CHAPTER 40

605 13 0
                                    

( Kinaumagahan )

Nagising si Lisa at Jennie sa ingay ng kumakatok.....

UNCLE: Lisa! Kanina pa ko nakatok dito! Buksan mo pinto!

LISA: Nandyan na Uncle! Haysssss.. ang aga naman ata ni Uncle ngayon... ( nagkukusot pa ng mata at pumunta muna kay Jennie saglit ) Magtago ka muna ulit nandito si Uncle...

JENNIE: Seriously Lisa?!! ( naiinis na tanong habang papungay pungay ng mata ) antok pa ko! Haysssss

LISA: Bilisan mo na diyan tumayo ka na.... Bubuksan ko na pinto ( at nun din ay naglaho na si Jennie pero dun sa kwarto ni Lisa pumunta para matulog ulit at hindi alam ni Lisa )

UNCLE: LISA!!! Ano ba! Pagbuksan mo ko dito!..

LISA: Ito na Uncle! ( patakbo pumunta si Lisa sa Pinto para buksan ito )

UNCLE: Bakit ba ang tagal mong buksan yung pinto?!

LISA: Sorry Uncle nagCR pa ko ee.. Ang aga nio naman ata?..

UNCLE: May trabaho kasi ako malapit dito. Maaga ako pumunta para dito na ko kumain.. eto lutuin mo to pang almusal natin. ( sabay abot kay lisa ng dala nya )

LISA: Sige po Uncle, lutuin ko na to...

At nun din ay umupo muna yung Uncle niya sa Sofa at nagrelax relax. Habang si lisa ay inaayos na ang mga lulutuin, ilang minuto din ang lumipas ng matapos ni Lisa yung niluluto nya at inihain na niya sa Mesa...

LISA: Uncle luto na po, tara na kain na tayo...( habang pasimpleng naglalagay ng pagkain ni Jennie at itinago muna )

UNCLE: Nandyan na saglit ( sabay tayo sa upuan at pumunta sa kitchen )

Habang kumakain ang magtito ay napatingin si Lisa sa may kwarto nya at nagulat siya ng nakadungaw si Jennie sa pinto at natatakam sa nakikita.. sumenyas si Jennie na humihingi ng pagkain habang hinihimas ang Tiyan ,at sumenyas naman si Lisa na kunwari wala ng matitira habang tinuturo yung tito nya kasi nga ayaw ng tito nya na nagtitira ng pagkain, agad naman sumimangot si Jennie na parang bata at bumalik sa pagkakahiga sa kama ni lisa, Bigla naman napangiti si Lisa sa kakulitan ni Jennie habang umiiling. At napansin ito ng tito nya...

UNCLE: Yah! Baliw ka na?!! Ngumingiti ka magisa jan?! ( habang may nginunguya )

LISA: ( nagulat sa sinabi ng tito nya ) a-ah w-wala po tito, Sige na kain lang kayo jan. Tpos na ko kumain.....

Pinagpatuloy na nga ng Tito nya ang pagkain at syempre wala ngang natira sa mesa miski konti..Pagtapos nila kumain ay unti unti ng nililigpit ni Lisa ng mga pinagkainan at hinugasan na ito. Habang ang tito nya ay Humiga muna saglit sa Sofa at himas himas ang busog na busog nyang tiyan... After ng mga ilang minuto ay nagpaalam na ang tito ni Lisa sa kanya dahil may trabaho pa ito.. pagkaalis na pagkaalis ng Tito ni Lisa ay biglang lumabas agad si Jennie at nagtungo sa Kitchen para maghanap ng makakain. Habang si Lisa ay nakatingin lang sa kanya...

JENNIE: YAH!! Ang sama mo talaga! Hindi mo manlang ako tinirahan! ( galit na sabi ni Jennie habang nakatitig ito kay Lisa )

LISA: Eh alam mo naman si Tito ayaw niya ng may Tira dba?.. ( pagloloko ni Lisa kay Jennie ) So mamaya ka nalang kumain ng Lunch.. ( sabay ngiti na may halong pangaasar )

JENNIE: LUNCH!!!! Sa lunch pa ako makakakain!!! Tsss ang sama mo talaga Lisa! ( galit na galit na sagot nito )

LISA: HAHAHAHAHAHAHAHA!! ( hindi mapigilan na tawa ni Lisa )

JENNIE: Oh?!! Tinatawa tawa mo jan?!! ( habang bakas sa mukha ni Jennie ang Inis )

LISA: Easy ka lang kasi ( habang naglalakad si Lisa papunta sa Microwave at kinuha yung tinabi nyang pagkain ni Jennie ) Oh...... ( sabay lapag sa mesa )

JENNIE: ( Nawala galit sa mukha at naging maamong pusa ) Wooooaaaaahhh.... Pinagtabi mo ko?? ( biglang upo nito at inaamoy yung pagkain )

LISA: Malamang... Alam kong magagalit ka na naman ee... Osya kumain kana jan .maliligo muna ako...

At tumango lang si Jennie bilang pag sang ayon nito kay Lisa, at kumain na ito ng parang bata. Habang si Lisa ay pumunta na sa CR para maligo.......

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon