CHAPTER 100

490 13 0
                                    

( FAST FORWARD )

Mga ilang minuto din nagstay si Lisa sa room ni Jennie, hindi siya umalis sa kwarto hanggang sa makatulog si Jennie, at maya maya pa ay pumasok na ang Nanay ni Jennie na nagaalala sa Loob ng kwarto at tinignan ang Anak na mahimbing na ang tulog..

LISA: A-ah o-okay na po siya.. ( nahihiya at natatakot na sabi ni Lisa )

J.MOTHER: Oo alam ko na ang nangyari kanina, sinabi na sa akin ng Doctor niya na natumba siya at nagcollapse.. ( habang nakatingin pa din kay Jennie ) makakaalis ka na..

LISA: S-sige po, aalis na po ako..

Akmang lalabas na si Lisa ng pigilan siya ng Mama ni Jennie..

J.MOTHER: Sandali.......

Biglang namang humarap si Lisa sa Mama ni Jennie..

J.MOTHER: Hindi kita kilala at hindi ko alam kung bakit ba nagpupumilit ka laging pumunta dito sa Room ng Anak ko.. Hindi kita gusto na dumidikit sa anak ko.. Kasi dahil sayo muntik na siyang mapahamak... kaya nakikiusap ako sayo.. wag ka ng babalik dito.. dahil baka mapahamak na naman ang Anak ko..

Nalungkot si Lisa sa sinabi ng Mama ni Jennie, pero wala naman siyang magawa para depensahan ang kanyang sarili kaya sumang ayon na lamang ito sa mama ni jennie, bilang pag respeto niya din dito..

LISA: Sige po, kung iyan po ang ikagagaan ng loob niyo. Hindi na po ako pupunta dito ulit.. sorry po........ ( at naalala niya yung cp ni jennie sa bulsa niya ) ah tsaka po pala pabigay nalang po ito kay Jennie. ( sabay abot ng Cp sa mama ni Jennie ) Sige po, mauuna na po ako...

Hindi na muling sumagot ang Mama ni Jennie, at tinignan lang niya si Lisa hanggang sa Makalabas ito ng room, lubos namang kinalungkot ni Lisa ang mga narinig niya mula sa mama ni Jennie.. Pero sabi nga kung mahal mo talaga maraming paraan, pero wala namang maisip na paraan si Lisa, bukod sa itext nalang si Jennie araw araw para makamusta. Tuluyan na ngang lumabas si Lisa ng Hospital at sumakay na ng Taxi pauwi sa unit niya pero kita pa din sa Mata niya ang lungkot...

Sa mga Oras na bumabyahe si Lisa pauwi ay dumako tayo ngayon sa Uncle ni Lisa na nakatayo sa harap ng Taong matagal na niyang sinusubaybayan...

UNKNOWN: Ano na naman ba ang kailangan mo sakin?. Bakit ba ayaw mo ako lumabayan.?

UNCLE: Lulubayan lang kita kung sasabihin mo sakin ang pakay mo kay Lisa...

UNKNOWN: HAHAHAHA! Gusto mo ba talagang malaman?... tsss tsss tsss Hindi ka pa din nagbabago...

Napaatras naman ang Uncle ni Lisa sa sinabi ng Lalaking nakatayo sa harap niya..

UNCLE: Anong ibig sabihin na hindi pa din ako nagbabago?! Bakit magkakilala ba tayo?!..

UNKNOWN: Oh bakit ka napapaatras?... akala ko ba matamang ka?... ( papalapit ito ng papalapit sa uncle ni Lisa ) Alam mo matagal ko ng napapansin na sinusundan mo ko.. pero hindi lang ako nagpapahalata.. Talaga bang gusto mo malaman ang dahilan huh?... Hahahaha!

UNCLE: Wag mong subukan lumapit!.. ( pagpapatigil nito sa lalaki at tumigil naman ang lalaki sa paglalakad ) sabihin mo nalang ang pakay mo kay Lisa! Ng matapos na to!...

UNKNOWN: Hindi mo ba talaga ako matandaan?.... ( demonyong tingin nito sa Uncle ni Lisa )

Lumaki naman ang Mata ng uncle ni Lisa sa sinabi nung lalaki....

UNCLE: Ano ba talaga ang gusto mong sabihin! Deretsahin mo na ako!..

Agad namang nakaramdam ng malakas na enerhiya ang Uncle ni Lisa at tumitig siya sa mga mata ng lalaki nasa harap niya. sabay nagsalita siya gamit ang isip niya....

UNCLE: ( nagsasalita sa isip ) Teka! Hindi pwede ito! Imposible, bakit siya nandiyan sa katawan ng lalaking iyan...?! Hindi ito maaari...! Pero kung ganun man. Kailangan ko mahanap ang Bracelet na papatay sa kanya.... dapat hindi ako natatakot sa kanya at hahanapin ako bracelet na yun..! Tama!....

Btw po yung bracelet na yun ay galing sa mga monks na gawa sa pinagsama samang spell, para puksain ang mga napakalakas ng Evil Spirit at maglaho na ito kasabay ng Hangin, kaso nawawala yung bracelet dahil may kumuha nito sa Temple na dapat noon palang ay gagamitin na nila sa Evil Spirit na sumapi kay Lisa...

UNKNOWN: Hindi ko pa pwede sabihin sayo ngayon.. dahil may mas kailangan pa akong unahin gawin kesa sayo...

UNCLE: ( nakaisip na siya ng panakot sa Lalaki ) Kailangan gawin?.. Haha pinagloloko mo ba ko?... Kilala na kita... ( lumapit ito at bumulong sa lalaking kausap niya ) Subukan mo lang galawin si Lisa, at ako mismo ang maglalagay sa kamay mo ng bracelet na matagal mo ng kinatatakutan. Ikaw yung Evil Spirit na sumapi kay Lisa noong bata palang siya diba? Nakaawa ang batang ito na ginagamit mo ang katawan. wag kang mag alala bibigyan kita ng Panahon pa para umamin sakin.. Hahaha ( sabay talikod ng Uncle ni at umalis na )

Naiwan namang nakatulala yung lalaki at hindi ito nakagalaw sa mga sinabi ng Uncle ni Lisa... Nagtataka ito bakit niya nalaman na nakasapi siya sa katawan ng lalaking matagal na niyang ginagamit...ngayon ay kausap na niya ang sarili niya..

UNKNOWN: Imposible nya akong maramdaman dahil kaya ko ng kontrolin ang Enerhiya ko mula sa mga Monks, pero paano?.... ( sabay ngisi nito, dahil sa natauhan na siya ) Hindi pa tayo tapos tanda, hindi mo na ko matatakot sa ganyan mo, alam ko na plano mo... tatakutin mo ako para lumabas ang enerhiya ko at mas lalo mo akong maramdaman, sa ganoon ay akala mo naman matatalo mo na ko.. at hinding hindi mo makukuha ang bracelet na yun dahil papatayin ko din ang taong may hawak nun...( sabay alis na din niya at sakay sa kotse niya )

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon