CHAPTER 113

474 10 1
                                    

Cont'

Habang naglalakad na pauwi si Lisa ay nakatanggap siya ng tawag. At tinignan niya kung sino ito.

LISA: Irene?... bakit kaya tumatawag to?.

Sinagot naman agad ni Lisa ang tawag mula kay Irene.

LISA: Oh irene, bakit ka napatawag?

IRENE: L-lisa puntahan mo ko..

LISA: Ah Irene Lasing ka ba?!..

IRENE: Puntahan mo na ko. Nalulungkot ako...

LISA: Te-teka nasaan ka ba? Pupuntahan kita...

Sinabi naman ni Irene kung nasaan siya at agad ng pumara ng taxi si Lisa para puntahan si Irene.. nang makarating na siya sa lugar kung nasaan si Irene ay nakita niyang magisa ito at lasing na lasing na pero patuloy pa din ang pag inum nito ng soju. Agad namang nagtungo si Lisa sa kinaroroonan ni Irene at inawat na siya.

LISA: Tama na yan. ( sabay hawak sa kamay ni Irene na akmang iinum ulit ) lasing kana tara na hahatid na kita...

IRENE: Lisa ayoko pang umuwi... Samahan mo ako maginum...

Hindi naman na pinigilan ni Lisa si Irene at umupo na ito sa tapat ni Irene at nilapag muna niya ang phone niya sa mesa. Alam kasi ni Lisa na may problema ito kaya ito nagiinum. Kinuha ni Lisa ang shot na dapat iinumin ni Irene at ininum niya ito..

LISA: Ano ba ang Problema? Bakit ka nagpapakalasing ng ganito Irene?

Ikinuwento naman lahat ni Irene ang nangyari na ikinagulat naman ni Lisa..

LISA: Kaya pala nung tinanong ka nila Senior nung nagbakasyon tayo kung sino ang gusto mo at kung kasama ba natin noon ay sinabi mong wala dun, si Kai pala yun?..

IRENE: Oo Lisa, matagal ko na siyang gusto.. kaso nga ayun.. wala pala siyang balak magGirlfriend.. ( akmang iinum ulit ito ng awatin ulit ni Lisa )

LISA: Tama na yan. Ako na iinum niyan...lasing na lasing ka na. Magpahulas ka na muna saglit bago ihahatid na kita..

Binigay naman agad ni Irene ang shot niya kay Lisa at si Lisa na nga ang uminim nito. Tumagal din sila ng 30 mns. Sa paguusap nang magpaalam si Lisa na magCCR muna at babayadan na din ang mga ininum ni Irene.

Ngayon naman ay dumako tayo kay Jennie na kanina pa naiinis dahil hindi pa nagttext or tumatawag si Lisa kanya..

JENNIE: Tss! Bakit hindi siya natawag sakin?! O kaya magtext manlang kung nasaan na siya!.. kainis! Ako na nga ang tatawag!

Agad namang tinawagan ni Jennie si Lisa at bigla din naman itong sinagot..

JENNIE: Yah nasaan ka!

IRENE: Hello sino to?...( lasing pa din magsalita )

Nanlaki naman ang mata ni Jennie sa narinig dahil alam niya kung kanino boses yung nagsalita..

IRENE: Hello?....

JENNIE: Nasaan si Lisa?.....

IRENE: NagCR siya saglit, naiwan niya kasi yung phone niya dito sa Mesa kaya ako na sumagot. Sino ba to?..

JENNIE: Nasaan kayo?!....

Agad namang sinabi ni Irene kung nasaan sila ni Lisa at dali dali namang umalis si Jennie kahit bawal na siyang lumabas, agad siyang nagpara ng Taxi.. malapit lang naman ito sa bahay nila kaya sandali lang din nandun na siya kung nasaan sila Lisa.

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon