CHAPTER 74

479 12 0
                                    

( Kinabukasan )

Maaga nagising si Lisa dahil nakaramdam siya ng uhaw at agad naman itong nagtungo sa kitchen at uminom ng tubig.. wala silang pasok ngayon kaya nagisip siya ng pwedeng magandang pasyalan hanggang sa maalala niya na Birthday niya pala ngayon...

LISA: Birthday ko nga pala ngayon.. Hayysss ano ba magandang plano??...

Nagisip si Lisa ng plano niya ngayon birthday niya kaso wala talaga siyang ibang maisip kundi mamasyal o kaya ay magluto nalang sa bahay at magcelebrate sila ni Jennie...

LISA: Okay ganito nalang.. Kakain muna kami dito, then pag dating ng Hapon pasyal nalang kami... ( sinasabi niya sa kaniyang sarili ) Tama ganun nalang...Basta mapasaya ko lang si jennie, okay na ko...

Agad namang nagtungo si Lisa sa Kwarto at kinuha niya ang twulya niya para maligo dahil bibili na siya ngayon ng iluluto niya para mamaya. At pag katapos nitong maligo ay nagprepare na mga dadalhin at nagbihis na.. habang si Jennie ay tulog pa din...pagkatapos magayos ni lisa ay agad naman niyang ginising si Jennie para magpaalam na namimili siya. Pero hindi niya sinabi na Birthday niya ngayon...

LISA: Jennie? ( dahan dahan niyang niyuyugyog ito )

JENNIE: Hmmmm.. ( tanging sagot lang ni jennie )

LISA: Alis lang muna ako saglit....

JENNIE: Saan ka pupunta?? ( habang nakapikit pa din ito )

LISA: Mamimili lang ng lulutuin para mamaya.. Okay lang ba? Hindi ka ba sasama?

JENNIE: Ikaw nalang muna lisa, antok pa ko.... ( still nakapikit pa din ito )

LISA: Sige alis na ko ahh??... ( sabay halik sa labi ni Jennie )

JENNIE: Ingat ka bilisan mo lang ahh??...

LISA: Okay po..hindi ko isasarado pinto ahh .( tumango lang si Jennie bilang pag sang ayon nito at agad na ngang lumabas si Lisa para mamili )

5mns. ng makaalis si Lisa ay nagising na din si Jennie.. nagmuni muni muna siya habang nakahinga at mga ilang minuto din ay bumangon na siya at nagtungo sa Sala..para buksan ang TV...ang hindi alam ni Jennie ay pupunta ngayon ang Uncle ni Lisa, dahil nga Birthday nito at may dala itong cake para kay Lisa....

Isang Oras na din ang nakalipas ay wala pa din si Lisa. At nabobored na nga itong si Jennie...

JENNIE: Ang tagal naman ni Lisa! Ang lapit lapit lang ng pakengke dito.. tssss naiinip na ko....

Ang hindi alam ni Jennie ay malapit na ang Uncle ni Lisa sa Unit nito..

UNCLE: Magustuhan kaya ni Lisa itong Cake na dala ko??.. wala kasi yung paborito niyang Flavor ng cake.. ( kinakausap ang kanyang sarili habang naglalakad at nakatingin sa cake na hawak ) haaaayssss sana mapatawad na ako ng pamangkin ko....

At nagderetso na nga ang uncle niya hanggang makarating sa tapat ng pinto...

UNCLE: Lisa?.. ( kakatok sana siya ng mapansin niyang hindi nakasarado ang pinto ) Bakit hindi naman sinarado ng ayos tong pinto? ( binuksan na niya ito at pumasok ) Lisa....

Nagulat si Jennie sa boses na narinig niya at hindi niya alam ang kanyang gagawin at nakatingin lang siya sa uncle ni Lisa na ngayon ay palinga linga dahil hinahanap nito si Lisa. Binaba muna ng uncle ni Lisa yung Cake sa Mesa at nagpunta ito sa sala para manuod ng tv...

UNCLE: Hindi pa pinatay ang TV at bukas ang pinto?.. ano gusto niya? Manakawan siya dito? Tss...

Habang papunta na ang Uncle ni Lisa sa Sofa ay dahan dahan naman naglakad si Jennie sa may gilid para hindi maramdaman ng uncle niya ang presensya niya, ngunit hindi ito gumana, nanindig ang balahibo ng uncle niya at alam niyang nasa bahay ang babaeng multo...

UNCLE: TEKA! Ikaw ba yan?!..... Yung kasa-kasama ng Pamangkin ko?!..........

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon