CHAPTER 104

472 12 0
                                    

Cont'

Pagkatapos mag prepare ni Lisa ay nagpahinga muna ito saglit, naisip niya na mga 11am na siya aalis para pumunta sa Hospital. Nang makita na niyang 10am na ang oras ay nagdecide na siyang maligo. Ayos na din naman na ang damit niya kaya hindi na siya mahihirapan pa. After na nga niyang maligo ay nagbihis na ito at inilagay na niya sa bulsa niya ang Kwintas na nakaBox na regalo niya kay Jennie. At lumabas na ito sa Kwarto at nagpaalam na sa kanya Uncle.

LISA: Uncle aalis na po ako..

UNCLE: Ayos pormahan natin anak ahh, pinaghandaan mo talaga susuotin mo ngayon. Eh lalabas lang naman si Jennie sa Hospital. Grabe ka din magmahal ahh.. ( sabi nito at umiling iling )

LISA: Si Uncle naman eh, panira talaga ng Moment. Ngayon lang ako nagkaGirlfriend Uncle. Pabayaan nio na ko, tsaka after 5 yrs makakalabas na si Jennie sa Hospital kaya Big Deal sakin yun Uncle..

UNCLE: Osya osya, Hindi ko na sisirain ang moment mo. Lakad na at pumunta ka na kay Jennie at baka hinihintay ka na nun. Magiingat ka lang..

Ngumiti ng malapad si Lisa at yumakap sa Uncle niya.

LISA: Okay po Uncle, Salamat po! Alis na po ako..

UNCLE: Sige Anak Ingat ka... ( Habang pinagmamasdan si Lisa na papalabas ng Pintuan )

Nang makalabas na si Lisa sa pintuan ay tsaka niya sinabing......

UNCLE: Lakas talaga ng Tama ng pamangkin ko dun sa babaeng yun ah?.. Hehe sabagay ganyan naman talaga kami magmahal. Hehe ( sabay baling ng tingin niya sa tv at sumandal ulit sa sofa )

( FAST FORWARD )

11:45 na nang makadating si Lisa sa Hospital at excited itong makita si Jennie at ibigay ang regalo niya para dito. Naglakad siya papasok sa Hospital patungo sa Room ni Jennie, ng makarating na siya sa Tapat ng pintuan ng kwarto ni Jennie ay may narinig siyang isang pamilyar na boses, kaya nagtago ito at sumilip bahagya sa pintuan para makita yung taong nagsasalita.

KAI: Para sayo Jennie, Congrats makakalabas ka na sa Hospital ( masayang sabi nito habang inabot ang bulaklak )

Nakaramdam naman ng lungkot at kirot si Lisa dahil sa nakita sabay tingin niya sa hawak niyang Maliit na box na ibibigay niya sana kay Jennie.

JENNIE: Salamat Kai ahh, salamat din po Doc.

DOC: Walang anuman yun Miss Kim.. Congratulations at  sa wakas ay makakalabas ka na sa Hospital. Matagal tagal din na nandito ka..

JENNIE: Opo nga hindi ko din inaasahan to. Maraming salamat po ulit. ( masayang sagot ni Jennie )

DOC: Osya Mrs. Kim? Tara na po at sasamahan ko na kayo sa Cashier para mabayaran niyo na po ang balance at pwede na po kayong umuwi..

J.MOTHER: Sige po Doc. Tara na po..

KAI: Ah sabay na po ako sa inyo, para makuha ko na po yung Car ko sa Parking Area..

Agad namang tumango ang Mama ni Jennie at sabay sabay na nga silang lumabas, sa pag kakataon na ito ay nakaalis na si Lisa sa labas ng Room ni Jennie kaya hindi na ito nakita nila Doc nang lumabas sila, at naiwan muna si Jennie saglit sa Room niya..

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon