CHAPTER 118

459 9 0
                                    

( LAST DAY NG BUROL )

Ngayong Araw na ito ang pinakamasakit na Part para kay Lisa dahil miski abo nang papa niya ay hindi na niya makakasama tanging larawan nalang ng papa niya ang matitira katulad din sa mama niya.. kaya naisip ni Jennie na libangin muna si Lisa at dalhin muna sa labas ng funeral para makapagpahangin din ito. Kailangan pa din maging matigas ni Lisa dahil ito ang turo ng kanyang Papa sa kanya lalo na nung bata pa siya kasi nga binubully siya noon dahil sa nakakakita siya nang multo.

Dumako naman tayo sa Uncle ni Lisa na galing sa Canteen at babalik na ngayon sa Room ng Papa ni Lisa para magbantay nang may nakita siyang tao na hindi niya gustong makita.

UNCLE: Bakit ka nandito?! Ang kapal naman ng mukha mo na magpakita sa burol ng Ama ni Lisa!

Dahan-dahan namang lumingon ang lalaking nakatayo sa harap ng larawan at abo nang papa ni lisa.

UKNOWN: Pumunta ako dito para makiramay. Ngayong nakapunta na ko dito ay aalis na ko.. Condolence.

UNCLE: Demonyo ka talaga! May gana ka pang makiramay sa taong pinatay mo! ( pabulong niyang sigaw ,tama lang na sila lang ang nakakarinig dalawa )

Ngumisi naman ang lalaki at sabay umalis na ito para pumunta sa Kotse niya na nasa parking lot sa baba ng Funeral building.. pagkalabas nang room ng lalaki ay sabay dating nila Lisa..

UNCLE: Tamang tama dating niyo, maiwan muna kayo dito at may susundan akong tao..

LISA: Ah Sige po Uncle, maiwan na po kami ni Jennie..( takang sabi ni Lisa )

Agad namang lumabas ang Uncle ni Lisa at sinundan ang lalaki hanggang baba.. Nang makarating na ang Uncle ni Lisa sa Parking Lot sa Baba ng building ay saktong Walang iba tao kundi siya at yung lalaki na pasakay na ngayon sa kotse kaya sumigaw siya para mapahinto ang lalaki...

UNCLE: YAH IKAW!! Sa tingin mo ba makakatakas ka sa ginawa mo ngayon?!!!

Sigaw niya sa lalaki habang nakatayo na ito sa tapat ng kotse niya at nakatitig ng masama sa uncle ni Lisa, mabilis namang lumapit ang Uncle ni Lisa dito at ngayon ay magkaharap na silang Dalawa..

UNCLE: Hindi ka makakatakas sa pagpatay mo sa Ama ni LISA!! Demonyo ka talaga! Masyado ka nang suma-sama!!! Kailangan mo na talagang maglaho na Demonyong Spirito ka!! Pagnalaman ito ni Lisa na ikaw din ang dahilan nang pagkamatay ng Papa niya ,matapos mo patayin ang Mama niya ay mas lalo ka niyang hindi mapapatawad!! Baka siya mismo ang pumatay sayo!!!

Agad namang sinakal ng Lalaki ang Uncle ni Lisa at inangat ito...

UNKNOWN: Ikaw matanda ka..Masyado na kong nagtitimpi sayo.. kung tutuusin pinatay na dapat kita noong palang kaso hindi naman ikaw ang pakay ko.. ( seryosong sinasabi nito sa uncle ni Lisa habang sakal sakal niya ito ) malaki ang utang sakin nang pamilya ni Lisa. Kasi dahil sa kanila nasira ang plano ko kay Lisa na gamitin ang katawan niya ng mahabang panahon..

Sabay palibag nito sa uncle ni Lisa doon sa isang kotse na katabi ng kotse nung lalaki kaya nasira ang unahan ng kotse kung saan bumagsak ang Uncle ni Lisa..lumapit ulit ang Lalaki at kinuwelyuhan ang Uncle ni Lisa..

UNKNOWN: Kung gusto mo pang mabuhay, at kung mahal mo pa ang buhay mo.. Magiingat ka sa plano mong sabihin kay Lisa ang balak ko..dahil pag nalaman ni Lisa ang lahat, hindi ako magdadalawang isip na isunod ka sa Tatay niya.. ( nakangising sabi nito at sumakay na sa kotse niya )

Bago pa man sumakay ang lalaki ay lumabas si Lisa may parking Lot din para hanapin ang Uncle niya... hanggang sa makita niya yung lalaking nakatalikod at sabay sakay ng kotse.. pero hindi nakita yung mukha..

LISA: Teka?.. parang kilala ko yung tao na yun?...( sabay baling ng tingin niya sa uncle niya na nakahiga sa unahan ng kotse )....... UNCLE?!!! ( sabay takbo nito sa Uncle niya )

Agad namang lumapit si Lisa sa Uncle niya at nagaalala ito kung ano ang nangyari..

LISA: Uncle ayos lang kayo?!, anong nangyari?.. nasaktan ba kayo?! Sino yung taong sumakay ng sasakyan niya?!....

UNCLE: W-wala yun Lisa, o-okay lang ako, wag mo akong alalahanin, itayo mo nalang ako dito.. ( sabay alalay sa kniya ni Lisa para tumayo ) tara bumalik na tayo sa loob. Baka hinihintay ka na ni Jennie..

Wala nang nagawa si Lisa kundi sumang ayon sa gusto nang Uncle niya. Pero nagtataka siya kung sino yung taong nanakit sa Uncle niya. Namumukaan niya kasi ito.. kaso medyo balot ito ngayon ng kausotan, kaya hindi niya ito masyado makilala at nakatalikod pa ito, At bumalik na nga sila sa Room...

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon