CHAPTER 65

505 10 0
                                    

Cont'

Nang marining ng Uncle ni Lisa na nagsasalita ito magisa ay nakaramdam siya ng galit dito, kasi nga ayaw na ng Uncle ni Lisa na magpatuloy siya sa pagiging Exorcist nito lalo na yung kakausapin pa ni Lisa yung multo, dahil sa nakaraan ni Lisa.. Dahil sa Spirito kaya namatay ang Mama ni Lisa na kapatid niya. At ayaw na din niyang masapian si Lisa ulit, kaya dapat mapigilan niya ito hanggang maaga pa.. kasi alam niyang anytime pwedeng bumalik ang naghihiganting Bad Spirit na sumapi kay Lisa at baka mapahamak pa ito.. at agad na ngang kumatok ng malakas ang uncle niya..

UNCLE: LISA!!!! Buksan mo ang Pinto!!!

Nagulat si Jennie at Lisa sa narinig dahil hindi inaasahan ni Lisa na pupunta ang Uncle niya ngayon..

LISA: ( tumingin sa may bandang pinto ) Teka? Bakit nandito si uncle? Teka Jennie buksan ko lang muna... ( hindi naman umalis ng pwesto si Jennie )

Pag bukas ni Lisa ng Pinto ay agad siyang bumalik sa kinaroroonan ni Jennie...

UNCLE: LISA!!! Sino yung kausap mo !!?

Natigilan naman si Lisa sa narinig.. at tumitig lang sa Uncle niya..

LISA: Ano pong sinasabi niyo Uncle? Wala po akong kausap....

UNCLE: KANINA PA KO NAKIKINIG SAYO!! NAGSASALITA KA MAGISA! Wag ka ng magsinungaling!!! Diba sinabi ko sayo tigilan mo na yang pageexorcist mo!! At baka mapahamak ka jan!!! Siya ba yung nararamdaman ko dito lagi?!!!! Magsalita ka!!!!!

Natakot si Jennie sa inasta ng Uncle ni Lisa , pero hinawakan ni Lisa agad ang kamay ni Jennie na kinagulat nito...

LISA: UNCLE! Mahal ko siya! Hindi ko siya kayang iwan!..

Agad namang tumingin ang Uncle ni Lisa sa kamay nito na nakahawak kay Jennie.. pero wala siyang makita na hawak si Lisa...

UNCLE: TIGILAN MO NA YAN LISA!! Iwanan mo siya!! Yan ang makakabuti sayo!!!

LISA: Uncle hindi ko kaya! Mahal ko siya...

UNCLE: HINDI KAYO PWEDE MAGSAMA! TAO KA AT MULTO SIYA! HINDI KAYO MAGIGING MASAYA! Dahil alam natin na patay na ang taong yan!!!

LISA: Kahit pa Uncle! Hindi ko siya kayang iwan!!

UNCLE: Matigas na Ulo mo Lisa!!! Sige!! Kung ganyan gusto mo!!! Aalis na ko dito!! At hindi na magpapakita sayo!!!

Sabay labas na ng unit ni Lisa ang Uncle nito at sinira ng padabog ang pinto. Nakatulala lang ngayon si Jennie at paulit ulit na nagsisink in sa kanya yung sinabi ng Uncle ni Lisa na " HINDI KAYO PWEDENG MAGSAMA! TAO KA AT MULTO SIYA! HINDI KAYO MAGIGING MASAYA!" Nasaktan siya sa narinig, kaya nalungkot ito.. Agad naman siyang pinakalma ni Lisa...

LISA: Jennie? Tumingin ka sakin.. ( na ngayon ay nasa harapan na ni Jennie )

JENNIE: ( agad namang tumingin kay Lisa ) a-ah m-may sinasabi ka ba??

LISA: ( hinawakan ang magkabilang pisngi ni Jennie ) wag mong isipin mga sinasabi ni Uncle kanina, nadala lang yun sa emosyon dahil natatakot siya sa kalagayan ko ngayon...

JENNIE: Ah o-oo naman hehehe wala yun.. ( nagbigay ng fake smile )

LISA: Saglit lang maiwan ka muna dito ahh??.. bibili ako ng pagkain natin.. yung favorite mong Meat.. ( nakangiting sabi ni Lisa )

Tumango lamang si Jennie bilang pag sang ayon nito...at umalis na nga muna saglit si Lisa habang si Jennie ay malungkot at tulala na umupo sa Sofa, iniisip pa din Yung sinabi ng uncle ni Lisa.. Pero dapat hindi pa din niya ipahalata kay Lisa na naapektuhan siya sa narinig....

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon