman si Jennie sa sinabi ni Lisa, noon din ay umalis na nga si Lisa para bumili ng pagkain at inumin nila, pagkawala ni Lisa sa paningin ni Jennie ay agad ng tumulo ang luha ni Jennie na kanina pa gusto tumulo.....

JENNIE: ( Kausap niya ang sarili habang tumutulo ang luha at nakatingin sa dagat ) -- Sorry Lisa, Gusto kong maging masaya ka sa lahat ng bagay, lahat ng ginagawa ko para sayo, Kailangan kong protektahan ka ayokong may manakit muli sayo, Sana maintindihan mo at sana balang araw mapatawad mo ko. Para sayo tong gagawin ko... Maging masaya ka Lisa, Yun lang ang hiling ko.., Ayoko man pero kailangan kong gawin to, para sa kapakanan mo, tama din ang Uncle mo hindi tayo pwede dahil patay na ko.iba ang mundo mo, kailangan ko ng lumayo sayo , Sana maintindihan mo.. Sorry Lisa...... ( Sabay Tingin sa Buwan ) Happy Birthday Love...... I LOVE YOU........

Pagkasabi na pagkasabi ni Jennie ng Iloveyou ay agad na siyang naglaho sa Barko at sinadya niyang paalisin si Lisa dahil ayaw niyang magpaalam dito at ayaw niyang makitang nasasaktan si Lisa..

Mga ilang Minuto din ang lumipas pagkatapos maglaho ni Jennie ay bumalik na si Lisa na dala ang pagkain at inumin ng may ngiti sa labi....

LISA: Jennie! Ito na yung pinabili mo sakin. Sorry natagalan ako dami kasing nabili ee. ( nagpalinga linga ito dahil sa hindi makita si Jennie )

Nilapag muna ni Lisa ang mga binili niya sa upuan at hinanap si Jennie...

LISA: Jennie? Nasaan ka?.. nandito na yung pinabili mo.... ( naglalakad siya at palinga linga sa buong 3rd floor )

Nakaramdam ng kaba si Lisa dahil sa hindi niya makita si Jennie sa buong 3rd Floor, nagsimula na siyang magalala.. At tinakbo na niya ang buong barko para hanapin si Jennie na ang sinisigaw lang ni Lisa ay ang pangalan ni Jennie .At mangiyak ngiyak na siya dahil sa wala talaga jennie na nalabas.. At bumalik ulit siya sa 3rd floor na may luha na sa mga mata niya... at sinisigaw pangalan ni Jennie..

LISA: JENNIE!!...Nasaan ka ba?! Lumabas ka na!!... Sabi mo hindi mo ko iiwan diba?! Nasaan ka na ba?! Magpakita ka na sakin! JENNIE!!.........Please!!..........JENNIE!..... HINDI KO KAYA!

Napaluhod na si Lisa sa tindi ng iyak niya dahil alam niya sa sarili niya na umalis na si Jennie at hindi na babalik.. Ang hindi alam ni Lisa ay tinitignan siya ni Jennie mula sa malayo at tumutulo din ang luha nito dahil nasasaktan siya sa nakikita niya...

JENNIE: Sana mapatawad mo ko Lisa, kailangan kong gawin to. Ayoko ng mapahamak ka ulit. Ayoko talagang iwan ka pero kailangan na eh, tahan na please, ayokong nakikita kang ganyan..Mahal na mahal kita. Sorry Lisa.. ( sinasabi niya sa sarili niya habang nakatingin kay Lisa mula sa malayo )

At tuluyan na ngang nawala si Jennie at hindi na ito nagparamdam kay Lisa........

A/N: malalagpasan mo din ito Lisa. Fighting lang 💪🏻 mahal ka namin!

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon